Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

22.9.06

survivor

dalawang beses pa lang ang alam kong pagkakataon na naitampok sa national tv ang opisina namin. isa ay sa imbestigador, tungkol ito sa dalawang dating empleyado sa aming pabrika na nangarap maging artista. may pelikula na nga sila eh at matagal na itong showing sa quiapo at baclaran. title: lucena scandal.

pangalawang beses na napasatelebisyon ang opisina namin ay nitong nakaraang sabado lang.

ganito nangyari non. 10th anniversary ng cml philippines kaya naman may libreng pakain para sa lahat ng pumasok ng friday last week. masarap ang mga handa, may chicken bbq, fried fish, steamed gulay, kare-kare, at ubod ng sarap na seafoods na paborito ng lahat. oo nga pala, may cake din na malaki.

fast forward tayo.

madaling araw ng sabado nagtext si kaopisina A kay kaopisina B na hindi daw siya makakapasok dahil humihilab ang tiyan niya. reply ni kaopisina B kay kaopisina A humihilab din ang tiyan niya. kasabay ng pagtetextmate ni kaopisina A at B sa isa't isa ay kulang kulang isang libong tao rin pala ang nakaupo sa inidoro at nagpapaalam na hindi daw sila makakapasok kinabukasan dahil nagtatae sila.

sabado, dumating na ang gma7 sa dlsumc para sa pag-interview ng mga biktima food poisoning na naka-confine sa nasabing ospital. kaya ayon, sikat nanaman kami.

may karamihan din ang nabiktima. 76 na na-confine ng ilang araw sa ospital. 256 ang idinala sa ospital, in-injection-an, pinainom ng gamot, at pinauwi. mahigit sa 600 din ang pumunta sa opisina para humingi ng gamot sa clinic. hindi pa kasama sa bilang yung mga hindi humingi ng gamot at yung inimbitahang mga folk singer na nakita kong naglagay sangkatutak na tahong sa plato.

ang tanging mga hindi tinamaan ng poisoning ay yung mga absent, restday, mga panggabi, mga naubusan ng pagkain at yung mga maarte sa ulam... kagaya ko.


DITO ANG LUMANG BLOG