Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
30.5.07 ilocoscapade: paoay church (part 1) sa mga hindi nakakaalam nagpunta po ako sa ilocos last weekend para naman makapag bakasyon. nung sunday nagsimba kami sa paoay church, bale dito rin nagsisimba yung great grand lola ko nung sa ilocos pa siya namamalagi. 100+ years old na yung church kaya naman antique na antique na ang itsura. sa lahat ng simbahan na pinuntahan namin ito ang nagustuhan ko talaga. buti na lang medyo nagtagal kami sa lugar na to kaya nalibot ko ng husto ang perimiter ng simbahan para usisain ito. worms eye view ng facade sa bandang harapan may isang part na old wall, lampas tuhod lang ito. hindi ko alam kung mataas dati pero for sure kasabay ito itinayo nung original na simbahan. maganda ang features ng tower... european. nagsilbi daw itong observation tower nung panahon ng kastila. watch tower din ito ng mga gerilya nung panahon ng hapon sa side kitang kita kung gano kakapal ang mga pader at poste ng simbahan. sobra ang lapad, malapad pa sa kalahati ng kwarto ko dito sa bahay.
23.5.07 sulit last week ko pa balak bumili ng XD card para sa camera ko pero wala pa kong budget nun kaya nag-canvass na lang muna ako. sa sm dasma iisang store lang dun ang nagbebenta nito at 2gigs lang ang available nila. nung tinanong ko kung magkano ang presyong binigay nung salesman ay 2800php. sabi ko babalikan ko na lang sa susunod na linggo. kahapon binalikan ko yung store para i-check kung may stock pa sila. swerte ko at may ilang piraso pa raw na available. nung tinanong ko ulit kung magkano ang 2gigs, ang presyong binigay naman sa kin ay 3000php naman daw. ang labo!!! kanina ako bumalik ng may dalang pera para bilhin yung card, 3000php ang dinala kong pera para sigurado. pag dating sa store tinanong ko ulit kung magkano yung 2gigs, nagulat ako kase 3500php daw ang presyo nito. putcha, isang araw lang pero 500 pesos na ang itinaas ng presyo. nanigurado ako at nung tinanong ko kung bakit kahapon 3000 lang yun ang sagot nila 3500 daw talaga. so no choice na ko kaya sabi ko na lang magwi-withdraw ako ng kulang ko tapos babalik ako. pagkabalik sa computer store sinabi ko agad dun sa salesman "kukunin ko na tong 2gigs". tanong niya sa kin "magkano ba sabi sa yo nung kasama ko kanina?", sagot ko "ewan". nagtanong siya sa cashier at nagpaprint ng resibo. nung siningil ako laking gulat ko na ang tunay na presyo pala nung 2gig XD card ay 2400php lang. mas mura ng 1100 kumpara sa sinisingil sa kin wala pang 30 minutes ang nakalilipas. masaya ako dahil hindi ako nalugi, muntik pa kong maperahan dun. isa pang ikinasasaya ko ay nagkaron ako ng budget para bumili ng sale na shorts at tatlong pares ng medyas na matagal ko nang kinakailangan.
nature boy semi-nature trip muna tayo ngayon... isang magandang bagay na bumabati sa kin tuwing umaga ay ang miniature garden pag labas ng aming front door. lola ko ang nagaalaga ng parting ito ng tahanan namin. kita niyo naman kung gano kalupit ang lola ko, almost 90 na pero kayang kaya pa rin mag garden. maraming mga bulaklak ang nakikita ko sa garden pero hindi ko alam ang mga pangalan nito dahil absent ako nung botany ang tinuturo sa biology nung 2nd year highschool kami. eto alam ko ang pangalan pero hindi ko naman kaya i-spell... kapag gusto ko magrelax at magpahangin pero medyo nasasawa na ko sa garden may iba akong lugar na pinupuntahan. ito ay yung mini park na dalawang kanto lang ang layo sa bahay namin. wag ka nga lang pupunta dito kapag gabi dahil limang korean citizen na ang nagrereport na may nakikita silang pugot na multo diyan. at paalala lang na ang mga magagandang mga bagay dapat inaalagaan... kahit public property pa ito.
18.5.07 horizon nung bata pa kami at bumabyahe papuntang maynila sanay kami na natural air lang ang pumapasok sa sasakyan dahil ang 1980 model na kotse namin ay walang aircon. last sunday nung pumunta kami sa tagaytay para i-celebrate ang mothers day muli kaming bumyahe na bukas ang bintana ng kotse... no choice, sira kase ang aircon. at habang bumabyahe picture-picture muna!
12.5.07 mojofly now! pumunta ako sa gig ng mojofly kanina. bale last march pa dapat sila magpe-perform dun sa isang bar dito sa dasma pero na-cancel. may scheduled brown out pala nun ang robinson's dasma at nalaman lang ng owner ng bar nung tumutugtog na ang front act para sa mojofly gig. anyways, ginawa ko na rin itong pagkakataon para mag-experiment ng iba't ibang kuha gamit yung camera ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pano gamitin ang mga manual settings, bale umasa na lang ako sa mga pre-set scenarios nito. natuwa naman ako dahil nakatsamba ako ng ilang mga shots kay lougee na nagustuhan ko. shempre di kumpleto ang gig kung hindi ako papalitrato kay lougee. pang friendster din yun!!!
8.5.07 maligayang pagbati... ...sa lahat ng mga nanay! happy mothers day in advance. grabe tumatanda na talaga ako, dati mga tita lang ang binabati ko ng "HAPPY MOTHERS DAY", ngayon pati ilan sa mga kaklase at kaibigan ko babatiin ko na rin. nakakailang nga eh. ***hindi ko alam kung mag-ina nga yung nasa litrato, pero mukha naman eh. nakuhanan ko lang yan nung linggo sa clubhouse habang may nagaganap na kainan doon.
3.5.07 agawan buko basketbol ang naging pinaka libangan ko nung highschool. eto kasi ang pinaka tipid na palipas oras. maaaring maging gastos mo lang ay limang piso para pang pusta ng ice tubig o kaya 26.00php pang pusta ng coke 1.5 liters (pang 1996-1999 ang presyo ng mga nabanggit), hati hati pa kayo ng mga kampi mo niyan ng bayad kung matalo kayo. hindi nga pala uso ang rubber shoes sa court na pinaglalaruan namin noon kaya play at your own risk talaga. either magalalaro ka ng naka tsinelas o kaya naman magpapaa ka. normal na nga ang umuwi ng puro paltos ang paa.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |