Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

15.6.07

home sweet... gone

almost 8 years ago yata nung huli akong umuwi ng baguio city.

nga pala sa mga hindi nakakaalam dun po ako ipinanganak at lumaki. bale 12 years akong tumira sa malamig, mabundok, at mapayapang lugar kung saan necessity ang jacket at normal lang ang lumalabas para magbilad sa araw.

dumating na kagabi ang mga gamit na mula sa dating bahay namin dun... dating bahay kase nabenta na siya this month lang. so ibig sabihin nun hindi na talaga ako magagawan ng sarili kong kwarto dun sa bahay na yun.

nung una, kung babanggitin ni erpats na ibebenta ang bahay sa baguio medyo naiiyak pa ko, ayaw ko umalis dun. feeling ko kase dun pa rin talaga ako nakatira at dun din ako tatanda. sa isip ko, ang status ko ay pansamantala lang aalis ng baguio para mag-aral, tapos babalik din dun after grad.

shempre hindi ganun ang nangyari kase apat na taon na kong grad pero di pa rin ako nakakatungtong muli sa home town ko.

nung umuwi ako ng baguio noong disyembre ng 1999 medyo nawala na ang feeling na "home" ko ito. wala na kase akong kilala. kung meron man hindi ko na kasing close tulad dati, hanggang batian at kamustahan na lang tapos "sige tol may lakad pa ko". malaki na rin ang iniba ng mga lugar dun, ang mga "land mark" (land mark na ako lang nagiisip na land mark yun) giniba, iniba o kaya pinalitan na. at yung mga mukhang makakasalubong mo sa session road at harrison road hindi na pamilyar.

hindi ko na binalak umuwi ulit ng baguio pagkatapos ng christmas break na iyon. nakakalungkot lang kase na wala na yung mga bagay na inaasahan mong nandun pa. yung mga bagong makikita mo dun nagsasabi lang na hindi na para sa iyo ang lugar na ito.

balik tayo dun sa mga gamit na ibinaba... hmmmm, wala naman akong gamit dun eh. kung may damit man akong naiwan dati walang kwenta na rin kase maliliit na yun, tsaka malamang kinain na rin ng mga ipis yun. eh yung mga laruan ko kaya? yung mga he-man, thundercats, ninja turtles, at ghostbusters action figures? wala na rin yata yun! kinuha na ng mga looters nung iniwan naming walang tao yung bahay dati. damn you looters!!! minana ko pa yung iba dun, mga gago kayo!!!

haaaaay, babay baguio!!! next life time na lang ulet... paalam!!!

pero who knows, baka isang araw makita ko na lang sarili ko na nagiimpake para tumira muli dun.

well, sa ngayon malayong malayo yun sa isip ko.


DITO ANG LUMANG BLOG