Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

18.10.06

ito yung post na para may mai-post lang

clean cut na ang buhok ko ngayon, yung mop head kong gupit napalitan na ng maikli. ang mala-pornstar kong bigote at balbas araw araw ko nang inaahit. medium na ang size ng isinusuot kong mga t-shirt instead of yung nakagawian na XL. new look? oo, para maiba naman. natatae kase ako tuwing nakikita ko yung pagmumukha ko sa salamin.

pang-24 na beses ko nang nag-birthday nitong nakaraang thursday. eksaktong alas kwatro ng hapon nung araw na iyon ay may 12,441,600 minuto na kong naglalaboy sa earth. kung bawat minuto pala nagiipon ako ng piso kaya ko nang bumili ng bahay sa alabang. ang labo.

24 years old... matanda na ba ko? hindi pa. yung mga stars na kumukutitap sa gabi yun ang matanda. isipin mo kapag nakita mong nag-twinkle yung star na tinititigan mo ibig sabihin mga ilang million years ago na siya na nag-twinkle, ngayon mo lang nakikita. ang galing no? minsan iniisip ko pano kaya pag yung star naging pwet tapos napa-utot ito nung bandang panahon ng noah's ark, panahon na kaya ng mga hapon saka pa lang magtatakip ng ilong ang mga tao? shet, ang corny. mas corny pa kesa dun sa "knock, knock... who's there? ako maba..." joke. pero pagbigyan niyo na ko dahil birthday ko naman.

ang isang life sentence ay 50 years. tama ba yang pinagsasabi ko o guni guni ko lang na 50 years talaga yun?!? basta yun yung alam ko 50 years. so kung ganun nga nangangalahati na pala ako, halos.

sa 24 years na nakalipas marami rami na rin ang mga kwentong naipon tungkol sa sarili ko. nais ko itong ibahagi sa iba kahit hindi naman ganon ka ROYGBIV ang buhay ko. hindi ko pa nararanasan na ikwento ang mga pinaggagagawa ko nung kabataan ko. pagkakataon ko na gawin ito sa pamamagitan ng pagbo-blog. sa taong ito mas itutuon ko ang mga post ko sa days of yester-years kesa sa mga not so past events, "the wonder years" kuno.


*** sinadya ko gawing napaka-"random" ang pagkakasulat ng post na ito.


DITO ANG LUMANG BLOG