Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
28.8.07 iM kanina, sa daily meeting namin hindi ako nakikinig. kinakalikot ko ang 1 year old phone kong kakatapos lang bayaran ng hulugan. naaliw ako sa browser. mura na lang pala ang rates. tulad ng dati libre mag-surf sa smart wap site. 10 pesos per 30 mins naman pag ibang site na ang bina-browse which is a big improvement. hindi na sensitive ang charging sa laki ng data na natatanggap ng user. dati kase per kb ang singil, makapagbukas ka lang ng site na may picture ay mauubos ng biglaan ang load mo. ngayon browse all you want ka na, ang aalalahanin mo na lang ay ang oras kung gano ka na katagal e-explore. ibig sabihin nito... pwede ka na mag-YM kahit na nasaan ka at parang nagbabayad ka lang sa internet cafe.
27.8.07 idiot box naaalala niyo pa ba ang mga ito? - the x-files (monday nights 9pm rpn 9) - dawson's creek (monday nights 8pm studio 23; nilipat ng tuesday after ilang seasons) - charmed (monday nights 9pm studio 23) - friends (wednesday nights 8pm abc 5) - roswell (wednesday nights 8pm rpn 9; my all time favorite kahit hindi naman talaga siya ganon kaganda) - survivor (wednesday nights 8pm studio 23) - that 70's show (tuesday nights 9pm abc 5) - buffy the vampire slayer (tuesday nights 8pm rpn 9) - 7th heaven (saturdays 7pm studio 23) nawala na ngayon yung feel na may aabangan ka talagang panoorin every week tulad dati dahil sa available na lang sa mga bangketa ang mga palabas. yung aabangan mo ng 13 weeks o minsan 26 weeks pa ay pwde mo nang tapusin ng isang weekend ngayon.
25.8.07 ngyawww!
22.8.07 day with the doc napapadalas ang pagbisita ko sa doktor. this year lang naka tatlong balik na yata ako sa family doctor para magreklamo na may masakit sa akin. kanina yung huli kong punta. tatlong araw nang pabalik balik ang lagnat ko. nung una akala ko kaya kong tiisin at antayin na lang ang paggaling ko. nakuha ko pang pumasok sa trabaho kahapon. umasa akong gagana na yung flu shot na binigay sa kin last week. walang nangyari. kagabi lalong lumala lang yung karamdaman ko kaya nagdesisyon na kong wag pumasok ngayon araw at pumunta na lang sa doktor. magisa lang akong umalis kanina. around 4pm na ko nakalakad dahil hindi ako makabangon nung umaga. nag-commute lang ako dala ang isang malaking payong, natitirang pera sa wallet at health card ko. walang kwenta yung health card. expired na pala ito nung august 15 (7 days ago). last week na lang sana ako nagkasakit para libre. ngayon kinailangan ko pa tuloy magbayad ng 250.00php para sa consultation fee ng doktor. findings ni doc meron daw akong tonsilitis. ito ang dahilan ng pabalik balik kong lagnat. hindi ko lang siguro napapansin na sumasakit ang lalamunan ko kasi mas iniinda ko ang lagnat na dahilan ng panghihina ko at discomfort sa pagtulog. malaki ang damage pagdating sa gamot. niresetahan ako ni doc ng anti-biotic na iinumin ko twice a day sa loob ng pitong araw. 14 na piraso ang kelangan ko ubusin at 94.00php ang bawat isa nito. 1316.00php lahat lahat kung susumahin. kinain na nito ang budget ko para sa itchyworms gig sa friday at sonic boom anniversary next week. eto ang ayaw ko, yung kelangan kong galawin ang emergency funds.
21.8.07 may karamdaman ako gusto ko yung ganitong panahon, yung kahit hindi na mag electric fan ok lang. masarap matulog. yung pagpatak ng ulan sa bubong parang therapy na nakaka-relax. problema lang sa ganitong weather ay madaling magkasakit, mabilis akong nagkaka sipon at ubo. kung mamalasin andiyan pa ang trangkaso. at minamalas nga ako ngayon. parang hindi umubra yung anti-flu vaccine na itinurok sa kin last thursday. napasama pa nga yata dahil tuwing gabi nilalagnat ako. nahihirapan pa ko matulog sa sakit ng katawan. sa umaga laging feeling ko pagaling na ko kaya napipilitan akong pumasok ng trabaho. naiisip ko lang na "sana nagpagaling na lang ako at hindi ako pumasok" tuwing malapit na ang uwian at halos hindi na ko makatayo sa office chair at konting bangon lang hihingal ako. at hindi lang diyan natatapos ang parusang nararanasan ko nitong huling mga araw, pinakamahirap sa lahat ay ang paglalakad ko mula sa gate ng subdivision papuntang bahay. haaay, ang hirap ng may sakit. anyway, ang ganda pa rin ng ganitong panahon. tag-ulan. ang sarap matulog.
16.8.07 130/90 ginaganap this week ang annual physical examination ng lahat sa office. bukas pa dapat ako naka-schedule pero may training kami sa labas ng opisina kaya tinapos ko na ang lahat ng dapat tapusin kanina. hindi ako kumportable sa mga physical exams. ayaw ko ng may mga bagay na ginagawa sa katawan ko ang ibang tao. kung minsan nawawalan rin ako ng tiwala bigla sa mga nagpa-practice ng medicine at ng physical examinations. naiisip ko kase na sa mga maramihang pag-e-eksamen ng mga tao (kagaya ng ginagawa sa opisina ngayon) may tendency na mag-relax at maging inattentive ang mga doctor/nurse/physician sa mga ginagawa nila, ganon kase pag paulit-ulit mong ginagawa ang isang bagay. eh pano pag nagkamali tapos naaksidente? patay tayo dun. bagong fear. natatakot na ko sa mga doktor, madami kase ako nababalitaang lapses at malpractices na nagiging cause ng mga kumplikasyon sa katawan. siguro, ngayon, magiging at ease lang ako pag may kasaman akong maalam sa field ng medicine/physical examination at nagbabantay sa bawat galaw ng doctor/nurse/physician. dalawang bagay ang kinakatakutan ko sa mga physical examinations, yung turukan ako ng kung anu-ano at yung paghubuin ako. yung x-ray, bp, stethoscope (chest? lung?) exam, eye exam, pagkuha ng height/weight, dental at eye/ear/throat exam kaya kong lampasan ng walang problema. yung dalawa lang talaga. at nangyari na nga kanina yung kinakatakutan ko. una pinahubo sa kin ang pantalon at underwear ko para suriing mabuti ang tumbong ko. good news, wala namang foreign object na nakita. nung una medyo naaalangan ako. pano na lang kung pagpasok ko sa kwarto yung nurse na mageeksamen sa kin ay kaibigan ko nung college? tapos babae pa? nakakahiya yon! buti na lang matandang lalakeng doktor yung nasa loob kaya medyo ok. inisip ko na lang na mahigit isang libong pwet ang titingnan niya this week at imposibleng maalala niya yung itsura nung sa akin. pangalawang challenge na. needles challenge. akala ko isang beses lang ito, dalawa pala. yung isa para sa blood sample tapos meron pang anti-flu vaccine. technique na ginamit ko para lampasan ito ay habang tinuturukan ako tumitingin ako dun sa mga taong mukhang mas tatakutin pa sa kin na may hawak nang bulak sa braso nila. ngayon ko lang napatunayan, pwede pala gamitin ang pride sa mabuting bagay. basta kinabahan pa rin ako ng husto. lakad ako ng lakad bago pumunta dun sa nangunguha ng dugo. kung ano ano iniisip ko. alam ko wild imagination pero pano kung nagkamali sila? pano kung napuruhan ng husto yung ugat ko, lumabas ang kalahati ng dugo ko sa katawan tapos hindi na nila maibalik? basta, kabado ako sa mga needles. tapos.
14.8.07 blogging time hmmmmmmmmmmm... nagkaron kami ng mini-reunion ng college classmates ko. hindi ako nasiyahan. feeling ko parang mas masaya yung mga reunion nung panahon dati na hindi pa naiimbento ang celfone at internet... weird. isang malaking dahilan (bukod sa pagkain) ng pagpunta ko dun ay para protektahan ang sarili ko. labo no? ganito kase yun, sa mga gatherings namin kung sino ang wala siya ang nasa hot seat. kaya the more you stay the safer you are. observation ko kase tuwing pinaguusapan ang isang tao na hindi present kadalasang naikakabit ang pangalan niya sa mga istorya na gawa ng mga malikhaing imahinasyon just for the sake of pagpapatawa. at may tendencies na below the belt ang mga kwentong maiuugnay sa pangalan ng nasabing tao kung mamalasin siya. nakaka-offend diba kahit sabihin pa nating pure fiction lang yun. hindi naman kase ibig sabihin na kapag wala ka may lisensya na ang iba na i-riddicule ang pangalan mo. kaibigan sila kung sa kaibigan pero hindi naman lahat ng ginagawa nila sangayon ka diba? malay ko ba. kung kaya nilang gawin yun sa ibang mga kaklase namin edi malamang kaya rin nila ako ganun ganunin pag wala ako. basta ang alam kung wala magandang masasabi tumatahimik na lang dapat diba? dismayado lang ako, baka masyado na magnify naman ng entry na ito yung kung ano man ang nakikita ko sa mga kaibigan ko. kaibigan ko pa rin sila dismayado nga lang ako. good news! pinahiram sa kin ng isang kaopisina ko ang air card niya. pahiram na long term, hindi niya babawiin sa kin hangga't hindi niya kinakailangan. matuturing ko na ring portable yung laptop. parang strike anywhere na ang pagba-blog. kahit sa loob ng ref pwede as long as merong signal ng smart. disadvantage, kasing tulin siya ng dial up. ganon talaga ang buhay, you got to lose some to win some. basta portable siya masaya ako dun.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |