Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

21.12.06

what is the box?

malagim na trahedya, nagkasakit ng magkasabay yung dalawa naming telebisyon. umaandar pa naman pero pangit na ang kulay. pareho silang nagiging magkahalong kulay black and white at green yung magkabilang side ng screen. kung minsan nakaka walang gana manood tuloy, lalo na kung yung bida sa pinapanood mahilig pumunta sa mga gilid.

misteryo nung una yung nangyari sa mga tv namin, bigla na lang kase sila naging ganon. imposibleng nahawa lang yung isang tv dun sa kabila dahil ang alam ko malabo na magkahawaan ang dalawang tv na parang tao.

ang hinala namin ni erpats ay may electric surge na nangyari nung biglang magkaroon ng kuryente last week pagkatapos ng brown out. sakto kasi nun nakasaksak sila pareho at naka stand-by mode.
ewan ko kung maaayos pa sila. nakakalungkot naman kung papalitan kase matagal tagal na rin silang nagserbisyo sa amin. yung isa mahigit sampung taon, yung isa naman mga limang taon na rin siguro.

subukan ko kayang ayusin? matagal tagal na rin akong hindi nakakapag-"mac gyver" eh. gamitin ko kaya yung pinakasikat na pamamaraan ng pag-repair ng mga bagay, ang paghampas ng malakas? dalawa lang naman pwede mangyari eh, either maayos or lalong masira. pero maigi pa ipaubaya na lang namin sa repairman.


bonding moments pala namin ni erpat ang panonood ng tv. tingnan niyo yung litrato masaya kami.



november 19 kinuha ang litratong iyan pagkatapos manood ng laban ng "the finale".


Kuya Ace Ng Bayan at 10:04 PM



17.12.06

the earth laughs beneath my heavy feet, at the blasphemy in my old jangly walk

may isa akong kakilala na nagsabing natatawa daw siya sa kin dahil ang weird ko daw, parati niya daw kasi ako nakikitang naglalakad sa mall ng magisa. parang autistic daw. napaisip tuloy ako ng malalim, mga 2 seconds, tapos natawa na din ako sa sinabi niya. napagisip-isip ko na tanging baliw lang ang natatawa sa taong naglalakad ng walang kasama.

ugali ko nang magikot sa mall dahil ito na lang ang exercise na nagagawa ko ngayon.
sports ang exercise ko dati pero wala na kong oras para sa ganito ngayon. hindi na ko nakakapag-basketball araw araw dahil madilim na kapag dumadating ako sa amin. takot na akong pumunta sa court nun para mag-shooting dahil baka magpakita sa kin yung pugot dun sa may puno ng niyog. at yung badminton naman once o twice a week lang kaya bitin din. ayun, paglalakad na lang talaga ang choice ko at sa sm ko ito ginagawa. sa mall kasi mas maliit ang probability na makatapak ako ng ebak ng aso kumpara sa paglalakad sa subdivision. isa pa, aircon ang mall.

mga isa hanggang isa't kalahating oras akong umiikot sa mall, titingin tingin ng kung anong meron at kung anong bago. pasyal konti. window shopping. kapag may pera, bibili ng cd na natitipuan. shempre hindi kumpleto ang paglalakad ng hindi ko dinudungaw yung bagay dun sa mall na pinapangarap kong iregalo ni santa sa kin this year.

ewan ko kung effective exercise ang paglalakad sa mall pero nalilibang ako kapag ginagawa ko ito. kasabay kasi ng paglalakad gumagana ang utak ko. marami akong naiisip na mga bagay at ideya, katulad na lang ng entry na ito.

kanina pagkatapos mamasyal at maglakad sa sm bumalik ako sa simbahan para bumili ng...

(drum roll)

dalawang order ng puto bumbong.


nakakatakam no?

treat ko yan sa sarili ko, natanggap na kasi namin ang aming 14th month pay. yehey!!!


Kuya Ace Ng Bayan at 4:00 PM



13.12.06

hair do

tawag sa hairstyle ko ngayon "bahala na", kung minsan kase nasa kaliwa yung hati minsan nasa kanan. kamay lang ang gamit kong pangsuklay pero naglalagay pa rin naman ako ng pampapogi ng buhok na usually wax based.

siguro may limang taon na rin akong hindi nagpapagupit sa barber shop. simula nung college sa salon na ko nagpapagupit dahil wala akong alam na magandang gumupit na barbero sa lugar namin. puro gupit ni jolas lang yata ang alam nila, buhok carpenter style.

medyo may kahabaan ang style ng buhok ko ngayon kaya hindi na masyadong ginagamitan ng blade o labaha, hindi tulad dati nung "3 by 4" yung gupit ko. buong batok ko yata ang nilalabaha na halos masugat na. nami-miss ko na tuloy yung nakaka-adik na pakiramdam nung bagong ahit ang batok na nilagyan ng alcohol.

"parang ang kati... ayan alcohol... shet ang hapdi! ang hapdi!!! aaahhhhhhhhhhhh sarrrrapppp..."


Kuya Ace Ng Bayan at 2:51 AM



8.12.06

wish

dear santa,

wish ko sana ngayong pasko ay sana paggising ko may snow sa bintana tapos may snowman sa labas tapos tumutugtog sa radyo yung mga paborito kong kantang pang pasko kagaya ng "white christmas" ni bing crosby at "the christmas song" ni nat king cole tapos hindi na sana ipatugtog yung merong lyrics na "walking in a winter wonderland..." kase utang uta na ko dun sa opisina tapos eto pa pagpunta ko sa sala meron sanang christmas tree na malaki tapos palibot sa christmas tree may miniature train na umiikot tapos maraming mga nakapaligid na regalo tapos yung mga regalo sana walang magkakapareho tapos meron sanang playstation3 at meron din sanang digital camera tapos gusto ko rin sana may bagong desktop pc na nakabalot sa gift wrapper tapos sana nakahain sa lamesa yung mga pagkaing pang pasko kagaya nung candy cane na candy tapos may mga brownies at 1.5 litro na coke tapos lahat sana ng pamilya namin nasa hapagkainan masayang nagkukwentuhan tapos sana kasama rin sa gift mo sa kin yung mahabang bakasyon kase napapagod na ako kung minsan tapos sana sa new year gumana yung ginawa kong paputok na yari sa pvc pipe na binabalahan ng denatured alcohol.

love lots,
kuya eys

ps: wala kaming chimney kaya iiiwan ko na lang dun sa ilalim ng tanim yung susi sa likod ng bahay. dun ka na lang dumaan.




dear kuya eys,

manigas ka! matanda ka na, kaya mo na punuan ang sarili mong medyas.

maligayang pasko,
santa

ps: wag mo nang ilagay sa ilalim ng tanim yung susi, baka pasukin ng magnanakaw ang bahay niyo. alam mo naman pag pasko aktibo ang mga kriminal.


Kuya Ace Ng Bayan at 5:08 AM



1.12.06

audio

nagsimula akong bumili ng cd nitong 2004 lang. hindi ko binalak na gumawa ng koleksyon, napapabili lang ako dahil yung mga gusto kong kanta hindi pinapatugtog sa radyo o kung patugtugin man minsan lang. hindi naman gawa sa bakal ni wolverine yung betlog ko kaya wala rin akong lakas ng loob na mag-request sa radyo na patugtugin yung gusto ko. isa isa akong bumili ng cd hangang sa lumaki na nga ang koleksyon ko sa bahay.

ok, tour tayo sa audio library ko.

simula tayo sa "simple changes" ng the ambassadors, a punk group from cebu. kung gusto mo ng masayang tugtugan pakinggan mo sila. ito pinapakinggan ko pag nagtitiklop ng damit, nagluluto at naghuhugas ng pinggan. sila nga pala yung kumanta ng theme ng show na "it's a guy thing" sa studio 23. may bagong album ang the ambassadors ngayon na wala pa ko. balak kong bumili nito once na pumunta ko sa metro, balita ko kase sa manila lang ang pinakamalapit na lugar na mapagkukunan ko nito.



next stop dicta license. kumpara sa karamihan, iba ang tema ng mga kanta ng bandang ito na kadalasang umiikot sa society, humanity, at political healing. "paghilom" ang title ng album nilang nasa litrato. ang alam ko matagal na silang tumutugtog pero last year lang sila merong release. 2005 eto yung paborito kong album kasama ng "embrace" ng urbandub at "take 2" ng imago. sayang hindi nai-sama sa paghilom yung ibang kanta nila tulad ng "smoke under the table".



eto yung tatlong album ng urbandub. yung nasa harapan yung "birth". yung brown ang 2nd album nilang "influence". at yung may dahon dahon sa background nung bata yung latest, "embrace" ang title. paborito kong banda for the past 3 years. sobrang poetic kase, last time na naranasan ko yung tumayo ang balahibo ko sa ganda ng pagkakasulat at pag-interpret ng kanta ay nung 1996 pa, eto yung sa "melon collie and the infinite sadness" album na isinulat ni billy corgan (smashing pumpkins). gustong gusto ko ang bagsak ng mga instrumento at pagkaka-arrange ng mga kanta nila. gustong gusto ko rin si lalay na basista ng bandang nasabi.

kagaya ng ambassadors at faspitch galing din sila sa lighter records na humahawak sa mga astiging artists sa visayas at mindanao area. urbandub yung na-unang naging regular sa metro manila, sinundan sila ng the ambassadors, dice and k9/mobstarr (featured sa kantang apart ng urbandub kasama rin yung vocals ng powerspoonz), at ngayon naman faspitch.



typecast, galing sa laguna. yung pangalawang album na "the infatuation is always there" yung kulay papel. tapos yung bago "every moss and cobweb" na kulay black. matagal na ring nasa playlist ko tong banda na to. sayang wala ako nung una nila, malabo na siguro na makakuha pa ko nun. gustong gusto ko sa mga kanta nila yung "another minuite until 10", "21 and counting", "clutching", at "guilt kill". sa bagong album ang trip ko "the boston drama", "will you ever learn", "the conflict", "my farewell" at "bright eyes".



chicosci!!! dalawa lang yung meron ko sa kanila, yung "icarus" at "chicosci". yung self-titled nila yung puti na pinakagusto kong album nila so far. sa mga gigs at concerts lang 'to nabibili kaya medyo rare. kaisa-isang siyang album ko na may pirma ng bawat miyembro ng banda.

madaming hindi nagugustuhan ang chicosci ngayon dahil sa super evolution ng kanilang tugtugan. hindi na kase tumutugma sa preference ng ibang tao ang bagong tunog ng chicosci kaya inayawan na nila ito. kasabay ng pag-ayaw nila ay ang walang kamatayang pagtuligsa sa banda at ng mga sumusuporta dito. ang sa akin lang, artist ang chicosci, karapatan nilang maging malikhain sila at mag-eksperimento ng mga bagong tunog. wag sana natin silang i-kahon sa iisang anyo lang.



yan ang "the future of ear repair" ng faspitch. isa pang astig na banda galing sa cebu. lighter records din ang may hawak dito. una ko silang narinig sa compilation na "full volume" (a day before pisces). mahigit isang taon ang hinintay ko bago magkaroon ng album na ito. akala ko nga imposible nang magkakaroon ako nito dahil sa mga gig lang nabibili ang album nila. based sila sa cebu kaya bihira lang sa maynila at malabong mapadpad sa cavite. salamat na lang sa kaibigan kong si judy dahil ibinili niya ko ng cd sa sonicboom na ginanap sa bf paranaque two weeks ago. sa kasalukuyan ito ang nagpapasakit ng ulo ni erpats sa bahay.



meron ako nung dalawang album ng bamboo. self titled at "light peace love". di ko na kelangan magsalita tungkol sa quality ng mga kantang ginagawa nila dahil lahat naman yata kilala ang bamboo. isang beses ko pa lang sila nakita mag-perform. magaling nga sila, sobra. astig na astig lalo na yung signature move ni bamboo na parang naglalakad na robot na de susi.

kadalasang napapatugtog ang mga cd ko nito kapag bumibisita sa bahay ang ate at kuya ko sa bahay, si bamboo lang yung medyo kilala nila.



