![]() |
||||
|
Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver ![]() Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
26.2.12 looking into the future happy... nervous... happy and nervous! iyan ang lagay ko ngayon. pero kahit ganon, thank you Lord pa rin! trying to be practical, sinimulan ko ang 2012 ng nag-iinvest. in-accept ko yung fact na tumatanda na nga ako. hindi na ko pwedeng makipagsabayan sa mga kaibigan kong early 20's na nage-enjoy pa sa buhay dahil kapag ginawa ko iyon i'd end up losing 5 years of my life ng wala pa ring naipupundar. so, una kong ginawa ay yung insurance+savings/investment sa isang financial firm. actually, yung ganito ng magulang ko ang nagpa-aral sa kin ng college nung panahong medyo gipit sila kaya gusto ko gayahin. marami nang advise na wag daw patulugin ang pera sa bangko. naniniwala ako dun. at kanina yung medyo malaking pagbabagong pinasok ko. i bought my 1st ever property. hulugan nga lang. pero yay pa rin! i now have my own tiny teeny condo sa gitna ng qc, sa may abs-cbn. bale kapit bahay ni big brother. isang unit 16 square meters, parang selda lang ng kulungan hehe. it's a good start. by the 3rd quarter of 2013 pwede na siyang lipatan, sakto sa 30th birthday ko. i'm looking at it as an investment instead of a monthly gastos. nakakahinayang rin nga naman kasi ang pagre-renta ng apartment. a large chunk of my monthly income mapupunta na sa bayad ng bahay. ni-compute ko na ng paulit ulit at nasa loob naman ng budget. yun nga lang ang budget sobrang hirap sundan religiously, hehehehe. so let's see. sana hindi ako mahirapan mag-adjust.
15.1.12 hello 2012! started the year on the right note. grew a lot wiser in 2011, the 1st year na hindi ako nakatira sa puder ng mga magulang ko. happy with the outcome. yun nga lang ang mga priority ko ngayon mga priority na pang matanda. health, investments, and career, never ko silang tinutukan ng ganitong pansin before pero ngayon wala na kong inisip kung hindi yang mga iyan. iba na talaga kapag tumatanda. heck, pati nga pananamit ko unti unti na ring nag-mature. happy 2012!
18.12.11 something for me this christmas after more than a decade of not wearing one i decided to buy myself a new watch. yung simple lang, a sports watch. kelangan ko siya pero more of a symbolic gift para sa sarili siya sa kin kesa sa need. ewan ko pero dahil siguro happy-go-lucky, naging isa akong taong walang oras. kaya ngayon nag-decide akong bumili ng isang bagay na magpapaalala sa kin na maikli lang ang buhay. it's always time to live wisely.
13.12.11 one fine morning friday, two weeks ago. nag-decide na lang kami bigla na lumayo muna sa sibilisasyon. walang plano plano, in-impake ko lang sa maliit na gym bag ang aking rash guard at board shorts, tatlong tshirt, dalawang shorts, mga underwear at kailangang toiletries. destination baler. a place of happy memories. sabado ng hating gabi, lumayag galing ng maynila. pagkatapos ng 6 hours na biyahe sa joy bus (pinaka-magandang nasakyan ko dito sa pinas), dumating kami sa paroroonan. medyo masama pa nga panahon, buong araw ng umulan. walang magawa, wala rin namang kelangan gawin. steady at relax lang. food trip maghapon. madaling araw ng lunes napagpasyahan kong maglakad lakad sa dalampasigan. alone time. my moment. hindi ko alam kung bakit pero yung umagang yon tatatak na sa kin habang buhay. ang ganda ng mundo nung mga oras na iyon. yung pag silip ng araw sa mga ulap, yung tunog ng mga alon, yung solo kong paglalakad habang nakikinig sa "so long, so long". mga bagay na walang koneksyon sa isa't isa pero dadalhin ko sa mahabang panahon dahil nakaramdam lang ako ng kapayapaan sa mga oras na iyon. ganon naman yata talaga ang buhay. minsan, hindi mo kelangan ng explanation sa mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa iyo. mas mainam kung ie-enjoy mo na lang ang bawat saglit kahit na walang logic. nung umagang iyon paulit ulit lang nagfa-flash sa utak ko yung mga quotes na nabasa ko dati sa isang fan video ng so long, so long. galing sa libro ni d. miller. "And so my prayer is that your story will have involved some leaving and some coming home, some summer and some winter, some roses blooming out like children in a play. My hope is your story will be about changing, about getting something beautiful born inside of you about learning to love a woman or a man, about learning to love a child, about moving yourself around water, around mountains, around friends, about learning to love others more than we love ourselves, about learning oneness as a way of understanding God. No, life cannot be understood flat on a page. It has to be lived; a person has to get out of his head, has to fall in love, has to memorize poems, has to jump off bridges into rivers, has to stand in an empty desert and whisper sonnets under his breath... We get one story, you and I, and one story alone. God has established the elements, the setting and the climax and the resolution. It would be a crime not to venture out, wouldn't it?"
22.11.11 now and then nabanggit ko last post na nagi-gym na pala ako diba. 2-3 times a week ako kung pumunta sa m3tr0club para masunod ang program na binigay sa kin ng isang kaibigan. huling beses ko na bisitahin ng regular ang lugar kung saan ako naggi-gym ay nung summer season pa 20 years ago. swimming lessons naman ako nun, in-enroll ako ni erpats. incoming grade 4 student ako at nagbabakasyon sa maynila. more than a month ata na araw araw akong matiyagang inihahatid ni ermats mula shaw boulevard papuntang estrella street para mag aral lumangoy. naaalala ko na uso pa nun yung metrobus na madalas naming sakyan at wala pang nakaharang na mrt sa gitna ng edsa. kumpara sa ibang mga bata mas mataas ang level ng kaduwagan ko sa sa mga bagay bagay. kasama na dun yung malalim na swimming pool. siguro naka ilang beses din na kinailangan akong itulak ng instructor para lumangoy sa 9ft na swimming pool. consolation, natuto ako lumutang sa tubig pero di pa rin ako naging magaling lumangoy. madalas naikukwento sa kin ni erpats na meron daw isang beses na kinailangan naming makumpletong languyin yung isang buong length ng swimming pool. pasikreto niya raw akong pinapanood sa malayo habang pilit kong nilalangoy yung kahabaan nung pool. akala niya hindi daw ako aabot. hanggang sa araw na ito hindi ko pa rin ma-gets kung ba't niya kelangang magtago sa malayo para lang panoorin yung success ko. :) *** matagal nang down yung server na naglalaman ng mga picture files ko para sa blog na ito pero di ko pa rin inaayos. kita naman na wala na yung profile pic kong nakaupo katabi ang "bawal umupo dito" na karatula at yung header kong nakalagay "weblog ni ace". siguro kapag may oras na akong mag corel draw saka na ko gagawa ulit ng bagong banner.
14.11.11 long time no write mas madalang na ako mangarap ngayon at mas iniisip ko na ang mga bagay na kaya kong magawa sa present state ng aking pamumuhay. kung dati lagi ko pa nasasabi ang mga bagay katulad ng "dapat by the age of ganito isa na akong ganito". dalawang bagay. either sumusuko na ko sa pangagarap ko or tanggap ko nang hanggang dito na lang talaga ako at mas magiging mainam kung ang mga bagay na meron ako ang bigyan kong halaga. ume-edad nanaman ba ako? baka nga naman, at mula sa pagiging idealistic ay nagta-transform na ako at nagiging realistic. ayaw ko pang bumitiw. may mga maliliit na tsamba na nagawa kong gawin at maging ang mga gusto ko. kaya kong panghawakan at ituloy iyon. pero magiging makabuluhan pa ba kung ganon? *** isip bata. iyan ang madalas na sinasabi tungkol sa kin. kahit pa naiinis ako hindi ko na lang pinapatulan. madalas kong sabihin na boses bata lang ako pero marunong ako magisip, "weh" ang madalas na sagot. ok, sige. matuwa kayo sa iniisip niyo. hindi ko naman kailangan magpaliwanag. ano ba ang hindi isip bata? kelangan bang parang mala-conficius ang bitaw ng mga salita para kunwari matured? kelangan bang ang mga argumento ay nababalot ng hegelian discourse? na meron pang mga thesis at anti-thesis sa pagpapaliwanag ng mga bagay bagay? isang malaking bull. hindi porke't kasiyahan at joke time ang parati kong batid ay kasing carefree na ko ng isang puslit. marami akong nagawang mabibigat na desisyon sa buhay ko at naging responsable ako sa kung ano ang kinahinatnan nito. hindi ko tinakasan ang mga mali. at higit sa lahat, sa maraming beses naging responsable ako at hindi ko na kinailangan pasukin ang isang maling bagay para matutunan na mapapahamak ako sa ginawa ko. hindi ko na maalala ang huling beses na lumapit ako sa mga magulang ko dahil sa kapahamakang nagawa sa sarili. nagkukwento ako sa kanila pero hanggang dun lang iyon. at bagamat may mga desisyon akong medyo di sila sumangayon nung una, sa palagay ko, ngayon ay naiintindihan na nila kung bakit ko tinahak ang mga landas na pinili ko. hindi ko na kailangan magpaliwanag. basta para sa akin, malasa na yung responsable ako sa sarili ko at may paki ako sa mga nakapaligid sa kin. hindi ko na kailangan magsayang ng effort para lang gumawa ng mga childish remarks kung saan wala naman itong maidudulot na maganda. *** on the lighter side, marami akong oras para sa sarili ngayon kaya naisipan kong tulungan ang sarili ko. kunwaring healthy living. lima hanggang anim na beses sa isang linggo na akong tumatakbo ng layong limang kilometro sa boni high street. dalawang beses sa isang linggo kung ako ay maglaro ng basketball. at dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo ako pumupunta sa metroclub para mag weights training. sa kasalukuyan nasa pang pitong linggo na ko ng running/jogging at ika apat na linggo ng weights training. tunay yung sabi ng ate ko na 21 days to learn/unlearn something. ibig sabihin nito gawin/iwasan mo sa loob ng 21 na araw ang isang bagay at maipapasok/matatanggal ito sa iyong sistema. effective. tinuruan din ako ng kuya ko ng isang uri ng diet. high protein, low carbs. mabisang pambawas ng taba sa katawan. na-prove ko na rin. nung ilang buwan lang ay umakyat ang timbang ko sa 180 pounds. ngayon nasa 170 ako. ang pinaka mababang record ko ay nung isang linggo, 166. siguro maintain na lang. may napapala naman ako. unang una, natuturuan ko ang sarili ko ng istriktong disiplina. pangalawa, nababawasan na yung idle kong oras na dati ay inuubos ko lang sa internet na walang nangyayari. nakakatawa at dumating ang panahon nun na sa sobrang boring ay nababagalan na ko sa paghihintay ng baong updates sa fb wall at twitter feeds ko. how lame. pangatlo benefit ay mas masiglang katawan. oo, nangangarap na ko ngayon magkaron ng katawang pangromansa, hehe.
28.8.11 U.M.E. may nangyari pala sa kin na feeling ko 40/60 lang ang ratio ng mainiwala pag kinwento ko sa mga tropa kong kilala ang kasangkot.
hindi big deal pero mababaw lang naman ang ligaya ko kaya feeling ko big deal to para sa kin. kras ko kase si host nung event. kras-kras-an lang na parang artista-fan type ng kras (kahit na hindi naman siya artista). nakaka-chat ko konti at nagko-comment-an kami dati sa multiply pero yun lang. one time nagka-usap kami sa event, buti mabait. nahulaan niya pa nga pangalan ko bago ko pa sabihin. tuwa naman ako, kulang na lang magta-tatalon ako sa saya. so ayun. feeling ko parang nasa isang music video ako kahapon. habang namomroblema ang typ3c@st sa technical difficulties nag-relax-relax muna ako ng konti. napa-tingin ako sa kaliwa. lo and behold, si crush host. nakatingin siya sa kin at nakangiti. so wala na ko naisip na gawin kung hindi mag wave ng "hi", yung signature wave kong parang batang excited. nag-wave back siya pabalik. tapos lumapit (slow mo???). tapos sabi "hi ace" sabay nag beso. hahaha. sabay alis. naiwan akong tuliro at off guard hahaha. speaking of tuliro, siya yung girl na nasa music video na 'to... masasabi ko lang talaga WOOOHOOO!! hahaha, oo ganon ako ka-babaw. ayyy mas matangkad pala siya sa kin pag naka-heels :)
|
|||
| DITO ANG LUMANG BLOG | ||||