
took this photo last saturday. kasal ng kaklase ko nung college, siya yung bride sa larawan... yung groom karibal ng kaklase ko, hehe.
muntik pa kong hindi pumunta dahil araw na mismo ng kasalan nung maalala ko lang na wala pala akong maisusuot. lahat ng slacks ko masikip na at hindi ko alam kung existing pa ba yung black leather shoes ko. last time ko pa kaseng nagsuot ng medyo pormal ay nung naghahanap ako ng trabaho after graduation. kaya ayun, kinapalan ko na lang mukha ko. pumunta ako ng naka maong at sneakers, ang semi-formal lang ay yung pink na short sleeved polo ko. kung papauwiin nila ako edi pauwiin nila ko.
anyways, napaisip habang on-going yung reception. naalala ko na parang kelan lang nagpa-practice pa kami ng sayaw para sa debut ng ikinasal.
iba ang bilis ng andar ng panahon once makalabas ka na ng eskwelahan. yung apat na taon ko sa college parang kalahati na ng buhay ko ang tagal, etong apat na taong lumipas after grad hindi ko man lang namamalayang lumipas.