isunod natin ang imago. nung early 2005 ang kantang "taning" yung national anthem sa bahay. pagka gising sa umaga isasalang ko na sa cd player yung "take 2", ang sarap kase mag-almusal o maligo habang pinapakinggan yung kantang "anino", "bihag", "gratitude", atbp. meron din ako nung latest nila, yung may "taralets". paborito ko dun yung kantang "sundo". hindi ko pa gaanong napapakinggan yung buong album kaya no comment na lang muna.

gustong gusto ko sana magkaroon nung debut album nila dahil ito yung pinakamaganda. according to yahoogroups! nasa viva records ang rights ng album na ito kaya wala nang inire-reproduce. wala na rin nga akong makita sa kahit saan.



updharmadown. gawa sa balutan ng pandesal yung case ng cd nila. pero wag kayo ha, super galing si armi mallare kung kumanta. pang relax ang klase ng tugtugan kaya nga pinapakinggan ko ang "fragmented" na album tuwing matutulog. maduduyan ka talaga at mahihimbing bago pa matapos ang lahat ng tracks. kung umakyat ang singil sa kuryente namin nitong nakalipas na buwan, kasama ang updharmadown sa pwede sisihin. hindi ko na kasi nagagawang patayin yung player sa gabi dahil hume-hele na ko ng mahimbing kahit tumugtog pa ang player. oo nga pala, galing rin ang updharmadown sa terno records na may hawak din ng radioactive sago project.



ang pinakabago? hilera. kakabili ko lang nung isang araw. hindi ko pa kabisado ang mga kanta nila pero familiar na ko dun sa "rhyme without reason" at "define". susubukan ko pa i-absorb yung mga kanta nila nitong mga susunod na araw.

si chris na vocalist ng hilera ang isa sa mga naging guest vocals ng urbandub sa nakaraang sonicboom nung absent si gab alipe dahil sa pagpanaw ng isang kamaganak sa cebu.



shempre hindi mawawala ang nasa tuktok ng family tree ng opm. eto yung "circus" ng eraserheads. 2nd album na nila to. lahat ng kanta maganda, timeless ika nga. kabilang sa album na yan yung mga kantang "magasin", "alapaap", "kailan", "minsan", "with a smile", "wishing wells", "sembreak" at marami pa. naaalala ko nung highschool ako na memoryado pa namin yung "punk zappa". mano mano pa ang pag memorya namin nito kase wala pang internet nun kung san pwede mag-research ng lyrics.

sa background ng picture makikita ang tribute album na pinamagatang "ultraelectromagneticjam". sa opinyon ko ito ang pinaka successful na album last 2005/2006.



ok ang sandwich pero mas gusto ko sila nung si marc abaya (kjwan) pa ang vocalist nito. wala na ko makitang mga luma nila kaya yung 2 in 1 na lang binili ko, "four track mind" at "grip stand throw" na pinagsama.

ok rin naman ang sandwich ngayon pero kung ako papapiliin mas gugustuhin ko yung luma. andun kase yung "butterfly carnival" at "food for the soul", san ka pa diba?



madami pa kong mga cd pero hindi ko na iisa-isahin, hayan sila sa baba.


clockwise from top-right: spongecola(palabas), itchyworms(noontime show), join the club(nobela), rivermaya(between the stars and waves), orange n lemons(strike whilst the iron is hot), hale(self titled)



mahilig din ako sa mga female vocals. saydie yung nasa gitna, ito yung pinakamaingay kong cd sa collection. dati sabi ko hindi ako makikinig ng masyado maingay pero exception pala kapag si kathy taylor ang vocals. nyahaha.


counter-clockwise from top-left: sessionroad(suntok sa buwan), kitchie nadal(self titled) [sinira siya ng masa grrr], mojofly(mojofly now), paramita(tala), updharmadown(fragmented), barbie(barbie singles), imago(take 2, blush), saydie (self titled)



may ilan din akong mga foreign na cd. kadalasan bumibili lang ako pag sale, mabigat kase sa bulsa pag 450php kada piraso.


clockwise from top-left: ginblossoms(the best of ginblossoms), incubus(science), incubus(morning view), 311(the best of 311), my chemical romance(3 cheers for my sweet revenge), dashboard confessionals(swiss army romance)


DITO ANG LUMANG BLOG