Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
30.4.07 tautauhan last time ko bumili ng action figure na laruan para sa sarili ko ay nung birthday ko pa nung grade 6. hindi ko rin napakinabangan masyado yung binili ko dahil niwala agad nung kalaro ko yung baril nung bago kong g.i. joe hindi pa lumilipas ang dalawang linggo. try lang naman tong gagawin ko ngayon... susubukan ko mag-invest sa laruan. trip trip lang. napansin ko kase sa mga hobby shop festival mall na yung mga pinuputulan lang namin ng mga paa dati ay ginto na ngayon. umaakyat ang presyo ng mga laruan basta nasa kondisyon ito. at lalo pang mas tataas ang presyo nito kapag hindi nailalabas ng box kahit minsan. kanina nakakita ako ng super sale na laruan sa toy section sa sm kaya pinatulan ko na agad. isipin mo na yung dating 1599php binebenta na lang nila ngayon ng 399php, mura diba? at swerte ko pa dahil may natirang isang piraso para sa kin. kung nagpabukas pa ko siguradong wala na kong maabutan dahil siguradong magpa-panic buying na ang mga tao kase mau-uso na ulit si spiderman (yessss, opening na ng spiderman 3 bukas. yehey!!!). bale kanina pag-uwi tinitigan ko lang ng konti yung nabili ko tapos binalot ko na ulit sa plastic ng sm at itinago sa isang ibabaw na lugar na madalang galawin. after 10 years siguro tska ko na lang ito ilalabas ulit. titingnan ko kung aakyat nga ang presyo.
29.4.07 salu-salo napagpasyahan ng buong barkada sa aming village na mag picnic kaninang tanghali. simple lang naman ang handa. kanin at sinigang. pinaghalo-halo lang lahat tapos inilagay sa ibabaw ng isang malinis na dahon ng saging at ayun, kanya kanyang kamay na. dagdagan mo pa ng malamig na malamig na coke at solve ka na talaga. lalo pa yatang nakapagpasarap ng kainan ay yung matinding sikat ng araw, lilim ng puno at preskong daloy ng hangin.
27.4.07 sample shots yehey! sa wakas nakabili na rin ako ng pinakauna kong digital cam. bale ang model niya ay olympus sp-510uz. heto ang ilan sa mga sample shots. aso pusa (night mode) gitara
26.4.07 rare moment of reflection: #01 may mga bagay na gustong gusto ang bawat tao na alam nilang malabo pa sa isang basong tubig na hinaluan ng isang sako ng kape magkatotoo dahil tanggap nilang pangarap lang ito at hanggang doon lang talaga iyon. pero, kung minsan iba talaga yung sinasabi nilang "tukso ng tadhana". kung ano ang imposible bigla itong nagkakatotoo. tapos iisipin mo na lang na lab na lab ka ni papa Jesus.
13.4.07 these could be the best days of our lives (but i don't think we've been living very wise) the streak has to end... 12 straight nights of alcohol is enough... maaga pa lang dapat matuto na ko mag-control, hindi yung kung kelan may mga kumplikasyon na tsaka pa lang magaayos or worse, magsisisi.
10.4.07 hung over last time akong nalaseng ng katulad ng last week ay nung february pa. hindi dapat mangyayari kase nagko-control naman na ako. ang hindi ko lang alam sa isine-serve nila last week ay pwersadong halo pala yun. di ko lang napapansin kase ang panlasa ko iced tea yun na may halong alkohol. nung naubos isang 10 gallon water jug na nilalagyan nung alak, tsaka ko lang nalaman ang tunay na sangkap nung mix nila. nagulat ako sa mga ingredients. - 1 matangkad na gsm blue - 1 long neck na emperador brandy isang tagay sa tagumpay - 6 grande red horse extra strong ito ang tama - 1 malaking del monte pineapple juice with phytochemicals - 2 sachet powdered grape juice, litro pack - maraming yelo putcha, halos wala palang tubig yon. ang tanging hindi alkohol dun ay yung pineapple juice at yung yelo. nakaka 10 shots na siguro ako nun at too late na para mag control dahil sobra na ang nainom ko. ayun! hindi ko naramdaman na umuwi ako, nag chat, at nag text ng nag text bago matulog. ang natatandaan ko na lang nakahiga na ko sa kutson tapos wala akong mapiling posisyon ng pagtulog dahil ang pakiramdam ko umiikot lahat. kinabukasan gumising ako ng maaga... lbm at suka.
9.4.07 highlander tagaytay urban legend: cavite: ang laki ng kinikita ng tagaytay lalo na ngayong bakasyon dahil sa mga turista. batangas: lanya dapat may parte kami sa kita ng tagaytay dahil pumupunta ang mga tao dun para tanawin ang batangas. cavite: ulul, edi tayuan at takpan niyo ng pader!
5.4.07 holy week dapat nagbabawas ako ng kinakain pero kabaliktaran ang nangyayari. holy week ngayon kaya walang karneng luto dito sa bahay, ang meron lang pritong tilapya. eh pucha paborito ko yun, lalo na kapag isinasawsaw sa toyomansi. ayan nakakadalawang lunch na tuloy ako.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |