
2nd day ng bakasyon namin, sa sur kami tumungo. vigan to be exact.

kung papapiliin ako ng pinaka astig na street sa pilipinas wala na sigurong tatalo pa sa "calle crisologo".

para ka kasing nag time travel pag dumaan ka sa kalsadang ito. lahat ng building luma, ang sahig ay gawa sa bato at tanging mga kalesa lang ang pwedeng dumaan dito.

speaking of kalesa, dun nga lang yata ako nakakita ng ganun karaming kalesa sa buong buhay ko.

tamang tama naman na sa lugar na ito pumwesto ang mga souvenir shops, hindi na ko nahirapan maghanap pa ng mga pasalubong. ang kuha na ito ay galing sa loob ng isang souvenir shop na matatagpuan sa nasabing kalsada.

at para hindi ma-out of place ang mcdo, ini-pattern ang korte nito sa mga lumang establishments sa paligid. ganon din ang ginawa sa max's, jollibee, chowking at greenwich.