Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

5.1.07

isang araw sa mundo ng friendster...



screenshot yan ng "who's viewed me" portion ng friendster ko. tingnan niyo, tingnan niyo, ni-view ng idol ko ang profile ko. siya yung nasa pinaka kanan na naka-suot ng blondie na wig. feeling ko close na kami, bwahahaha. siguro wala lang siya magawa kaya inisa-isa niyang tingnan yung mga "who's viewed me" niya o kaya naman ni-search niya sa yahoo! yung pangalan niya tapos napadpad sa profile ko.

nung ni-view ko yung profile niya dati hindi ko siya in-add as friend, sinilip ko lang yung page niya kase baka may link dun kung saan pwede ko makita ang mga kayamanan niya if you know what i mean.

eh sino ba naman siya at baket ko siya idol?

sa mga hindi nakakaalam siya si marie jamora (search niyo na lang sa friendster), (dating) miyembro ng dalawang astiging banda na "blast ople" at "boldstar". pero hindi ko siya idol dahil magaling siyang drummer, idol ko siya dahil siya lang naman ang director ng music video ng "akap" ng "imago" (2006 mtv pilipinas best director for this music video/2005 nu107 best music video of the year) at ng "sugod" ng "sandwich" (2006 nu107 best music video of the year).

astig no?

ilan pa sa mga likha niyang music video ay "truth" (bamboo), "yakap sa dilim"(orange and lemons),"daliri" (kjwan), "ang ating araw" (dicta license), "blue sky" (hale), "first of summer" (urbandub), ang karugtong nito na "endless, a silent whisper" (also by urbandub), "gemini" (spongecola), "akin ka na lang" (itchyworms), "food for the soul" (sandwich), "antipara" (itchyworms), "dvd x" (sandwich), "taralets" (imago), at yung "buwan" (itchyworms) na pinaka paborito ko sa lahat ng gawa niya.

hindi lang yan, gumagawa rin siya ng mga short film. dalawa pa lang ang napapanood ko. "divergence" ang title nung isa na naka-upload sa youtube which is unang project niya sa school abroad. sa "shorts" sa abc5 ko naman napanood yung short film na "quezon city" na kinabibidahan ni epi quizon at julia clarete. sa buong season ng "shorts" isa yun sa tatlong nagustuhan ko talaga together with "car pool" at "haunted" na likha naman nung direktor na naka payong na hindi ko na matandaan ang pangalan.

28 pa lang si idol pero parang ang dami na niyang naabot at nagawa. eh ako kaya pag 28 na, ano kaya ang mga nangyari sa kin nun? baka wala pa rin. ang achievement ko pa lang nun siguro ay ang matapos ko ang final fantasy XII.

oo nga pala, ano kaya sabi ni idol nung nakita niya profile ko? lumaki kaya ulo nun nung nabasa niyang tinatangkilik ko ang sining niya? nyahahaha.

gusto niyo ba ng sample ni idol? eto, demo reel niya o:

http://www.youtube.com/watch?v=_OJzk4x3IwM


DITO ANG LUMANG BLOG