Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

29.11.07

kuyaacengbayan on yahoogroups!

posted something on yahoo groups and somebody else is getting the credit... wala akong paki.


ngayon ko lang nakita 'tong topic na 'to. para sa
lahat na ng banda tong sentimyento ko at hindi lang
typecast.

game.

wala naman dapat kaso kung "underground" o
"mainstream" ang isang artist. karamihan naman ng
naging mainstream nanggaling sa underground. magaling
sila kaya sumisikat sila.

parang mali naman tingnan na ilalagay mo ang isang
artist na puno ng talento sa loob ng isang maliit na
kahon kung saan iilan lang ang nakakakita. parehong
kaso lang yun ng isang nanay na may anak na may 150+
I.Q. tapos hindi na pinagtrabaho para merong
taga-bantay ng sari sari store nila.

kung talented talaga ang isang banda dadami at dadami
ang makakapansin sa galing nila at darating ang
panahon na lalabas sila sa lahat ng outlet kung saan
merong nakaka-appreciate sa kanila.

kung minsan nga parang nakakasira pa sa mga artist
yang paghihimay niyang underground at mainstream eh.
gaya na lang nung isang banda galing sa isang
exclusive school sa may loyola, nung wala pa silang
album nung early 2000 diyos diyos sila sa underground
scene. ngayon tawag sa kanila pogi band. asan na yung
mga pumupunta sa gigs nila nung di pa sila sikat? ayun
nangiwan na sa ere.

hindi ko maintindihan ang utak ng iba. yung may
mentalidad na "ay ayoko na ng/kay [band/artist] kase
marami nang nakakaalam ngayon... dati kami lang
nakikinig niyan eh". hehehe... hindi ibig sabihin na
kayo ang unang nakaalam o kayo lang ang nakakaalam ng
pinapakinggan niyo ay mas astig na kayo.

isang buong genre na nga ang rock music eh ba't
kelangan pang hati-hatiin ito sa "underground" at
"mainstream" ? para magwatak-watak?

sa tingin ko sanhi rin "crab mentality" yang
pagle-label ng "underground" at "mainstream" eh.
napansin ko lang, habang hindi pa ganun ka-sikat ok
pa, astig pa at panay iyon ang bukambibig. tapos once
na napapatugtog na sa radyo makakarinig ka na ng "ay
ayoko na sa kanila nag-mainstream na sila" o "di ko na
sila trip, marami nang nakakaalam sa kanila eh". sus,
mga hirit ng mga pa-cool.

why rate a song or an artist by its popularity kung
quality naman dapat talaga ang unang tinitingnan?

-eys


posted this on yg! a week ago.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:13 PM



25.11.07

reflect

alam mo yung feeling ng meron kang stronghold at yun ang nagbibigay ng motivation sa 'yo para tumuloy sa araw-araw na hindi mo alam kung kelan magbabago? tapos isang araw bubulagta na lang sa iyo na ang pinanghahawakan mong strength and pride ay lipas na lipas na at ang tanging kumikilala rito ay ang sarili mo lamang at wala nang iba?

wala lang.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:10 AM



18.11.07

under southern lights



ok, quick review sa "under southern lights".

yung latest album ng urbandub ay hindi para sa mga shallow-minded fans. baka dismaya lang sila sa maririnig nila kung ine-expect pa rin nila yung dating tunog ng urbandub.

it took me 4 days of continuous playing bago ko ma-absorb yung bagong tunog ng mga kanta sa album na ito. medyo malayo kase sa melodic sound ng "embrace" at hindi ganon karami yung sing along songs na tulad ng nasa "influence". hindi na rin ganon kabigat ang bagsak ng instruments gaya ng dati, litaw na litaw ang influences ng ibang genre.

at first akala ko madi-disappoint ako sa album na 'to pero nung na-digest ko na yung kakaibang mga tunog na hindi ko ine-expect worth it naman pala yung 260php ko. well, same feeling na naramdaman ko dati nung una kong narinig ang "embrace".

4 songs ang tumatak agad sa isip ko yung tunog. "anthem", "an invitation", "the fight is over" at yung current single na "guillotine". eto kasi yung may pinakamalapit na tunog dun sa mga luma nilang kanta.

yung "cebuana", "she keeps me warm", at "inside the mind of a killer" similar sa pagkakilala ko sa "a city of sleeping hearts" at "quiet poetic". yung tipong magandang kanta pero di ko kinakanta sa isip ko kapag walang ginagawa kase hindi naman nga siya sing along song. eto rin pala yung mga kantang may mga bagong elements na nagustuhan ko talaga.

"a method to chaos", fastest paced at heaviest sounding song dito sa bagong album. nung hindi pa nilalabas yung album tipong ganito yung sound na ine-expect ko nun.

"life is easy" (formerly titled "ride the curl"?!? hehe hula ko lang). pinaka "laid back" na reggae-ish song ng urbandub. parang masarap pakinggan pag nagda-drive papuntang beach. unlike "endless, a silent whisper" at "sailing", 'pag pinapakinggan ko 'to merong "feel good" at "feel happy" feeling (redundant) akong nararamdaman. nung una ayaw ko 'to pero pagtagal nasakyan ko na rin.

"evidence". eto feeling mas bagay kantahin ng/ni "bamboo". ang kaso kase kapag si gab ang kumakanta parang "freestyle" ang naririnig kong tumutugtog. sobrang pop ang dating at kung ako tatanungin parang hindi bagay sa urbandub. sana wag nila gawing single 'to. baka mapatugtog sila sa mga istasyong ayaw ko pakinggan. so far ito yung pinaka-ayaw kong urbandub song.

kung papapiliin ako ng limang nagustuhan ko sa sampung bagong kantang inilabas, ito ang mga pipiliin ko:

1. inside the mind of a killer
2. guillotine
3. cebuana
4. an invitation
5. anthem

*"inside the mind of a killer" consumed me for two days. ngayon ito na ang nasa top ng listahan ng current favorites ko.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:42 AM



13.11.07

sidedish

gugutumin ko muna kayo...



isang kaibigan ang lumapit sa kin at nakiusap na ako na daw ang maglitrato ng mga produkto ng kanyang resto na gagamitin sa isang malaking tarpauline. hindi na ko nagisip, um-oo na ako kahit na hindi ko talaga alam kung gaano kalaking gulo ang papasukin ko. bale first time kong kukuha ng larawan na babayaran ako kaya nakaka-pressure at nakaka-kaba. hindi pa ko ganun ka-confident sa kakayahan ko kaya medyo nagaalinlangan talaga ako. anyways, andiyan na yung pagkakataon. bakit ko pa sasayangin diba? paraan na rin ito siguro para matapos na yang "first-time-jitters, first-time-jitters" na yan.

sa experience na ito marami akong na-encounter.

unang problema, biglaan ang pagtawag sa kin. hapon ako tinawagan sa opisina at kinagabihan daw magshu-shoot. kulang na kulang ang oras para makapaghanda.

isang pang problema, gabi ang shoot. walang araw kaya hindi maganda ang lighting. ibig sabihin nito ay hindi ako makakakuha ng quality pics na katulad ng nakukuha sa araw. wala akong gamit para sa lighting. nanghiram lang ko ng halogen lamp at ginamitan ito ng teknik na ginagawa sa mga indie films. hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito so malaking risk yung ginawa kong iyon.

pangatlong problema, hindi ganon kalakas ang camera ko.



may dalawang set akong kinuhanan. isa yung christmas package at isang combo meal. at least 15 shots ang ginawa ko sa bawat isa tapos pinili na lang dun yung pinakamaganda ang pagkakakuha.

pagkatapos ng picture taking ay ang enjoy part. lahat ng nilitratuhan ko pinatikim sa kin. yung pang isang kilo kong bituka tatlong kilo ng pagkain ang laman. solve na solve. yung kain kong iyon parang next year na ko kakain ulit.

kung tatanungin ako tungkol sa outcome ng mga litrato ang sagot ko ay hindi ako ganun kasaya. kung nabigyan lang ako ng oras para maghanda at kung umaga lang ang oras ng photoshoot (o kung maganda lang talaga ang lighting sa loob ng resto) sana mas maganda ang mga nakuha kong litrato.

tapos na ang unang part ng project na ito. sunod ay ang tarpauline at flyers design. panibagong sagupa nanaman iyon at hindi ko pa alam ang mga problema na haharapin ko so help me God.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:30 AM



10.11.07

hayup!


pagkatapos kumain dun sa suking karinderya isang nilalang ang sumalubong sa kin. dali-dali kong binunot ang camera phone ko para litratuhan ang kakaibang hayop. pagkatapos namin magtitigan ng sampung minuto napagisip-isip ko na hindi tazmanian tiger ang nakita ko dahil unang-una sa tazmania lang natatagpuan ang ganitong hayop at pinaniniwalaang extinct na ito nung 1930's pa.

anyways, dahil natuwa ako ng husto sa itsura nitong asong pinagtripan ng kanyang among walang magawa sa buhay deserving siyang ilagay sa blog ko.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:03 AM



9.11.07

doppleganger

laking gulat ko nang pagtingin ko sa "who's viewed me" list ng friendster account ko ay may nag view sa kin na ang primary picture ay ako.

ni-search ko sa search (redundant) ang pangalan ng nanggagamit ng litrato ko at nadiscover ko na hindi lang pala once na nanakawan ako ng litrato. may dalawang account si "red belleza" na picture ko ang primary pic. yung isang account inactive since 2006, yung isa yung nag-view sa kin recently.

walandyo, meron pa palang taong magtatangkang piratahin ang larawan ko para gumawa ng bulaang friendster account. tae nya! alam kong makapal mukha ko pero hindi niya ito pwedeng ipang-front ng basta basta at walang paalam. pano na lang kung may nakaaway yung account na yun sa friendster na mangkukulam? edi yung picture ko pa ang nakulam. problema ko pa kung saan at kanino ako magpapa-tawas.

inireport ko na ang insidenteng ito sa friendster at wala pang 24 oras nakatanggap ako ng reply galing sa kanila na nagsasabing gumawa na daw sila ng aksyon tungkol dito. sana totoong suspended na yung mga account na yon dahil kung hindi... kung hindi... kung hindi... wala. wala naman akong magagawa, patuloy lang akong makakaramdam ng pagkainis.


Kuya Ace Ng Bayan at 12:26 AM



4.11.07

28 pesos

1 way to enjoy 30 pesos

- 5 pieces tokneneng (kwek kwek pugo): 10 pesos
- 2 orders tokwa: 10 pesos
- 8 oz. ice cold pepsi: 8 pesos

may sukli pa kong dos!


DITO ANG LUMANG BLOG