at the age of 24 growing kid pa rin yata ako. madami ako kung kumain at masyado nagre-rely sa meat para mabusog. kapag kumain ako ng gulay o isda after 30 mins gutom na ulit ako.
kapag tinuloy tuloy ko pa ang current diet ko malamang tumaba ako ng husto at pwede pang maging obese. tsk tsk.
for the past two years umakyat ng umakyat ang timbang ko at a steady rate, from super payatot underweight champion of the world (115 lbs) to almost an overweight (170 lbs, limit ng normal para sa aking height).
dati akala ko imposible mangyari pero tinutubuan na ko ng tiyan. hindi ko alam ang dahilan. beer ba o excessive eating o pareho ba. kahit ano pa yan ibig sabihin masama ang nangyayari sa kin.
kelangan mag palit ng diet.