late na hapunan. halos 12:30am na pero kakatapos ko lang kumain.
medyo matagal na kong di pinagpawisan ng ganito. ang anghang ng ulam. saRRRap!!! nakatodo yung anghang. kung may metro ang anghang sinagad na ito.
hindi ko alam yung title nung putahe pero ang ingredients niya ay ground beef, calamansi, at sangkatutak na sili lang. simpleng luto pero pag matikman mo mapapa "shet ang sarap!" ka sa sarap.
haaay... isa ito sa mga namimiss kong mga bagay, lutong bahay. bihira na lang to sa kin eh. mabilis na ang buhay. parati akong on the go. parating wala. parating nagmamadali. kaya yung mga kinakain ko for the past few
months years ay yung tinatawag na "para may laman na lang ang tiyan". either instant or prito, minsan instant na pinrito. pare-pareho lang yun, walang pinagkaiba sa mga pagkaing fastfood.