Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

25.6.07

v-log

may project akong ginagawa ngayon. wala namang katuturan to, para libangin lang talaga yung sarili ko.

kadalasan kase kapag lumalabas ako sa weekend dinadala ko yung camera. out of nowhere bigla ko naisip na "eh kung idokumento ko kaya ang buhay ng mga kaibigan ko", and the rest is history.



1st editing job ko ito at wala akong tunay na video cam kaya poor video quality talaga.

anyway patikim lang muna to... enjoy at abangan ang katuloy!!!


Kuya Ace Ng Bayan at 8:42 AM



19.6.07

old man




babati muna ako...

(belated) happy fathers day unang una sa tatay ko, sa kuya ko, sa mga kakilala kong may anak na, at dun sa lima kong kaibigan na nakabuntis ng hindi sinasadya.

at para i-celebrate ang okasyon pumunta kami nitong linggo sa isang korean resto along aguinaldo highway. ito yung matatagpuan sa junction kung saan nagsasalubong ang kalsada papunta sa bayan ng silang at ng daan papuntang tagaytay. 2nd time namin dito kumain, umulit kami kaya ibig sabihin masarap.

nagsimula ang kainan sa mga appetizers na bagamat maliit ang serving maraming klase naman.



kung sa mga tao mahina ako sa mga pangalan, ganun din pati sa pagkain. hindi ko alam ang title nung kinain namin, itsura lang ang natatandaan ko. luto niya ay stir fry ng iba't ibang klase ng karne (pork, beef, chicken, squid, etc.) at may malinamnam na sarsa at sotanghon.

dadalhin ito sa hapag ng hindi pa luto, sa dinning table na sisindihan ang kalan at iluluto ang pagkain. nakakabadtrip ito kapag gutom na gutom ka dahil tatakamin ka muna ng amoy habang niluluto ng ilang minuto bago ka makakain.



hindi basta basta iniuulam sa kanin ang pagkaing ito although mas masarap yata pag ganon. ang tamang paraan ng pagkain nito ay medyo may kaartehan. ibabalot mo sa lettuce ang karne, sasamahan ng konting kanin at saka pa lamang kakainin.



at ganyan kami nag-celebrate ng araw ng mga tatay.

sa tatay ko, salamat sa pagiging tatay dahil hindi lahat ng lalakeng nagkaka-anak nagagawa iyon.




*** off topic pero isa pang okasyon ang pinagdiriwang ko ngayon, ang ika tatlong taon ng blog ko.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:52 AM



15.6.07

home sweet... gone

almost 8 years ago yata nung huli akong umuwi ng baguio city.

nga pala sa mga hindi nakakaalam dun po ako ipinanganak at lumaki. bale 12 years akong tumira sa malamig, mabundok, at mapayapang lugar kung saan necessity ang jacket at normal lang ang lumalabas para magbilad sa araw.

dumating na kagabi ang mga gamit na mula sa dating bahay namin dun... dating bahay kase nabenta na siya this month lang. so ibig sabihin nun hindi na talaga ako magagawan ng sarili kong kwarto dun sa bahay na yun.

nung una, kung babanggitin ni erpats na ibebenta ang bahay sa baguio medyo naiiyak pa ko, ayaw ko umalis dun. feeling ko kase dun pa rin talaga ako nakatira at dun din ako tatanda. sa isip ko, ang status ko ay pansamantala lang aalis ng baguio para mag-aral, tapos babalik din dun after grad.

shempre hindi ganun ang nangyari kase apat na taon na kong grad pero di pa rin ako nakakatungtong muli sa home town ko.

nung umuwi ako ng baguio noong disyembre ng 1999 medyo nawala na ang feeling na "home" ko ito. wala na kase akong kilala. kung meron man hindi ko na kasing close tulad dati, hanggang batian at kamustahan na lang tapos "sige tol may lakad pa ko". malaki na rin ang iniba ng mga lugar dun, ang mga "land mark" (land mark na ako lang nagiisip na land mark yun) giniba, iniba o kaya pinalitan na. at yung mga mukhang makakasalubong mo sa session road at harrison road hindi na pamilyar.

hindi ko na binalak umuwi ulit ng baguio pagkatapos ng christmas break na iyon. nakakalungkot lang kase na wala na yung mga bagay na inaasahan mong nandun pa. yung mga bagong makikita mo dun nagsasabi lang na hindi na para sa iyo ang lugar na ito.

balik tayo dun sa mga gamit na ibinaba... hmmmm, wala naman akong gamit dun eh. kung may damit man akong naiwan dati walang kwenta na rin kase maliliit na yun, tsaka malamang kinain na rin ng mga ipis yun. eh yung mga laruan ko kaya? yung mga he-man, thundercats, ninja turtles, at ghostbusters action figures? wala na rin yata yun! kinuha na ng mga looters nung iniwan naming walang tao yung bahay dati. damn you looters!!! minana ko pa yung iba dun, mga gago kayo!!!

haaaaay, babay baguio!!! next life time na lang ulet... paalam!!!

pero who knows, baka isang araw makita ko na lang sarili ko na nagiimpake para tumira muli dun.

well, sa ngayon malayong malayo yun sa isip ko.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:54 PM



14.6.07

ilocoscapade: beaches (part 3)



1st stop... saud beach.

maganda dun kaya nga lang malalakas ang alon at hihilahin ka ng current papuntang taiwan. mga limang hakbang pa lang mula sa shoreline hanggang dibdib na agad ang lalim ng tubig kaya medyo delikado. kung hindi kayo marunong lumangoy kagaya ko extra ingat ang kinakailangan.

actually marunong naman ako lumangoy... pero after 5 mins hindi na.

cost
entrance fee: 60.00php
cottage: 500.00php (compulsary na mag-rent ng cottage kapag magsu-swimmming at hindi ko maintindihan kung bakit)





next stop maira-ira beach aka the blue lagoon.

after 1 hour ng pamamalagi sa saud beach isang local resident ng resort ang nag-rekumenda ng isang napakaganda daw na beach. uto-uto kami kaya sumunod naman kami sa payo nung misteryosong tao.

at buti na lang uto-uto kami...

mahirap mahanap ang blue lagoon, dadaan pa kase sa mapuno at mabundok na lugar bago makarating sa nasabing beach. mga 30 mins yata muna kami naligaw bago nalaman ang tamang daan papunta dito.

at pagkarating sa lagoon ang nasabi namin lahat "wow ang gandaaaaaaa!!!!!", yun lang.

mas maganda ito kumpara sa unang napuntahan, mas pino ang buhangin at halos walang alon. maligamgam ang tubig kaya masarap magbabad. nagsisisi nga kami dahil kapos na sa oras para makapag enjoy sa lugar na iyon, sana nalaman na namin ng maaga talaga.


cost
FREE!!! LIBRE!!! ang tanging babayaran lang ay 5.00php kung gusto makigamit nung cubicle na gawa sa kahoy para makapag banlaw.




Kuya Ace Ng Bayan at 7:29 AM



8.6.07

outbreak

19 to 20 years ago, nung batang bata pa ko, nagkaroon ng bulutong yung isa sa min sa bahay. di ko matandaan kung sino. basta isa sa mga kapatid ko, o yung pinsan ko, o ako yun.

ang pagkakaalam ni mama once lang daw nagkakaroon ng bulutong ang isang tao sa buong buhay niya. at dahil diyan isang napakagandang idea ang pumasok sa kanyang kukote.

instead na i-quarantine yung infected sa min, pinagsama-sama niya pa kami sa isang kwarto para magkahawaan. mabuti na raw na ganun para sabay sabay na naming malampasan at mapagdaanan ang bahaging iyon ng buhay namin na once in a lifetime lang kung mangyari.

tama nga naman, dahil dun hindi na namin inaalala pa kahit kelan na baka isang araw magkabulutong kami bigla.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:39 PM



4.6.07

ilocoscapade: vigan (part 2)


2nd day ng bakasyon namin, sa sur kami tumungo. vigan to be exact.


kung papapiliin ako ng pinaka astig na street sa pilipinas wala na sigurong tatalo pa sa "calle crisologo".


para ka kasing nag time travel pag dumaan ka sa kalsadang ito. lahat ng building luma, ang sahig ay gawa sa bato at tanging mga kalesa lang ang pwedeng dumaan dito.


speaking of kalesa, dun nga lang yata ako nakakita ng ganun karaming kalesa sa buong buhay ko.


tamang tama naman na sa lugar na ito pumwesto ang mga souvenir shops, hindi na ko nahirapan maghanap pa ng mga pasalubong. ang kuha na ito ay galing sa loob ng isang souvenir shop na matatagpuan sa nasabing kalsada.


at para hindi ma-out of place ang mcdo, ini-pattern ang korte nito sa mga lumang establishments sa paligid. ganon din ang ginawa sa max's, jollibee, chowking at greenwich.


DITO ANG LUMANG BLOG