nagkalat na ang mga campaign advertisments ng mga politiko sa tv at nakakatuwa. parang nanonood ka ng bubble gang. pinaka natuwa talaga ako sa ad ni tessie aquino-oreta, parang maalaala mo kaya. iboboto ko na nga siya eh... as best actress. dun lang.
nung nakita ko kung gano kalaki ang bayad sa mga ads na mukhang low budget naman,napamura ako!
tangina yan. umaabot ng milyon ang gastos pero ang babaduy nila. kung gagastos ka rin lang pagandahin mo na ng husto diba?
isa pang tangina. may tao palang ganon na sobra ang kabaitan dahil willing silang gumastos ng milyon milyon para pagsilbihan ang iba. o diba?
at higit sa lahat tangina yan talaga. kung kaya pala nila maglabas ng ganon kalaking pera ba't wala pa kong nababalitaang politiko na naglabas ng ganun kalaking halaga para sa isang foundation tulad na lang ng gawad kalinga na sigurado akong malaki ang naitutulong talaga.