Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

30.12.07

dictionary

word for the day "eye sex".

actually hindi yan ganon ka halay. nabasa ko lang kagabi sa isang video sa youtube na ito daw yung act na kapag nasa concert o gig ka tapos yung singer/performer ay nakatitig sa iyo na parang ikaw ang kanyang kinakantahan.

i had two of those moments. una nung 2005 take 2 tour, it was "some little girl" singing "taning". pangalawa, nung birthday ko last october when "that" bassist was urging the audience to sing along.

happy experience. hehe.


Kuya Ace Ng Bayan at 3:15 AM



27.12.07

... goes on and on and on

makulimlim pa rin. gloomy. perfect weather pa rin. maulan at malamig. masarap matulog. nakakatamad pumasok. mahirap bumangon. gusto kong tumunganga at mag-stay na lang sa kama kaso hindi pwede dahil kelangan ko pumasok. ang sarap sana ng nasa bahay lang tapos nanonood ng tv.... ehhrrrmmm dvd. hindi na pala ako nakakanood ng tv shows simula september kase tinanggal yung antenna ng tv nung pinagawa yung bahay.

binabalikan ko ngayon sa yung series ng roswell. sci-fi drama. literally star-crossed lovers. eto yung tinututukan ko nung college habang yung iba ay baliw na baliw sa dawson's creek. mas gusto ko roswell nun eh, may halo kaseng sci-fi at mystery. hindi lang puro round robin ng mga shota na nagpapalit palit lang ng partner every next season.

ngayon nasa 5th episode na ko ng 1st season ng roswell. around 59 episodes pa bago ko matapos yung buong 3 seasons. mahaba haba pa ang tatahakin and i'll take my time para tapusin ito. alam ko naman na kung ano ang mga mangyayari kaya hindi ko na kailangan magmadali para sa susunod na episode. hindi na rin ako mabibitin sa mga cliff hanger endings. basta one episode per day is enough.

ba't ba ko tuwang tuwa sa mga palabas ngayon? wala kaseng nangyayari sa kin na kakaiba. kung anong adventure ang nakikita ko sa screen dun na lang ako natutuwa at nalilibang. buhay ko ngayon ay parang isang monotonous steady line. routine na paulit ulit. parepareho lang ang bawat araw na wala ka namang maalala dahil wala namang signifacant event na worth storing sa hard disk mo sa utak. ganyan ang status ko for the nth number of years na lumipas.

patapos na ang 2007, isang taon nanaman ang nawala at sinayang ko. kung ano ako nung 2003 parang ganon pa rin hanggang sa ngayon, wala man lang major improvements in any aspect. ang tanging nagbabago lang sa kin ay ang edad ko. napagiiwanan na nga yata ako ng panahon kung minsan dahil hindi na ko makarelate sa buhay ng mga naging kaibigan ko bago mag-grad.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:05 PM



26.12.07

let's celebrate

lipas na agad ang pasko, halos hindi naramdaman. twice ko lang yata napatugtog yung christmas cd na binigay sa min last year ng dating boss.

konti lang handa namin. pasta, fruit salad, garden salad, ham tsaka coke. may white wine din tsaka fruit cake galing sa kuya ko. maaga ang kainan, 8:30pm simula na kaya 11 pa lang tulog na ang karamihan sa bahay. halos ordinary day (or night) lang, ang pagkakaiba ay sabay sabay kaming kumain sa iisang lamesa. dun ko napansin na kulang pala ng isang upuan ang lamesa namin, computer chair gamit ng kapatid kong isa habang kumakain.

gloomy ang pasko ngayon... dahil sa panahon. maulan ulan ng konti, saya nga eh. mainit nitong huling mga araw kaya buti na lang nadiligan ng pampalamig ang paligid. ganito ang perpektong panahon para sa kin.

may ilang regalo akong natanggap. karamihan galing sa opisina. sa kris kringle. nakakuha ako ng metro ng karpintero (something long that gets short) at chocomallows (something soft) sa bunutan. sa exchange gift na ginanap 2 weeks ago ang nakuha ko "bagong liwanag" ep ng rivermaya. this week nage-expect ako ng album ng "peace pipe" galing dun sa isang exchange gift na kasali ako.

sa bahay may dalawa akong natanggap na regalo, kay ermats isang libro na tungkol sa negosyo. napansin niya siguro na kung ano anong raket ang sinusubukan ko ngayon kaya naisipan niya ko bigyan ng librong may kinalaman dito. galing naman sa ate ko ay mga damit. isang statement shirt na sa kasamaang palad ay maliit ang size para sa kin, kasing katawan ko na kase si batista ngayon. meron ding shorts na sa awa ng diyos ay kumasya.

sakto lang naman ang pasko para sa kin. medyo konti ang handaan ng pagkain namin pero pana-panahon lang naman yan eh. hopefully, next year masagana naman.

anyways, maligayang pasko pa rin sa lahat. let's celebrate life, salamat sa Diyos para dito. gifts or no gifts it doesn't matter, ang importante sa lahat is to celebrate Christ's birthday. yun ang wag kakalimutan.


Kuya Ace Ng Bayan at 1:46 AM



18.12.07

something learned from the godfather part 1 opening scene

quick and early new years resolution.

mula ngayon hindi na ko basta basta gagawa ng pabor para kung kenino. kung naging ugali ko na palabigay ako dati ngayon medyo babawasan ko na ito. dumarami na kase ang mga user friendly friends people sa paligid ko.

marami akong kakilala na nagiging malalambing na pusa tuwing may pabor na hihilingin. mambobola muna na kunwari close, makikiusap tapos pag hindi napagbigyan sasama ng husto ang loob. tapos kung wala namang kailangan ang mga ugali ay "talo talo muna tayo". tapos pag sila ang kausapin mahirap, eh pano pa kaya kung hihingian mo ng maliit na pabor. naalala ko isang beses nagtanong lang ako natarayan pa ko.

taena, ilang beses ko na na-encounter na biglang may kakilalang matagal ko nang hindi kinakausap na biglang magwa-ym ng "uy musta na?". hahahaha, siyempre isang libong persyento akong sigurado na hihingi ng pabor yon, pustahan pa. tae!!! ano yun biglang kunwari close tayo?

sa ngayon hindi na ko pwedeng asahan kagaya ng dati. kung maliliit na tanong siguro pwede ko pang pagbigyan pag sinisipag pero kung magpapahanap ng trabaho o magpapagawa ng trabaho at umaasang makakalibre, pwes, ibang usapan na yon. dalawang bagay lang ang dahilan para gawin ko pa rin ang mga iyon: (1) either kung babayaran ako or (2) kung tinuturing kong tunay na kaibigan yung humihiling.

hindi ako nagiging madamot at masama, inuumpisahan ko lang ilayo ang sarili ko sa mga taong hindi ko na dapat nakakasalamuha.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:37 PM



12.12.07

impacted 2

45 mins para handa sa pagpapaayos ng ipin.

kahapon tapos na sana kaso nung nakaupo na ko sa upuan pangdentista biglang tumawag yung boss ko para sabihin na dalhin ko daw yung edited cd para sa presentation namin sa christmas party na gaganapin kinagabihan. kinonsensya pa ko na ako lang daw inaasahan ng lahat sa audio at ayaw niyang mapahiya lahat. hindi konsensya ang naramdaman ko pero dinala ko pa rin yung cd sa opisina. ni-move ko na kinabukasan yung pagpapaayos ng ipin.

christmas party, para akong tanga na nasa isang sulok at nakahawak sa pisngi ko. hindi na rin ako nakakain, sayang at masasarap pa naman yung mga pagkain. my worst day of the year so far.

on the other hand may good news ako. sa lahat ng ipapagawa ko sa ipin ko binigyan ako ng dentsita ng malaking discount. tenkyu Lord.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:19 PM



9.12.07

impacted

very, very, very bad toothache. akala ko kaya ko tiisin hanggang sa mawala pero iba pala talaga ang sakit ng wisdom tooth, habang tumatagal lalong sumasakit. nago-overdose na ko ng mefenamic acid kase wala na kong ibang alam na paraan para matanggal yung sakit. sana walang masamang side effect na mangyari sa kin.

hindi ko alam kung afford ko magpabunot ng dalawang impacted molar. mahal daw kase sabi ng dentista dati dahil surgery daw ang gagawin. well no choice na ko ngayon. hindi ko na kaya magtiis ng ganitong sakit kahit 1 day lang.

pero wala pang uwian kaya ngayon super relihiyoso ko. secretly paulit-ulit nagcha-chant ako sa utak ko ng "please Lord paalisin mo na yung sakit kahit hanggang uwian lang mamaya (repeat 100x)".


Kuya Ace Ng Bayan at 11:58 PM



4.12.07

kringle

meron kaming mga "exchange gift" sa office.

bale tatlong exchange gift ceremonies yung nasalihan ko (ng walang kamalay malay). as usual nandun pa rin yung traditional na bunutan ng secret code names. and as usual after 1 hour walang kwenta na yung mga secret code names na yan dahil nagkaalaman na ang lahat.

at para lalong maging "masaya" ang ritual ng "exchange gift" naisipan ng mga tao sa opisina na magpaikot ng isang "wish list". dun daw ilalagay yung gift na gusto mong matanggap galing sa nakabunot sa iyo.

sobrang nakaka-excite nga naman dahil siguradong gusto mo ang matatanggap mo. hehe, para lang kaming naglolokohan.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:54 PM



2.12.07

bonding



para daw magkaron ng mga friends ang tulad ko sa office nag team building kami sa isang resort sa batangas.

yung final event ay improvized miniature boat race. sa beach ang race track. siguro nasa 200m ang layo ng finish line mula sa shore line.

milestone para sa career ko yung main event dahil dalawang "first time" ang nangyari sa kin. una, first time ko nag-bahagi ng ideya sa mga kaopisina ko sa loob ng 3 years (ginamit ko lahat ng natutunan ko kay macgyver para sa pag-gawa ng bangka). pangalawa, first time ko mag-swimming sa beach na lumampas ako sa 7 feet na lalim ng tubig. sa swimming pool lang kase ako marunong lumangoy. sa beach takot ako at baka anudin ako ng mga alon papuntang states.

1st place kami sa boat race na nagresulta ng pagiging kampeon namin sa over-all race. nanalo kami ng tatlong supot ng gandour chocolates.

*** kalaban namin yung nasa larawan. mas maganda bangka namin kesa dyan sa nakikita niyo. hehehe.


DITO ANG LUMANG BLOG