Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
27.1.07 instant marunong ako magluto pero yung mga prito lang kaya ibig sabihin kabilang ako dun sa mga taong hindi talaga marunong magluto. kapag ako lang magisa sa bahay, nagugutom, at walang available na pagkain ang ginagawa ko na lang ay kumukuha ako ng kung anong makikita sa naka-stock na mga delata namin. kung mga delata ang pagpipilian, ang pinakamasarap na kombinasyon para sa kin ay spam, sunnyside up na itlog, at kanin. iyan lang masa-satisfy na ang pagkagutom ko at ang pagkatakam ko sa pagkaing masarap ang lasa. ***hindi ko inaaraw araw ang delata kaya hindi naman siguro ganun kasama sa katawan.
21.1.07 reformat sa pagoobserba sa mga kung ano anong produkto na ibinebenta sa telebisyon, natutunan ko na ang wastong pagkuha ng before and after shots. dapat sa before nakasimangot na hindi maipinta ni picasso ang itsura ng mukha, sa after naman dapat naka todo ngiti na parang ikaw na ang pinakaswerteng tao sa mundo dahil malaking pagbabago ang naidulot ng kung anong produkto (tulad ng super million hair) sa buhay mo. shempre mawawalan ng saysay ang mga natututunan ko sa tv kung hindi ko ito ia-apply sa daily life. kaya eto... nagpagupit ako, lagi na lang kase natutusok ang mata ko pag naglalaro ng badminton at basketball. nakakantiyawan naman ako kapag nagsusuot ako ng headband dahil mga magagaling lang yata ang may karapatang magsuot ng mga ganong bagay. para wala na lang away ipinatabas ko na ang buhok ko. hindi ko na papahabain ang buhok ko nang katulad ng kay ghandalf. gusto ko sana mag mala 80's rockstar pero saka na yun, basta ang mahalaga ngayon makapaglaro ako ng sports ng maigi. ang kaisa-isang side effect lang naman ng pagpapagupit ko ay simula huwebes hindi ko na pwedeng idahilan na natutusok ang mata ko ng buhok kung matalo kami sa badminton.
13.1.07 $$$ ibinili ako ni mama ng dalawang alikansya, pareho pang pirated hello kitty ang design, nyahahahaha. gusto ko sana he-man o shaider para medyo pang macho yung itsura. i-segregate ko daw yung mga barya kong naipon simula last year. hindi ko naman talaga pinlano na mag-ipon ng maraming barya, basta dumami na lang. dati, everytime na umuuwi ako inilalagay ko sa isang ashtray yung baryang nabubunot ko sa bulsa. dun ko itinatambak yung mga baryang kailangan ko, either para sa pamasahe o pambili ng ice candy. natatandaan ko na natuwa pa ko nun kase nagkaron ng silbi yung ashtray namin, wala naman kaseng naninigarilyo dito sa min. hindi nagtagal napuno yung ashtray kaya nilipat ko yung mga laman nito sa isang maliit na box. after a while, napuno ko rin agad yung maliit na box kaya nilabas ko yung kahon nung 5510 kong telepono para yun ang gamiting lalagyan. ayun, kinarir ko na nga yung pangongolekta ng barya. kagabi ko lang nagawang bilangin at paghiwa-hiwalayin lahat. nagulat ako at madami rin pala akong naipon. hulaan niyo ilan yan? ang isang tumpok ay 10 pesos. yung nasalikod na mala-ginto ang kulay ay yung mga tig-limang piso at sampung piso.
9.1.07 epal pa kasi ako eh kanina may natanggap at nabasa akong email sa yahoo groups tungkol sa isang hate group para sa isang sikat na pangkat sa pilipinas na hindi ko naman naa-appreciate. eto naman ako na tatanga-tanga at nagtanong kung bakit kailangan pa gumawa ng mga bagay na ganon na sa tingin ko ay sumasalamin sa crab mentality. in less than 15 mins nabasa at nasagot na agad ng nag-post nung email yung tanong ko at nabigyan ako ng isang malaking lecture tungkol sa "demokrasya" at "freedom of speech". at nabanggit sa tugon niya na yung hate mail ay makatuwiran naman daw, maganda o pangit man tingnan, dahil nasa demokratikong bansa tayo. may iba pang mga malalalim na salitang ingles na isinulat yung author na hindi ko na maintindihan, nagpapatunay na matalino nga siyang tao at alam ang tuwid sa mali. nasindak na ko kaya hindi na ko nagreply ulit. nilapagan na ko ng "freedom of speech" at "democracy" eh, ano pang ilalaban ko dun. kumbaga sa pusoy dos binabaan na ko ng par dos diamond at dos heart. speaking of "democracy" and "freedom of speech", napansin ko lang na kung minsan abuso na talaga ang paggamit sa dalawang salitang iyon. sa tv, nakikita ko na ginagamit ito ng mga tao bilang "immunity idol/immunity necklace" para makalusot sa mga pinaggagagawa nila. well ganun talaga, tao lang naman ang gumawa sa konsepto ng demokrasya at hindi maiiwasan na may mga loop holes ito na pwedeng i-exploit ng kung sino man at gamitin para gumawa ng hindi magagandang mga bagay. lesson for the day: 'wag pakialamero kung mapapahiya rin lang.
5.1.07 isang araw sa mundo ng friendster... screenshot yan ng "who's viewed me" portion ng friendster ko. tingnan niyo, tingnan niyo, ni-view ng idol ko ang profile ko. siya yung nasa pinaka kanan na naka-suot ng blondie na wig. feeling ko close na kami, bwahahaha. siguro wala lang siya magawa kaya inisa-isa niyang tingnan yung mga "who's viewed me" niya o kaya naman ni-search niya sa yahoo! yung pangalan niya tapos napadpad sa profile ko. nung ni-view ko yung profile niya dati hindi ko siya in-add as friend, sinilip ko lang yung page niya kase baka may link dun kung saan pwede ko makita ang mga kayamanan niya if you know what i mean. eh sino ba naman siya at baket ko siya idol? sa mga hindi nakakaalam siya si marie jamora (search niyo na lang sa friendster), (dating) miyembro ng dalawang astiging banda na "blast ople" at "boldstar". pero hindi ko siya idol dahil magaling siyang drummer, idol ko siya dahil siya lang naman ang director ng music video ng "akap" ng "imago" (2006 mtv pilipinas best director for this music video/2005 nu107 best music video of the year) at ng "sugod" ng "sandwich" (2006 nu107 best music video of the year). astig no? ilan pa sa mga likha niyang music video ay "truth" (bamboo), "yakap sa dilim"(orange and lemons),"daliri" (kjwan), "ang ating araw" (dicta license), "blue sky" (hale), "first of summer" (urbandub), ang karugtong nito na "endless, a silent whisper" (also by urbandub), "gemini" (spongecola), "akin ka na lang" (itchyworms), "food for the soul" (sandwich), "antipara" (itchyworms), "dvd x" (sandwich), "taralets" (imago), at yung "buwan" (itchyworms) na pinaka paborito ko sa lahat ng gawa niya. hindi lang yan, gumagawa rin siya ng mga short film. dalawa pa lang ang napapanood ko. "divergence" ang title nung isa na naka-upload sa youtube which is unang project niya sa school abroad. sa "shorts" sa abc5 ko naman napanood yung short film na "quezon city" na kinabibidahan ni epi quizon at julia clarete. sa buong season ng "shorts" isa yun sa tatlong nagustuhan ko talaga together with "car pool" at "haunted" na likha naman nung direktor na naka payong na hindi ko na matandaan ang pangalan. 28 pa lang si idol pero parang ang dami na niyang naabot at nagawa. eh ako kaya pag 28 na, ano kaya ang mga nangyari sa kin nun? baka wala pa rin. ang achievement ko pa lang nun siguro ay ang matapos ko ang final fantasy XII. oo nga pala, ano kaya sabi ni idol nung nakita niya profile ko? lumaki kaya ulo nun nung nabasa niyang tinatangkilik ko ang sining niya? nyahahaha. gusto niyo ba ng sample ni idol? eto, demo reel niya o: http://www.youtube.com/watch?v=_OJzk4x3IwM
3.1.07 so you go for miles and miles, destination nowhere, no means or how kung magko-commute mas trip ko sumakay sa jeep kesa sa bus. gusto ko kase yung pakiramdam ng malakas na hangin na sumasampal sa mukha ko na kung minsan hindi na ko makahinga sa sobrang lakas. basta, yung sobrang lakas talaga na kapag sumigaw ako walang makakarinig kase papasok ulit yun boses sa loob ng bibig ko. nararanasan ko lang ang feeling na yun kapag sumasakay ako sa jeep na tumatakbo na kasing bilis ng spaceship ni kokey. joy ride na sana talaga ang pagsakay jeep kung hindi lang pinapairal ng mga driver/dispatcher ang pagka-eksperto nila sa matematika. iyon ang kinaiinisan ko sa kanila. sa terminal kase ako sumasakay kung saan puno dapat ang jeep bago umalis. alam mo naman ang puno para sa mga dispatcher, yung waluhan ginagawang sampuan. malas mo kung ikaw ang huling sasakay dahil sa hangin ka na lang uupo. ang totoo ay naka-squat ka at nagpapanggap lang na kunwari nakalapat ang pwet mo sa upuan. kapareho lang ang bayad mo dun sa mga nakaupo ng kumportable pero ikaw gumastos para parusahan ang sarili. isa pang pinaka nagugustuhan ko sa mga driver ay ang kanilang pag-apply sa daily life ng itinuro sa elementary na "rounding-off to the nearest ones". napansin ko lang na kapag nagbayad ka ng walong piso wala kang sukli. kapag sampung piso, dos ang sukli. 7.50 ang minimum pero pumapatak na otso ang ginagawa nilang standard na minimum fare. oo, maliit lang ang singkwenta sentimos, hindi na nga ito hinihingi kapag kulang ang sukli eh. ang point ko lang ay bakit 7.50 pa ang hiniling nilang minimum kung hindi rin nila ito susundin. eh kung saradong 8.00 na lang sana hindi na ko nagrereklamo. diba, ba't pa sila gagawa ng patakaran kung babaliin rin lang? eto pala ang latest, hindi ko alam na ibinalik na sa siyete ang pamasahe sa jeep. paubos na yung ipon ko ng bente singko sentimos nang malaman ko na sobra ang ibinabayad ko. pano ba naman kase wala man lang ni isang jeep akong nasakyan na may updated price list (taripa ba tawag dun?). magaling, pag fare hike kasing laki ng billboard ng naka-panty na miyembro ng pussycat dolls ang ipinapaskil sa likod ng driver pero pag roll back naman walang kahit isa na umiimik. patas na patas talaga. oo, barya barya lang daw ang kinikita ng jeepney driver. mas maliit nga siguro kung ikukumpara sa ibang trabaho pero sana naman.... sana naman... wag nila idahilan yun para manlamang sila sa kapwa.
1.1.07 looking back at last year pagkain medyo naging conscious na ko nitong nakalipas na taon. naging regular na kumain ng gulay. dati kasi kumakain lang ako ng gulay kung wala na talagang ibang ulam. ngayon basta may nakahain kumukuha ako. medyo mapili pa rin ako, hindi mo pa rin ako mapapakain ng ampalaya pero natutunan ko na mahalin ang sibuyas at kamatis na dating mortal enemy ko. luho "bibilihin ko kung ano gusto ko" yan ang naging motto ko nung 2005 bday ko kaya naman nitong 2006 talagang hindi ko tinipid sarili ko. sinabi ko kasi sa sarili na pagbigyan ko naman ang lahat ng luho ko sa loob ng isang taon, habang kaya ko pa. malay mo kasi pagtagal tagal hindi na dumating sa kin yung pagkakataon na ipatikim ko sa sarili ang mga pinapangarap ko lang dati. ilan sa mga napagpuntahan ng pera ko last year ay ang playstation2, bagong cpu para sa computer, dalawang telepono, tatlong sapatos, isang katutak na damit, mp3 player at dvd player. sama mo na rin pala ang koleksyon ko ng cd na nadadagdagan ng isang piraso bawat linggo. this year ititigil ko na muna ang pagiging maluho at itutuon ko ang mga gastos ko sa mas makabuluhang mga bagay. ispiritwal kung bihira ako magdasal dati ngayon medyo nagimprove na. nagdadasal lang kase ako kapag nagpapasalamat, pero kung may kailangan ako hindi. sa kin kase kung may gusto ako o pag may kelangan ako paghihirapan ko yon, saka na lang ako magpapasalamat pag nakuha ko na. napakarami nga naman palang dapat pasalamatan kaya naman medyo nadagdagan ang oras ko sa Diyos. simula nobyembre pala nagsimula na rin akong magsimba tuwing tanghali ng wednesday. gagawin kong ituloy tuloy ang bagay na iyon. guilty ako na minsan hindi ako nakikinig sa sermon, pero ayos lang naman siguro yun. yung patingin tingin ko sa kawalan kase rare moment of reflecti0n yon. maiitindihan naman na ko ni Lord dun. kalusugan salamat at nabawasan ko na rin ang pagkonsumo ko ng alkohol. madali lang naman pala ikontrol. hindi kinakailangan ng special talent ang pagiwas sa alak. ang hindi ko pa naso-solve hanggang ngayon ay yung pagkalulong ko sa puyat. ewan ko ba kung anong naguudyok sa kin na huwag humiga sa kama hangga't hindi pa lumalampas sa alas dose ng hating gabi ang relo. kabuhayan malaking papasalamat ko sa taong ito dahil sa tatlong taon ko ng pagta-trabaho nitong 2006 lang ako naregular. masaya ako sa ginagawa ko at kuntento ako sa natatanggap kong sweldo. oo nga pala, first time ko lang makatanggap ng 13th at 14th month pay. ganun pala kasarap yon, dadaan lang na parang biglang nawala. pero ayos lang yon, masaya naman ako eh. pamilya 2006, mas pinagbibigyan ko na ang pamilya ko kesa sa mga kaibigan. resolusyon ko yan nun 2005 at natupad ko naman. mas maraming beses ako na lumalabas kasama si erpats at ermats. minsan ako nanglilibre, minsan sila. minsan kape, minsan beer. minsan naman lalakad lakad lang kasama ang window shopping. nitong nakaraang buwan nga pala nanood kami ng "happy feet". sa sinehan, nasa kaliwa ko nakaupo si erpats, sa kanan naman si ermats. ako sa gitna, may hawak ng popcorn. huling nangyari yung ganun 1994 pa, nung nanood kami ng lion king. matagal ko nang sinabi sa sarili ko na alaala na lang ng kabataan ang ganong bagay pero nangyari ulit. wala nga namang imposible ano? kaibigan marami akong nawalang kaibigan nitong nakalipas na taon. yung mga parati kong kausap dati hindi ko na magiging kasing close katulad ng dati. wala namang mga away na nangyari, natural naman kase na magkaron ng iba ibang interes na ang bawat isa senyo. kasabay nito ang paghihiwalay ng landas. may mga iba akong kakilala na sinubukan kong panatilihin ang pagkakaibigan sa pagitan namin pero mas pinili nilang wag gawin ang sinusubukan ko. sa mga taong ganon wala na kong magagawa. sa kabila naman nito may mga bagong kaibigan rin akong nakilala, yung iba hindi ko pa aakalain na magiging kaibigan ko. isa lang ang sigurado ako, sa nakalipas na taon nakilala ko kung sino ang mga tunay kong kaibigan. malungkot nga lang don karamihan sa kanila wala sa pilipinas. palakasan kolelat ako nitong 2006. kung nung 2003 most improved player ako sa basketball, 2004 nasa mythical team, at 2005 nakasama sa champion team. last year wala man lang akong award na nakuha. sore loser ako hahaha. dibale na may bagong sport naman akong pinagkakaabalahan, badminton. maka-bayan nasimulan ko na ang pagtangkilik ko sa lokal na produkto. kung dati sa adidas, nike, converse, guess, girbaud, at mossimo lang umiikot ang pinagpipilian ko ng damit, ngayon mas pinupuntahan ko na ang happy days, branded, at artwork. bukod sa mas tipid, mas natitripan ko na ang uri ng mga damit nila. mas natutuon na rin ang atensyon ko sa lokal na sining. muli kong nasubukan nitong taon na to pumasok sa sinehan para manood ng tagalog na pelikula. kung hindi ako nagkakamali, isinama ko ang isa kong kaibigan para manood ng "nasaan si francis". sa musika, obvious naman. mas preferred ko ang local kesa sa foreign. masama nga ako minsan kase pinapatulan ko yung mga taong may mentality na automatic na mas magaling ang foreign kesa local. lately rin pala, na-facinate sa mga bagay na nagmula sa bansa natin. naa-appreciate ko na ang ethnic music at mga katutubong produkto. balak ko nga this year na gawing project ang pag-transform sa kwarto ko na filipino inspired ang tema. kung titingnan ang lahat hindi ganun kasama ang nakalipas na taon sa kin. naging mabuti pa ito sa kin, sana ganon din ang 2007.
o' six out, o' seven in late naman kase ang naging warning nung mga intsik na counterpart namin sa taiwan. sabi nila wag daw kumain ng manok sa new years eve dahil magiging "isang kahig, isang tuka" ang buhay namin sa 2007. dapat pala henry sy o lucio tan na lang sana ang pagpaplanuhan naming ihain sa bisperas ng bagong taon. hindi nga kami nakakain ng manok kagabi pero hindi iyon dahil sa warning ng intsik. bumili ng 35 na sisiw ang mga kabarkada ko dito nung november 5. sakto sana yun na 45 days pagpatak ng pasko, 52 days pag dec 31. ibebenta sana lahat ng karne tapos yung mga isaw, atay, lamang loob, helmet, leeg, at paa gagawi sana naming pulutan. dalawang manok sana ang ipapakatay ko don pero hindi natuloy. buhay pa sila lahat hanggang ngayon. may lahing hobbit yata yung nabili nilang klase kase puro bansot at masyadong maliit para katayin. hindi na nga ko kumuha kase nakakahinayang at parang kukulangin kung lima kami dito sa bahay ang maghahati-hati sa dalawang manok na kasing laki ng kalapati. naghanda na lang kami ng prutas, maraming maraming prutas. ang lambot tuloy ng ebs ko ngayon. happy new year sa lahat.
new tuwing misa ng bagong taon pagmasdan ang mga bata. nakakatuwang karamihan ay naka bagong t-shirt, bagong sapatos, bagong pantalon, at kung ano ano pang mga bagong gamit na nakuha nila sa nakaraang pasko. speaking of... may ugali akong pambata na hindi ko na natanggal tuwing bibili ng bagong gamit. kapag magsha-shopping ng sapatos o pantalon lagi pa rin ako kumukuha ng mas malaki ng kaunti sa size ko, feeling ko kasi lalaki pa ko.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |