Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
29.10.06 justin never knew the rules, hung down with the freaks and ghouls eto ang costume ng pamangkin ko nung um-attend siya sa halloween party sa club house ng barrio namin. ang cute cute ng suot niya kaya naman nakapag-ani siya ng isang plastic bag ng kendi sa trick or treat. pagkatapos pagsawaan ng pamangkin ko yung costume, kinuha ko to tapos ako naman ang naglaro. nyahahahaha. sino ang ginagaya ko? a. ilong ranger b. mang jose c. zorro d. wonder woman ***oo nga pala, bili kayo ng mga kendi sa kin, 50 sentimos na lang ang isa. yung isang plastic bag namin ng kendi kase hindi naipamigay, nakalimutan ng mga bata dumaan sa street namin nung naglilibot sila.
21.10.06 pamantasan kumuha ako ng IQ test this morning. yung results consistent, kapareho pa rin ng score na nakuha ko five years ago at ten years ago.
18.10.06 ito yung post na para may mai-post lang clean cut na ang buhok ko ngayon, yung mop head kong gupit napalitan na ng maikli. ang mala-pornstar kong bigote at balbas araw araw ko nang inaahit. medium na ang size ng isinusuot kong mga t-shirt instead of yung nakagawian na XL. new look? oo, para maiba naman. natatae kase ako tuwing nakikita ko yung pagmumukha ko sa salamin. pang-24 na beses ko nang nag-birthday nitong nakaraang thursday. eksaktong alas kwatro ng hapon nung araw na iyon ay may 12,441,600 minuto na kong naglalaboy sa earth. kung bawat minuto pala nagiipon ako ng piso kaya ko nang bumili ng bahay sa alabang. ang labo. 24 years old... matanda na ba ko? hindi pa. yung mga stars na kumukutitap sa gabi yun ang matanda. isipin mo kapag nakita mong nag-twinkle yung star na tinititigan mo ibig sabihin mga ilang million years ago na siya na nag-twinkle, ngayon mo lang nakikita. ang galing no? minsan iniisip ko pano kaya pag yung star naging pwet tapos napa-utot ito nung bandang panahon ng noah's ark, panahon na kaya ng mga hapon saka pa lang magtatakip ng ilong ang mga tao? shet, ang corny. mas corny pa kesa dun sa "knock, knock... who's there? ako maba..." joke. pero pagbigyan niyo na ko dahil birthday ko naman. ang isang life sentence ay 50 years. tama ba yang pinagsasabi ko o guni guni ko lang na 50 years talaga yun?!? basta yun yung alam ko 50 years. so kung ganun nga nangangalahati na pala ako, halos. sa 24 years na nakalipas marami rami na rin ang mga kwentong naipon tungkol sa sarili ko. nais ko itong ibahagi sa iba kahit hindi naman ganon ka ROYGBIV ang buhay ko. hindi ko pa nararanasan na ikwento ang mga pinaggagagawa ko nung kabataan ko. pagkakataon ko na gawin ito sa pamamagitan ng pagbo-blog. sa taong ito mas itutuon ko ang mga post ko sa days of yester-years kesa sa mga not so past events, "the wonder years" kuno. *** sinadya ko gawing napaka-"random" ang pagkakasulat ng post na ito.
10.10.06 earfood CURRENT PLAYLIST: local 1. typecast - the boston drama 2. faspitch - breath 3. plane divides the sky - like a machine for spinning 4. maryzark - against in between 5. chicosci - seven black roses foreign 1. coheed and cambria - bye bye beautiful 2. armor for sleep - the truth about heaven 3. jimmy eat world - sweetness 4. taking back sunday - you're so last summer 5. my chemical romance - ghost of you 97% ng kanta sa mp3 player ko ay opm music. lahat nasa linya ng genre na rock. para sa mga matatanda maingay ang mga pinapakinggan kong mga kanta. unang una, hindi sila puro ingay lang. ang tanging pinapakinggan ko ay yung mga kanta na sa tingin ko ay may laman, lyrics-wise and music-wise. sa totoo lang may mga ilang sikat na banda na hindi ko pinapakinggan. hindi ko na sasabihin yung mga pangalan nila dahil baka sugurin ako ng mga fans nila at biglang tumaas ang bilang sa site meter ko. poser nga pala ako sabi ng ibang "rakista". pano ba naman daw kase ako magiging tunay na rakista eh hindi naman ako rakista kung pumorma. ok, i dress for comfort, not for style. e ano ba naman ang magagawa ko kung "boysen paint" lang talaga ang meron akong t-shirt at yon lang ang pwede ko ipang-porma. i support the music that i like by buying the original cd. kung hindi ko trip yung tugtog hindi ko pinapakinggan. hanggang ganun lang.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |