![]() |
||||
Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver ![]() Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra ![]()
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
19.6.07 old man babati muna ako... (belated) happy fathers day unang una sa tatay ko, sa kuya ko, sa mga kakilala kong may anak na, at dun sa lima kong kaibigan na nakabuntis ng hindi sinasadya. at para i-celebrate ang okasyon pumunta kami nitong linggo sa isang korean resto along aguinaldo highway. ito yung matatagpuan sa junction kung saan nagsasalubong ang kalsada papunta sa bayan ng silang at ng daan papuntang tagaytay. 2nd time namin dito kumain, umulit kami kaya ibig sabihin masarap. nagsimula ang kainan sa mga appetizers na bagamat maliit ang serving maraming klase naman. kung sa mga tao mahina ako sa mga pangalan, ganun din pati sa pagkain. hindi ko alam ang title nung kinain namin, itsura lang ang natatandaan ko. luto niya ay stir fry ng iba't ibang klase ng karne (pork, beef, chicken, squid, etc.) at may malinamnam na sarsa at sotanghon. dadalhin ito sa hapag ng hindi pa luto, sa dinning table na sisindihan ang kalan at iluluto ang pagkain. nakakabadtrip ito kapag gutom na gutom ka dahil tatakamin ka muna ng amoy habang niluluto ng ilang minuto bago ka makakain. hindi basta basta iniuulam sa kanin ang pagkaing ito although mas masarap yata pag ganon. ang tamang paraan ng pagkain nito ay medyo may kaartehan. ibabalot mo sa lettuce ang karne, sasamahan ng konting kanin at saka pa lamang kakainin. at ganyan kami nag-celebrate ng araw ng mga tatay. sa tatay ko, salamat sa pagiging tatay dahil hindi lahat ng lalakeng nagkaka-anak nagagawa iyon. *** off topic pero isa pang okasyon ang pinagdiriwang ko ngayon, ang ika tatlong taon ng blog ko.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |