![]() |
||||
Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver ![]() Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra ![]()
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
22.8.07 day with the doc ![]() napapadalas ang pagbisita ko sa doktor. this year lang naka tatlong balik na yata ako sa family doctor para magreklamo na may masakit sa akin. kanina yung huli kong punta. tatlong araw nang pabalik balik ang lagnat ko. nung una akala ko kaya kong tiisin at antayin na lang ang paggaling ko. nakuha ko pang pumasok sa trabaho kahapon. umasa akong gagana na yung flu shot na binigay sa kin last week. walang nangyari. kagabi lalong lumala lang yung karamdaman ko kaya nagdesisyon na kong wag pumasok ngayon araw at pumunta na lang sa doktor. magisa lang akong umalis kanina. around 4pm na ko nakalakad dahil hindi ako makabangon nung umaga. nag-commute lang ako dala ang isang malaking payong, natitirang pera sa wallet at health card ko. walang kwenta yung health card. expired na pala ito nung august 15 (7 days ago). last week na lang sana ako nagkasakit para libre. ngayon kinailangan ko pa tuloy magbayad ng 250.00php para sa consultation fee ng doktor. findings ni doc meron daw akong tonsilitis. ito ang dahilan ng pabalik balik kong lagnat. hindi ko lang siguro napapansin na sumasakit ang lalamunan ko kasi mas iniinda ko ang lagnat na dahilan ng panghihina ko at discomfort sa pagtulog. malaki ang damage pagdating sa gamot. niresetahan ako ni doc ng anti-biotic na iinumin ko twice a day sa loob ng pitong araw. 14 na piraso ang kelangan ko ubusin at 94.00php ang bawat isa nito. 1316.00php lahat lahat kung susumahin. kinain na nito ang budget ko para sa itchyworms gig sa friday at sonic boom anniversary next week. eto ang ayaw ko, yung kelangan kong galawin ang emergency funds.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |