Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

22.2.07

makata

dahil wala namang nangyayari sa kin tutula na lang ako... title nito "brown na box na de pihit ang channel, black and white ang picture na umiikot pataaas"... impluwensya na ito ng master poet na si richard tuason.

eto, eto, eto

theme song ng marimar
maskara ni valiente
truck na nagiging daimos
kisig ni machete

pakpak ng mulawin
mga joke ni dolphy
swiss knife ni mcgyver
mga pauso ni michael v

bulsa ni doraemon
baril ni megatron
mtv ni ja rule
height ni dagul

higanteng mechagaigon
angas ni dao ming su
susi ng voltron
beer belly ni majinbu

nasa tv, nasa tv
nasa tv, nasa tv

eto, eto, eto

super million hair
silhouette forty
pamapalaki ng boobs
pampatigas ng ....

pamputol ng gulay
non-stick na kawali
gamit pang exercise
panglinis ng sahig

starstruck
ang tv
that's entertainment
studio 23

minions ni erap
patilya ni fpj
kilay ni jdv
nunal ni gma

nasa tv, nasa tv
nasa tv, nasa tv

eto, eto, eto

bigote ni pacquito
amerikana ni mike velarde
katwiran ni soriano
mukha ni arnold clavio

boses ni rey langit
tindig ni mike enriquez
reaksyon ni rene requestas
tumbling ni ronnie rickets

mga costume ni tikboy
mga benta ni haji
kulay ni redford white
tinta ni mang temi

diary ng mara clara
special effects ng encantadia
chaleco ni panday
eye to eye ni inday badiday

nasa tv, nasa tv
nasa tv, nasa tv

eto, eto, eto

motor ni shaider
panty ni annie
medyas ni samboy
gulang ni jaworski

formation ng bioman
brip ni he-man
sungay ni batman
kakulitan ni peter pan

jumpshot ni jolas
galing ni patrimonio
commercial ni pacquiao
mental disorder ni kris ......

guy at pip
sharon at gabby
romnick at sheryl
angelu at bobby

nasa tv, nasa tv
nasa tv, nasa tv

eto, eto, eto

turumpo ng voltes 5
kabastusan ni willie
itsura ni ben tisoy
english ni jimmy

katok mga misis
teysi ng tahanan
kapwa ko mahal ko
master showman

waistline ni palito
hairstyle ni bembol roco
fans ni zoraida
ford adventures ni vandolph

wok with yan, hello angel
calviento files, toink
tondominium, pandakekoks
okat okat, sine sa dos

nasa tv, nasa tv
nasa tv, nasa tv

eto, eto, eto

pooh bear
care bears
yogi bear
gummi bears

mini monsters
karate cat
tiger sharks
street frogs

tapang ng tulfo brothers
kasikatan ng baretto sisters
idea ni mister bean
bahay ni mister bogus

alahas ni mister t
dimples ni aga mulach
takbo ni david hasselhoff
role ni mary walters

nasa tv, nasa tv
nasa tv, nasa tv

eto, eto, eto

sumbrero ni pong
kwento ni kuya bodjie
pangaapi kay juday
porma ni jolina

punto ni leo martinez
pomada ni noli de castro
segment ni mark logan
tenga ni prinsipe k

bilbil ni ruby
pilantik ni arneli
tattoo ni gracia
show ni jao mapa

nasa tv, nasa tv
nasa tv, nasa tv

lahat ng iyan nakita ko sa tv

bow!


Kuya Ace Ng Bayan at 4:51 PM



12.2.07

ming ming ming ming ming...


nawawala na si "puti", yung kaisaisa naming pusa na nagpapahawak. kung hindi ako nagkakamali nakipagtanan na yata yun dun sa tatlo ang kulay.

dadalawa na lang tuloy yung naiwang pusa namin at sila yung nasa picture. si "secretary defensor" yung nasa kaliwa, si "representative escudero" naman yung nasa kanan.

ma-cute na sana sila dahil ang lalambing kapag humihingi ng pagkain pero pag hahawakan mo naman nagsisipagtakbuhan na sila papalayo.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:49 PM



10.2.07

live

nung panahon na nagaaral pa ko sa la salle dasma bihira ang magkaroon ng concert. kung meron man may bayad kaya hindi rin ako nakakapunta dahil parating pamasahe lang ang naiiwang laman ng bulsa ko non. tapos yung mga musician pang kinukuha nila dati ay yung mga medyo hindi ko trip (except for mojofly which was still fronted by kitchie nadal that time). di ko na nga type tapos may bayad pa, ayun wala akong napanood dati kahit isa.

last wednesday nag-"homecoming" ako sa school at nung kinagabihan ang sumalubong na mga banda sa pagbabalik ko sa eskwelahan ay typecast (lang naman), the ambassadors (lang naman), at urbandub (lang naman). ang maganda dun trip ko sila lahat at walang pang bayad hindi tulad ng mga concert nung nagaaral pa ko. eto pa, walang outsiders so wala ring mga blackman na ang ginagawa lang ay pupunta sa mga events para manggugulo.

kung tatanungin ako kung kumusta naman ang performance ng mga banda, gagamitin ko yung gasgas na phrase na "it was such an experience". ang hirap rin kase i-explain eh, panoorin niyo na lang sa baba at kayo na lang maghusga, basta para sa kin napakagandang paraan nun para mag-release ng energy.



salamat kay judy sa pag upload ng video with excellent audio. buti na lang talaga hindi ako yung humawak ng camera sa kantang yan, kumakalog kase ang kuha pag ako ang may hawak.

kamusta naman yung security sa event? parang hindi na kinailangan masyado kahit na rock concert to. behave naman kase yung crowd. parang dadalawa nga lang ang nakita kong security personnel sa lugar, pareho silang rotc officer na kayang kaya ko ibuhol at muntik ko nang ibuhol dahil ayaw nila ako paakyatin para makabalik sa pwesto ko nung nag-cr ako. dun naman sa backstage/bilihan ng t-shirt at cd's iisang babae lang ang nagbabantay, kayang kaya ko rin itaob pero hindi ko itinaob kase magandang maganda siya pinapasok niya rin ako nung sinabi kong bibili ako ng mga t-shirt.

nasa loob na rin lang ako kaya hindi ko na rin pinalampas na magpalitrato sa mga miyembro ng urbandub. oo, inilagay ko yung mga picture sa friendster at 9687546% akong sigurado na inilagay din nung iba pang nagpalitrato sa friendster yung mga picture-picture nila.


with urbandub's vocals/guitarist gab alipe. konting adobe photoshop lang mawawala rin yung kintab ng mantika sa mukha ko






with urbandub's bassist/backup vocals lalay lim. uuuyyyyyYYYYYyyyyy!!! yiheeeeeeee!!! napapangiti ako hanggang batok kapag nakikita ko tong litratong ito.



***wala akong t-shirt, 1st album o kahit picture man lng ng typecast. maaga kase silang umuwi.


DITO ANG LUMANG BLOG