Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

29.3.07

ads

nagkalat na ang mga campaign advertisments ng mga politiko sa tv at nakakatuwa. parang nanonood ka ng bubble gang. pinaka natuwa talaga ako sa ad ni tessie aquino-oreta, parang maalaala mo kaya. iboboto ko na nga siya eh... as best actress. dun lang.

nung nakita ko kung gano kalaki ang bayad sa mga ads na mukhang low budget naman,napamura ako!

tangina yan. umaabot ng milyon ang gastos pero ang babaduy nila. kung gagastos ka rin lang pagandahin mo na ng husto diba?

isa pang tangina. may tao palang ganon na sobra ang kabaitan dahil willing silang gumastos ng milyon milyon para pagsilbihan ang iba. o diba?

at higit sa lahat tangina yan talaga. kung kaya pala nila maglabas ng ganon kalaking pera ba't wala pa kong nababalitaang politiko na naglabas ng ganun kalaking halaga para sa isang foundation tulad na lang ng gawad kalinga na sigurado akong malaki ang naitutulong talaga.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:02 AM



wg kyo mgspel n prang ngttxt k? Ü

ano ba yan, nakakasira na nga ng spelling ang text tapos yung mga nagtetext lalo pang minamali ang spelling. yung "wala" ginagawang "wula", yung "meron" ginagawang "mewon", yung "huwag" ginagawang "uak" (pwede pa i-consider ang "wag" eh), yung "morning" ginagawang "mournen".

hmmm, pareho lang naman ng bilang ng characters yung ita-type pero ba't kelangan pang ibahin?

o sige cute na nga kayo.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:46 AM



27.3.07

midnight oil

2:00am sa relo ng computer, gising pa ko. magrereport ako sa mga amerikano mamayang 8:00 ng umaga tapos nagpupuyat ako.

gising pa ko kase kinakailangan ko abangan at gawin ang isang importanteng transaksyon para hindi ako masermonan sa opisina bukas.

may good news at may bad news.

bad news muna, ayaw gumana ng internet sa laptop ko para sa trabaho (dahilan para hindi ako makaiglip kanina kahit sandali). tinawagan ko na ang smart at makalipas ang bente minutong panguuto nila sa kin kung pano paandarin ang internet ay walang nangyari. naputol ang tawag tapos hindi na ulit ako maka-connect sa linya nila. nananadya ba sila? watdapak!

good news naman, tinawagan ko ang kaopisina ko para tingnan kung pwde niya gawin ang dapat kong gawin at agad naman siyang nagising para tumulong. buti na lang umandar agad ang internet sa kanila kaya nagawa niyang tapusin ang trabahong pang opisina na hindi naman bayad. yehey!

eto na lang problema ko ngayon, pano ako mananatiling gising sa opisina bukas? antukin na nga ako tapos pupuyatin mo pa ko. baka tutuka-tuka nanaman ako sa monitor ko mamaya? ilang sachet ng extra joss nanaman kaya ang titirahin ko nito? bahala na. the show must go on. ang mahalaga nagawa yung dapat gawin at wag sana ako masermonan mamaya.

ngayon may apat na oras ako para magpahinga, gud luck sa kin mamaya.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:10 AM



25.3.07

libangan

parang malapit na ma-extinct ang PS2 kaya tuloy nagpa-panic buying ako, baka kase dumating yung panahon na yung mga magagandang laro mahirap na mahagilap.

sa kasalukuyan ito yung mga pinapasalit-salit kong lina-laro sa bahay tuwing weekends.

- god of war
- god of war ii
- final fantasy x (ngayon ko lang nilalaro kase late ako bumili ng ps2)
- burn out 3: takedown

marami pa kong nabiling laro na hindi ko pa nagagalaw, kung isa isa ko silang tatapusin tinatayang 10 years muna bago ko kailangan bumili ng ps3, yan ay kung hindi ko na dadagdagan ang mga laro na meron ako.


Kuya Ace Ng Bayan at 5:44 AM



access

isa isa nang bina-block ang iba't ibang mga website sa opisina. una sa listahan ang friendster siyempre, pati myspace at multiply dinamay na rin nila. may kutob ako na hindi magtatagal ang blogdrive at blogspot iba-block na rin nila. ayun tuloy, marami na sa amin ang hindi naka-"last login: 24 hours" parati.

nung una ok lang kase meron namang kproxy.com at projectbypass.com kung san pwede mo pa rin ma-access yung mga site na nabanggit sa taas. after ilang araw pati yung mga proxy na yan blocked na rin, na-detect na yata nila. eh pano yun kung nade-detect nga nila ang lahat ng sites na pinupuntahan ng bawat isa sa min, edi sooner or later malalaman na rin nila yung isa kong pinapasukang proxy na wala akong sinasabihan kahit isa sa opisina.

hmmm... ok lang, may internet naman dito sa bahay eh.


Kuya Ace Ng Bayan at 5:30 AM



18.3.07

sonicboom 8

na-disappoint ako sa sonic boom kagabi. ang konti lang ng songs at ang lousy ng crowd. kumpara sa sonicboom 7 na ginanap sa alabang mas mababa ng 50 times ang energy level ng lahat. sabi nga ni gabba "nakakapanibago ang daming nakaupo ngayon". paglabas ng club-o nandon si alex "phatboy" lim na nag-aapologize sa mga tao kase bitin daw.

ano kaya nangyari ba't ang pangit ng sonicboom 8?

sonicboom 9 hindi ko pupuntahan kase wednesday yun. sonicboom 10, hmmmm pwede! pwede! makati lang yata to.


Kuya Ace Ng Bayan at 12:50 AM



16.3.07

lahat ng tao tumatae

babala: usapang tae!

oo, kahit ang mga taong tulad ni angel locsin, lindsay lohan at kung sino pang super model of the whole wide miss universe tumatae at kung minsan mabantot pa.



buti sa office namin hindi mortal sin ang um-ebs. sa iba kase sasalubungin ka ng masigabong palakpakan at mga confetti sa labas ng pintuan ng cr kapag nalaman nilang um-ebs ka. maghapon ding sasalubong sa iyo ang nakangiting mga mukha na nakakaloko. mata-trauma ka na at kapag lalaki ka magsisisi ka at iisipin mo na lang na sana nakaupo rin umihi ang lalaki para hindi obvious kung tumatae. oo, swerte ng babae dahil madali nilang i-disguise ang pag-ebs. upo lang sila dun, kunwari nagwiwiwi sabay flush agad para wala nang makaamoy.

sa opisina hindi mo na kailangan magtago kapag eebs ka dahil ang pag-ebs doon ay parang walang pinagkaiba sa pagyo-yosi, basta gagawin mo kung gusto mo at kung ayaw mo wag ka na lang makialam. hindi ka na mahihiya pa na pumasok sa cubicle at hindi ka na rin maghihirap magpigil maghapon dahil mataas ang pride mo na hindi ka tumatae sa opisina. mahihiya ka na lang siguro sa doon kapag ang ebs mo abot hanggang 3rd floor ang amoy tapos ayaw pang ma flush.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:23 PM



12.3.07

mtv

ang tagal kong na wala. gumagawa ako ng music video ngayon pero hindi ito ang dahilan kung bat hindi ako msyado nakakapag blog. bale, single handed production ang ginagawa ko. ako lahat. director, artista, editor, at writer. pang beginners lang naman yung ginagawa ko kaya ok pa naman.

1st time ko lang gumawa ng mtv kaya dinaan ko sa kapa ang lahat. wala akong video cam kaya ang ginamit ko lang ay yung ever reliable na camera ng motorola v3x, windows paint at windows movie maker.

heto ang unang 40 seconds ng kalokohang kinalolokohan ko ngayon, clutching yan ng typecast.




next time ko ipo-post yung buo pag natapos ko na.


DITO ANG LUMANG BLOG