Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

22.11.06

poetry in motion caught and kept in paper

nung isang araw ko pa balak gumawa ng post pero tuwing sasalang ako sa internet paulit ulit kong pinapanood sa youtube ang performance ng rivermaya hanggang sa maubos ang oras ko. sobrang astig kase eh, sa katunayan dahil lang dun sa performance na yon kaya ako bumili ng album nilang "between the stars and waves". hindi ko naman pinagsisihan yung napuntahan nung tatlong daang piso ko.

wala kaming internet sa bahay kaya sa kapitbahay na sm lang ako nago-online. limitado ang oras para maka-access sa net, as in bitin kaya naman pc sa bahay at internet service ang wish ko sa darating na pasko. sana matupad.

anyways, mag-entry na tayo.

nitong past few days ko lang naalala na may camera pala yung telepono ko. ang slow no? nung august ko pa ito binili pero ngayon ko lang napagtripan. ok din pala, kung sino sino at kung ano-ano nga ang nilitratuhan ko eh. para akong engot na tutwad tuwad kung minsan. paki ba nila? haha. basta inggit ako dun sa may mga photo-blog kaya, sige, ako rin kukuha ng mga litrato at magpo-post na ng mga picture.

yang mga ipinaskil ko sa ibaba ay ilan sa mga paborito kong litratong nakunan last week.



eto si puti, isa siya sa mga pusang ampon namin ngayon. noon kontrabida siya dahil inaagawan niya parati ng pagkain ang dati naming pusa na si doggie. nang mamatay si doggie naging panata ni erpats na papakainin niya at aalagaan ang lahat ng pusakal na umaaligid sa bahay. sa dami ng pusa namin ngayon tanging si puti lang ang nagpapahawak sa tao.




last saturday ikinasal sa isa't isa ang dalawa naming kaklase noong college. sobrang bilis nga naman ng panahon. dati yung mga ka-age ko na ikinakasal ay yung mga mga tipong nabuntis o nakabuntis lang ng wala sa oras. ngayon andiyan na yung mga nagpapakasal dahil handa na sila sa buhay mag-asawa.




nung thursday nagkaroon ng event sa cafe ng kabarkada ko na bagong bukas lang last october. suvasa ang naging pangalan nung programa na umiikot ang tema sa poetry, art at music. feeling ko non ay andun ako sa bar na pinasukan ni freddie prinze jr sa "she's all that" kung saan pinanood niya ang acting/dance number ni rachel leigh cook. asteeg. yung babae nga pala na nasa litrato ay miyembro ng bandang lakbay lahi. bale siya yung taga sayaw ng ethnic dance. nakakatuwa rin naman dahil kahit na bibihira na ang ganitong klase ng mga performer eh andiyan pa rin ang mga taong tumatangkilik sa kanila. nagulat nga ako nun dahil malaking persiyento ng audience ang talagang humanga after nila mag perform.





ilan pa lang yan sa mga kuha ko gamit ang hindi naman masama na 2.0mp built in camera ng motorola razr v3x. para makita ang ibang pang mga litrato ko pwedeng bumisita sa flickr account ko.


Kuya Ace Ng Bayan at 3:02 AM



10.11.06

bastard son of a bastard son, a wide eyed child of the sun

ano na kaya nangyari dun sa bully boy nung elementary ako? malamang hindi nakatapos yun. baka nakabuntis yun ng maaga. o kaya naman nakulong. pwede rin naging adik. eh kung nagbalik loob siya sa Diyos? malabo.

meron akong kaklase nung elementary na wala nang ginawa kung hindi mang-aberya at makipagsuntukan. daig pa kamo ang boksingero, every week siya may laban dun sa likod ng cathedral. 42 wins, 3 loses, 0 draws.

tahimik lang ako sa klase kaya ilang buwan muna ang lumipas bago niya napansin na masarap pala akong pagtripan. nai-spot-an niya siguro ako nung wala na siyang makaaway dahil lahat ng nakasuntukan niya ay katropa na niya.

at ayun, ako na nga ang naging prey nitong sinasabi kong bounty hunter. ayun, nagsimula sa pambabara. sumunod ang pangongotong ng paper, tapos pangongotong ng ballpen. hindi huminto hanggang umabot sa araw araw na pangiinsulto na kapag umalma ka masusundan agad ng hamon ng suntukan.

trivia: "sport" - tawag sa suntukan sa baguio. (e.g. "yabang mo ha! ano SPORT tayo?"). i shit you not, pero yan talaga ang paraan ng paghamon ng suntukan sa baguio. hindi ko nga alam ang history kung san nanggaling ang term na yan.

pag ako hinamon ni bully boy ng "sport" hindi ako lumaban, masakit kaya masaktan. wag na no! kung magka black eye ako malaking kawalan yun sa kagandahang lalake ko, eh siya kahit masagasaan ng pison wala namang ipagbabago sa itsura. at tsaka isa pa, "bakal boys" (yes, with an "s") yun kaya mis-match na agad.

hanggang mag-summer hindi natapos ang pantitrip sa kin.

tanda ko siya naglagay ng bunot sa loob ng bag ko. malakas rin ang kutob ko na siya yung nagnakaw nung isa dun sa micro machines kong dinala sa school. siya lang naman nagnanakaw sa klase namin eh. kahit yung baon kong lunch ninanakawan niya ng ulam. oo, nagtatanim ako ng sama ng loob. sino ba naman ang hindi mababadtrip kung gutom na gutom ka na at pagbukas mo ng tupperware dalawang hibla lang ng porkchop ang naiwan?

pasalamat siya, lumipat ako ng laguna nung high school kung hindi siguradong nabanatan ko siya pina-baranggay ko na siya. pasalamat din ako dahil napunta ako sa isang lugar na walang bully pero puno ng sosyalista na mas masahol pa ang ugali kesa sa sampung alagad ni bully boy na pinag-combine.

eto ang tanong. kung makita ko kaya si bully boy ngayon? kaya ko na kaya bigwasan ng isa yun? umubra pa rin kaya yung pagiging "bakal boys" (yes, with an "s" again) niya? hmmmmm... eh kung hampasin ko kaya ng plantsa pag nakatalikod?!? wag, bad. bad!!! pag nakaharap na lang para hindi back stab. nyahaha.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:07 PM



8.11.06

IM

kung mahilig ka sa viva la bam sa mtv at gusto mong gumaya, sundan lang ang step by step procedure sa baba.

1. magbukas ng Y!Messenger.
2. maghanap ng mga taong may status na "iMessenger" katulad ng halimbawa sa baba.



3. mag-send ng 50 messages na "hindi ka namin tatantanan!!!"
4. wait and observe
5. gumawa ng reaction paper

**salamat sa sun at may YM na sa cellphone. sorry na lang sa kin, hindi na umaandar yung sun sim ko dahil nakalimutan ko ito load-an sa loob ng anim na buwan.


Kuya Ace Ng Bayan at 1:05 AM



7.11.06

karir: part 1

hindi ko na-imagine na ganito ang magiging trabaho ko. kahit nung college hindi pa rin ako sigurado kung anong klase ng buhay meron ako pagkatapos makuha ang diploma.

computer science ang napili ko noon dahil ito "daw" ang in demand sa ibang bansa according to everyone. tanga tanga ko kasi kinuha ko ito kahit na wala naman talaga akong balak na mangibang bansa. ok admitted, nakiki-uso lang ako. basta yun. sige lang ng sige, enroll lang agad. nakuha ko pang pilitin yung dalawa kong kaklase sa highschool na kunin rin ang kurso ko para magkakasama pa rin kami. sa loob loob ko insurance din yun, kung sakaling magsisi ako siguradong may kadamay, hehe.

wala akong malalim na dahilan kung bat ako nag-comsci. oo, mahilig ako sa computer--- games, pero sa programming hindi kahit pa naiintindihan ko ito.

ang goal ko lang non ay makakuha ng diploma sa loob ng apat na taon. comsci ang nasimulan kaya yun na rin ang tatapusin ko. bawal ang mag-shift. magastos. simula 1997 ay walang permanenteng trabaho si erpats. ang kapal ko naman kung magshi-shift pa ko. palo ang aabutin ko nun.

college, easy go lucky. dalawang bagay lang ang importante sa kin: (1) pumapasa, at (2) nage-enjoy.

high grades? wala akong paki. aminado naman ako na hindi ako magaling mag-memorize kaya kanila na yung mga awards. ang sa akin, sinisiryoso ko yung mga bagay na sa tingin ko may kwenta. siryoso ako sa lab at sa projects dahil paniniwala ko dito nakikita talaga yung kakayanan ng isang tao sa eskwelahan. yung assignment, quiz, seatwork, at exam kinokopya ko na lang dahil alam kong pagkatapos ng isang taon kakalimutan ko rin naman kung ano mga isinulat ko doon.

ganyan ang inikot ng mundo hanggang makatapos ng kolehiyo.

to be continued...


Kuya Ace Ng Bayan at 2:19 AM



3.11.06

junkie

puno pa rin yung loot bag ng pamangkin ko galing sa trick or treat pero wala akong makitang:

- hawflakes
- white rabbit (na hindi kulay brown ang laman sa loob)
- jojo (orange slices)
- tootsie roll
- mini (mini nga ba? nasa transparent na balot na iba't ibang fruit flavor)
- nano nano (the candy that is out of this world)
- texas
- caramel
- frutos
- softee (hindi yung tissue)
- benson's eclaire
- tutti frutti
- serg's football chocolate
- yung tig 10 centavos na chewing gum na walang tatak
- big boy bubblegum
- bazooka joe bubblegum
- stay fresh (na pambala sa sumpit)

yung iba jan alam ko meron pa pero parang nasa endangered species na rin. eto pa pala ang listahan ng junk food na na-extinct na halos.

- wonder boy
- cheezums
- zoom zoom
- chikadees
- ober da bakod
- squid rings
- cheese dog


DITO ANG LUMANG BLOG