![]() |
||||
Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver ![]() Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra ![]()
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
13.11.07 sidedish gugutumin ko muna kayo... isang kaibigan ang lumapit sa kin at nakiusap na ako na daw ang maglitrato ng mga produkto ng kanyang resto na gagamitin sa isang malaking tarpauline. hindi na ko nagisip, um-oo na ako kahit na hindi ko talaga alam kung gaano kalaking gulo ang papasukin ko. bale first time kong kukuha ng larawan na babayaran ako kaya nakaka-pressure at nakaka-kaba. hindi pa ko ganun ka-confident sa kakayahan ko kaya medyo nagaalinlangan talaga ako. anyways, andiyan na yung pagkakataon. bakit ko pa sasayangin diba? paraan na rin ito siguro para matapos na yang "first-time-jitters, first-time-jitters" na yan. sa experience na ito marami akong na-encounter. unang problema, biglaan ang pagtawag sa kin. hapon ako tinawagan sa opisina at kinagabihan daw magshu-shoot. kulang na kulang ang oras para makapaghanda. isang pang problema, gabi ang shoot. walang araw kaya hindi maganda ang lighting. ibig sabihin nito ay hindi ako makakakuha ng quality pics na katulad ng nakukuha sa araw. wala akong gamit para sa lighting. nanghiram lang ko ng halogen lamp at ginamitan ito ng teknik na ginagawa sa mga indie films. hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito so malaking risk yung ginawa kong iyon. pangatlong problema, hindi ganon kalakas ang camera ko. ![]() may dalawang set akong kinuhanan. isa yung christmas package at isang combo meal. at least 15 shots ang ginawa ko sa bawat isa tapos pinili na lang dun yung pinakamaganda ang pagkakakuha. pagkatapos ng picture taking ay ang enjoy part. lahat ng nilitratuhan ko pinatikim sa kin. yung pang isang kilo kong bituka tatlong kilo ng pagkain ang laman. solve na solve. yung kain kong iyon parang next year na ko kakain ulit. kung tatanungin ako tungkol sa outcome ng mga litrato ang sagot ko ay hindi ako ganun kasaya. kung nabigyan lang ako ng oras para maghanda at kung umaga lang ang oras ng photoshoot (o kung maganda lang talaga ang lighting sa loob ng resto) sana mas maganda ang mga nakuha kong litrato. tapos na ang unang part ng project na ito. sunod ay ang tarpauline at flyers design. panibagong sagupa nanaman iyon at hindi ko pa alam ang mga problema na haharapin ko so help me God.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |