Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

22.9.07

memories...

nakita ko lang to...

kung hindi ako nagkakamali patapos na ang summer ng 1993 nung ipinalabas sa channel 2 yung last episode nito.

nung lumabas galing sa kanya kanyang mga bahay ang buong barkada sa min para maglaro kitang kita ang bakas ng luha sa mga mata ng bawat isa sa amin.



puchang sad ending yan, apektado ako eh.

sino ba naman ang hindi malulungkot sa istorya ng isang batang dukha na may mataas na pangarap? biktima na nga siya ng child labor tapos namatay pa siya sa huli katabi yung faithful aso niyang si patrasch. hindi ka siguro normal na tao kung hindi ka malulungkot sa "a dog of flanders".

mabuti pa mga anime dati eh, hindi tulad ngayon puro patayan ng halimaw.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:12 AM



20.9.07

130/90 part 2

lumabas na ang resulta ng annual medical exam namin. konting bad news. napasama ang pangalan ko sa listahan nung mga may diperensya sa katawan. napareport tuloy agad ako sa clinic.

sabi ni doc ay may tendency na daw ako maging high blood. di nga ako makapaniwala kase ang alam ko nung college halos anemic ako. isa pa, ang pagkakaalam ko kapag high blood ka mabilis uminit ang ulo eh hindi naman ako ganon.

o well, wala tayong magagawa ganun ang resulta eh. alagaan ko na lang ang sarili ko. sundan ko na lang yung payo ng doc na iwasan ang mamantika at maaalat na pagkain. sana nga yun lang ang ipagawa sa kin eh, ayaw ko kase nung may gamot gamot pang iniinom dahil magastos yun.

inumpisahan ko na kahapon ang regular na pagreport sa company clinic. bale every other day pupunta ako dun sa umaga para i-monitor nila yung blood pressure ko. baka gawin ko rin yun dito sa bahay para kunwari concern talaga ako sa sarili ko. meron namang pangkuha ng bp si mama eh. hehehe, dati pinaglalaruan ko lang yun eh.

-oOo-


may sikret ako, atin atin lang. yung electronic na pangsukat ng bp ni papa dati, ako yata ang nakasira... hindi ko naman sinasadya yun.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:01 AM



15.9.07

friendly reminder lang po

kung mahilig kayo sa mga pagkain na galing sa fastfood basahin niyo to.

naisip ko na dati na hindi ganon kalinis ang mga pagkain sa fastfood. malakas kutob ko dito. nasabi na rin ng ilan sa mga kakilala kong former fastfood employees na ganon nga ang kaso. kaya pala yung mga kakilala kong 'to hindi mo mapapakain sa mga fastfood. alam daw nila ang takbo ng trabaho dun at wala silang tiwala sa kalidad ng kalinisan. nakakatakot tuloy.

although may standards na sinusundan sa ganitong mga kainan malamang ay may mga pagkakataon na hindi na ito nasusunod. well expected naman eh. pinoy pa, mahilig sa shortcut. tapos kadalasan kabataan ang crew, hindi maiiwasan na nandiyan yung mga iresponsable at hindi sinisiryoso ang trabaho.

kwento number 1: nahulog si hamburger bun sa sahig, pinulot ni kitchen crew si hamburger bun, pinagpag ang dumi, isinama sa malilinis at ini-serve sa customer.

hygenic ba yung ganon? hindi.

at meron pang mas nakakaalarmang bagay akong nalaman. may mga kitchen crew daw na binababoy yung pagkain intentionally. kadalasang biktima dito ay ang mga customer na nangaaway o may kaaway sa crew.

kwento number 2: may bastusing customer na um-order. na-offend si cashier kaya naisipan nitong humingi ng tulong sa kitchen crew para ipaghiganti siya. sinabi ni cashier sa bastusing customer na "sir please wait for 5 mins" at pinakawalan ang distress signal sa kitchen crew. agad namang umaksyon ang kitchen crew. dinuraan ang grill, dinuraan ang hamburger patty, nilagyan ng muta at kulangot ang loob ng bun at ihinatid ang hamburger sa um-order. nag-enjoy silang panoorin ang pag-kain ni bastusing customer.

nagtanong tanong ako sa mga kakilala ko kung tunay ang ganyang mga pangyayari. kinumpirma nilang totoo at normal. nagbigay pa sila ng kwentong katulad ng nasa taas.

simula non napaisip na ako. pano kung may mga kitchen crew na mabaho ang trip sa buhay at gumagawa ng kababuyan para lang magpatawa sa kapwa crew? pano kung minalas ako at naging biktima ng ganitong bagay?

tsk. delikado. wala kang kalaban-laban.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:02 AM



12.9.07

arms raised tonight...



this is how i release my energy. from time to time pumupunta ako ng mga bars para manood ng mga gigs.

hindi magulo ang mga rock gigs sa mga bar. pramis. unlike field concerts or mall tours, dito disiplinado mga tao. wala kase yung mga blackman para manggulo.

blackman... sila yung batalyon ng mga kabataang nakaitim na sumusugod sa mga malls tuwing may rock artist na nagpo-promote ng album nila, yung mga naka "the ramones" na black shirt. hehe. kadalasan sila ang dahilan kung bakit pinapatigil ang mga mall tours... tapos sila pa ang galit.

anyways, recap tayo sa mga napanood kong banda for the last 12 months:

typecast (4 times)
the ambasadors (4 times)
urbandub (4 times)
imago (3 times)
switch (twice)
dicta license (twice)
hilera (twice)
taken by cars (twice)

mga napanood ko once:

faspitch
out of body special
join the club
mojofly
itchyworms
severo
effinboiche
subscapular
picturefilled
pupil
the dawn
chicosci
airport drama

isa pang magandang bagay sa mga bar gigs ay pakalat kalat lang sa loob ng venue ang mga artists. pwede mo silang kausapin na parang tropa tropa lang kayo. feeling mo tuloy magka-level lang kayo. hehe.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:28 AM



9.9.07

crossroad

ibebenta ko yung isang bagay para magkaroon ako ng budget at maibalik ang sarili ko sa pagaaral. every saturday lang naman yun.

may idea ako. medyo long shot. ok lang. hindi naman masama mangarap... basta iniisip ko na lang ngayon ay "great things start from small beginnings", napulot ko yan sa commercial. risky daw dahil gagastos ako. risk taker naman ako at kadalasan hindi ako nagsisisi. kahit na sablay ang kinalabasan bihira pa rin ako magsisi. kung nagsisisi man ako hindi ko dinadamdam, sa umpisa pa lang kase tanggap ko na agad kung palpak man ang kalalabasan ng papasukin ko.

sa ngayon buo na loob ko. kung sumablay ok lang. kahit gumastos ako ok lang. for sure mage-enjoy naman ako. at kahit papano may mga matutulungan rin naman ako in an indirect way.

unti unti ko nang binubuhay ang konseptong nasa utak ko. nakalatag na ang plano. ang una kelangang maipasok ko ang sarili ko sa eskwelahan, mas maaga mas maganda. yung 13th at 14th month pay ko nakalaan na sa isang bagay. hopefully, makapagsimula na ko by january. kinunsulta ko na ang mga magulang ko dito at full support naman sila dito.

basta 100% na enjoy tong papasukin ko kahit ano pa ang maging outcome... excited na nga ako eh.

as for my current job. andiyan lang yan. hindi ko iiwanan. ang sa akin lang ay gumagawa lang naman ako ng isang libangan na pwede kong mapakinabangan balang araw kung suswertehin. yun yon!


Kuya Ace Ng Bayan at 8:37 AM



7.9.07

time to enjoy

late na hapunan. halos 12:30am na pero kakatapos ko lang kumain.

medyo matagal na kong di pinagpawisan ng ganito. ang anghang ng ulam. saRRRap!!! nakatodo yung anghang. kung may metro ang anghang sinagad na ito.

hindi ko alam yung title nung putahe pero ang ingredients niya ay ground beef, calamansi, at sangkatutak na sili lang. simpleng luto pero pag matikman mo mapapa "shet ang sarap!" ka sa sarap.

haaay... isa ito sa mga namimiss kong mga bagay, lutong bahay. bihira na lang to sa kin eh. mabilis na ang buhay. parati akong on the go. parating wala. parating nagmamadali. kaya yung mga kinakain ko for the past few months years ay yung tinatawag na "para may laman na lang ang tiyan". either instant or prito, minsan instant na pinrito. pare-pareho lang yun, walang pinagkaiba sa mga pagkaing fastfood.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:24 AM



3.9.07

vcd on board

jasper jean ang tatak ng mga bus na sinasakyan mula sa min papuntang edsa. swerte pag bago ang nasakyan mo kase yung mga luma ay kilalang pugad ng mga maliliit na ipis.

bago ang nasakyan naming bus nung isang gabi kaya masaya ako. mabango, malinis, at higit sa lahat walang ipis. may bonus pang vcd on board. ok yun dahil may paglilibangan, expected ko kase mahaba ang biyahe dahil biyernes nun at malamang traffic.

hindi yung usual van damme o old school jet li film ang palabas sa bus. tagalog. si jeric raval yata yung bida... tinulugan ko.

pero bago makatulog napanood ko ang ilang bahagi nung pelikula.

sa simula, habang nasa bus papuntang probinsya, ipinagtanggol ni bida ang isang babae sa mga manghihipong siga.

nakatulog ako...

pagkagising ko mag-on na yung bida tsaka yung babaeng binastos ng mga siga.

nakatulog ulit ako...

sunod na gising ko, sinusugod na ng bida magisa yung warehouse kung saan nandon yung private army ni subas herrero. sa sahig lang tumatama ang mga bala ng kalaban.

nung naubos yung mga kalaban nag-hang na yung vcd... pirated. bumalik sa bandang gitna yung pelikula.

inilipat na sa marimar yung palabas.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:35 AM



2.9.07

extreme makeover daw

nire-renovate itong bahay na tinitirahan namin ngayon. nagtayo sila ng tatlong poste sa gilid, tinuklap ang flooring ng buong first floor at winasak yung mini garden sa harapan. total wreck ang buong bahay ngayon.

hindi ko pa alam ang kakalabasan ng itsura, ang alam ko lang ililipat yung hagdanan sa gilid ng bahay. weird nga kase ang mangyayari para makapunta sa second floor kelangan pang lumabas ng bahay.

hopefully matapos ito within september. ang hirap kase kung magtatagal pang ganito. lahat ng gamit nakalabas pero parang lahat nawawala. maalikabok pa. tapos yung book case nakahambalang sa gitna ng bahay.


DITO ANG LUMANG BLOG