
sa mga hindi nakakaalam nagpunta po ako sa ilocos last weekend para naman makapag bakasyon. nung sunday nagsimba kami sa paoay church, bale dito rin nagsisimba yung great grand lola ko nung sa ilocos pa siya namamalagi. 100+ years old na yung church kaya naman antique na antique na ang itsura.
sa lahat ng simbahan na pinuntahan namin ito ang nagustuhan ko talaga. buti na lang medyo nagtagal kami sa lugar na to kaya nalibot ko ng husto ang perimiter ng simbahan para usisain ito.

worms eye view ng facade
sa bandang harapan may isang part na old wall, lampas tuhod lang ito. hindi ko alam kung mataas dati pero for sure kasabay ito itinayo nung original na simbahan.
maganda ang features ng tower... european. nagsilbi daw itong observation tower nung panahon ng kastila. watch tower din ito ng mga gerilya nung panahon ng hapon
sa side kitang kita kung gano kakapal ang mga pader at poste ng simbahan. sobra ang lapad, malapad pa sa kalahati ng kwarto ko dito sa bahay.