Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
23.7.07 divert merong bagong outlet ang blog ko. sa wakas naka multiply na rin ako ngayon. sa totoo lang matagal na ko may account dun pero ginagamit ko lang ito na pang-comment sa mga taga-multiply. simula ngayon magkakaron ng karagdagang silbi ang multiply sa buhay ko. dun ko na iiimbak ang aking mga litrato, hindi vanity pics kundi mga larawan na ako ang kumuha. magiging bahay ito ng aking latest frustration... photography. sa flickr hanggang 200 lang na pics ang pwedeng ilagay, kung gusto mo ng mas higit pa sa 200 sisingilin ka na nila ng pera. hassel naman kung gagawa pa ng panibagong account para sa karagdagang webspace. unlike flickr unlimited (yata) ang capacity ng multiply kaya mas maganda. diba nga, the more the merrier. uploading lang ang problema kase mabagal. hindi ko pa alam kung may uploading tool din ang ito na katulad nung sa flickr pero sana meron, o kaya sana magkaroon. convenience yun! eto pala yung multiply ko: kuyaacengbayan.multiply.com
18.7.07 ay tunes! isang munting proyekto ang tinapos ko kagabi. gumawa ako ng musical slide show na naglalaman ng mga audio clips mula sa mga opm bands na paulit-ulit kong pinapakinggan ngayon. tagalog songs naman gagawin ko next time.
16.7.07 empty mabilis lang to. naiinis ako. dalawang cellphone ko na ang may sakit ang batirya. pati yung motorola mabilis a rin ma-lowbatt. alarm clock ko ang cellfphone ko at ngayon bago pa pumatak ang 6:30am empty batt na siya. gawa ba yun ng irregular charging habits ko? buti na lang nitong dalawang huling araw gumagana ang biological alarm clock ko. bigla na lang ako naaalimpungatan sa oras kung kelan dapat talaga ako gumising. pero wala akong tiwala sa biological alarm clock ko na yan. kung sa kanya ko lang iaasa ang pag-gising ko hindi malayong mapapahamak ako isang araw. ang regular na gising ko kase pag walang pasok ay 10:00am pataas. delikado. cellphone, cellphone. ayaw ko pa magpalit ng unit pero may topak na agad yung motorola v3x. 1 year pa lang siya sa kin. ngayon lang ako nagkaron ng cellphone na hindi ko pa lubusang napapakinabangan pero may topak na agad. hindi nga lang batirya yung sakit nito eh, pati signal nawawala parati tapos nahihirapan ako mag send ng message. dapat talaga nag sony ericsson na lang ako, mas may tiwala ako sa brand na iyon. siya. sige na.6:45am na. 8:00am ang oras ng trabaho. maliligo na ko.
13.7.07 i-pod and piracy yung i-pod. yung hindi nano. yung tag 80gigs, o kahit yung 30 gigs lang. ay para sa sobrang mayayaman lang talaga... unless magnanakaw and/or pirata ka. kung ganon karaming music files (30gigs) ang ilalagay mo sa i-pod mo, kelangan mo ng limpak limpak na salapi. it would take you at least 150,000php (i-pod not included)para mapuno mo ang memory ng i-pod mo. yung 30gigs pa lang yon. pano ko nasabi? nagcompute ako. 1 song equals 5mb (approximately). 30gigs equals 30000mb. 30000mb equals 6000 songs (at least). 1 album equals 10 songs (approximately). 1 album equals 260php (foreign cds costs 350php up). 6000 songs equals 600 albums. 600 albums equals 156,000php.
10.7.07 aromatic hindi ako mahilig sa bawang, actually hindi nga ko kumakain ng bawang. irony is isa sa mga paborito kong amoy sa umaga ay ang aroma ng ginigisang bawang. sarap na sarap ako sa amoy pero once na makakagat ako ng bawang nawawalan na ko ng gana kumain.
5.7.07 lbs at the age of 24 growing kid pa rin yata ako. madami ako kung kumain at masyado nagre-rely sa meat para mabusog. kapag kumain ako ng gulay o isda after 30 mins gutom na ulit ako. kapag tinuloy tuloy ko pa ang current diet ko malamang tumaba ako ng husto at pwede pang maging obese. tsk tsk. for the past two years umakyat ng umakyat ang timbang ko at a steady rate, from super payatot underweight champion of the world (115 lbs) to almost an overweight (170 lbs, limit ng normal para sa aking height). dati akala ko imposible mangyari pero tinutubuan na ko ng tiyan. hindi ko alam ang dahilan. beer ba o excessive eating o pareho ba. kahit ano pa yan ibig sabihin masama ang nangyayari sa kin. kelangan mag palit ng diet.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |