Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
31.10.07 style magpapagupit sana ko kaso wala si ms gemma. sino si ms gemma? siya ang may pakana nitong badly groomed and untidy looking hairstyle ko. kasalukuyang nasa barcelona daw siya, namamasyal yata. sa a-singko pa ang balik kaya medyo made-delay ng ilang araw ang pagpapagupit ko. last month pala sinubukan ko magpa-highlight ng buhok. kulay pula. ok naman, nung natapos kulayan napangiti ako ng mga 3 seconds tapos wala na, yun lang. bale apat ang kulay ng buhok ko ngayon. dark brown na natural nitong kulay, brown na ikinulay ko mga 4 months ago, yung highlights na pula at puti na mga buhok na gusto kong mawala pero nakaligtas sa lahat ng sinubukan kong pangkulay.
27.10.07 dying after 10 months unti-unti nang namamatay yung binili kong pc. badtrip, kung kelan ko ito kailangan saka naman nagkaganito. bwisit na trojan yan, di ko alam kung san nanggaling. tatlo lang suspect ko sa pangyayaring ito. kuya ko, erpats ko, at ate ko. nakakasiguro akong hindi ako ang may sala dahil friendster, myspace, multiply, blogger, at ilang static sites lang naman ang binubuksan ko. di rin naman manggagaling sa e-mail ko yun dahil hindi ako nagbubukas ng e-mail na may attachment. tama na nga ang sisihan. hinahanda ko na ang sarili ko sa maaaring mangyari bukas. baka di na kase ma-recover yung mga files na nakalagay sa hard disk drive. sayang yung mga pictures, wala pa naman akong back-up. yung mga mp3 sayang rin, matrabaho kung isa isa kong iri-rip yung mga cd ko. sayang yung mga pinagpaguran ko. hindi yata ako maswerte pag dating sa mga gadgets nitong 2007. yung phone na isa sira, yung playstation may topak din at naninira ng mga cd, ngayon pati tong computer nasira na rin. sheeeesh, lahat na lang ng paborito kong mga bagay o!!!
26.10.07 knots took this photo last saturday. kasal ng kaklase ko nung college, siya yung bride sa larawan... yung groom karibal ng kaklase ko, hehe. muntik pa kong hindi pumunta dahil araw na mismo ng kasalan nung maalala ko lang na wala pala akong maisusuot. lahat ng slacks ko masikip na at hindi ko alam kung existing pa ba yung black leather shoes ko. last time ko pa kaseng nagsuot ng medyo pormal ay nung naghahanap ako ng trabaho after graduation. kaya ayun, kinapalan ko na lang mukha ko. pumunta ako ng naka maong at sneakers, ang semi-formal lang ay yung pink na short sleeved polo ko. kung papauwiin nila ako edi pauwiin nila ko. anyways, napaisip habang on-going yung reception. naalala ko na parang kelan lang nagpa-practice pa kami ng sayaw para sa debut ng ikinasal. iba ang bilis ng andar ng panahon once makalabas ka na ng eskwelahan. yung apat na taon ko sa college parang kalahati na ng buhay ko ang tagal, etong apat na taong lumipas after grad hindi ko man lang namamalayang lumipas.
20.10.07 sleep will not come to this tired body... nae-enjoy ko na ulit ang two day rests. may bagong rule na napatupad sa office, minimal na dapat ang overtimes tuwing weekend. good for me, feeling ko kase kulang na kulang ako sa mga restday. ang dami kong gustong gawin sa labas ng opisina tapos wala naman ako masimulan. ngayon, wish granted na. yehey! last two weekends sa bahay lang ako madalas, hindi na nga ako sanay eh. matagal tagal ko na ring hindi naranasan yung naka sando at shorts lang ako, nagre-relax sa sofa, at ang naririnig sa background ay either yung variety show sa tanghali o kaya rj one hundred point three na pinapakinggan ni erpats. maeenjoy ko na ulit ang mga bagay na iyon na kung tutuusin ay hindi naman talaga nakakatuwa. pero ako natutuwa. weird ako eh. downside ng walang ot ay wala ring extra income. bayad naman na yung ilan sa mga ni-loan ko kaya hindi naman siguro magiging ganun kalaki ang impact sa kin. at tsaka kung kapalit naman nito ay oras para sa ibang bagay na mahalaga para sa kin, madali na lang i-sakripisyo ang extra income na iyon.
15.10.07 picture picture
10.10.07 variety ngayon alam ko na ang gustong palabasin ng itchyworms sa album nilang "noon time show". sa karinderya ako naglu-lunch araw araw. mura kase dito at masarap ang mga pagkain. sa ibabaw ng bintana ng karinderya ay may nakalagay na tv, nakabukas ito tuwing tanghali. lagi kong naaabutan yung game show ni edu manzano at tsaka yung noon time show pagkatapos nito. hindi ako natutuwa sa wawawi. dati nakakasawa lang yung "adu du du, ada da da, aha ha" na paulit ulit na kinakanta sa loob ng trenta minuto. ngayon nakakairita na ng sobra kase parang ginagawa nang tanga ang mga contestants para lang magkaroon ng pagkakataon manalo ng pera. nakakita na ko ng mga pinapadapa, pinapagulong sa sahig at pinapalabas ng venue. pag nakakapanood ako ng ganito parang may pumapasok na bagay sa utak kong nagsasabing hindi tama ang nakikita ko. hindi ko maipaliwanag pero kahit wala namang kinalaman sa kin ang nakikita ko nakakaramdam ako ng konting pagkainsulto. kanina habang kumakain ng regular order kong tuna and rice may bagong portion akong nakita. pinapakanta yung mga contestants ng one liner na pinapaulit-ulit at kung sino ang mas mukhang mongoloid kumanta siya ang bigatin. "hanggang dito na lang ba ang masa?"
2.10.07 cheers kung ang pilipinas may lambanog ang korea naman ay may soju. pambansang alcohol nila iyon. malakas ang kutob ko na gawa ito sa kung anong parte ng kawayan dahil lahat ng bote nito ay may larawan ng kawayan/dahon ng kawayan. isang beses pinasalubungan ako ng kaibigan naming korean ng anim na tetra pack ng soju. na-curious siguro si ermats nun dahil akala niya ay chocolait ng korea yung itinatago ko sa ref. binuksan niya ang isa nito sabay lagok ng madami... wow mali!
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |