Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
28.2.08 this is really sad news... kagabi nabasa ko sa bulletin board ng friendster ang isang post na may title na "Sa.mga.tga.lasal.das ma.pls.pray.for.ate.baby". ang laman ng message ay: sino.nga.ba.si.ate.baby? siya.ung.enforcer.na.dating.nasa.gate.3 nalipat.na.siya.sa.gate.1.ngayon. i.guess.khit.pagod.at.badtrip.tyo. dahil.ngquiz.bigla.ang.prof o.di.kya.nahuli.bigla.ng.swafo. e.paglabas.ng.gate.1. mbabawasan.ang.inis.dahil. si.ate.baby.ay.di.ngsasawang pagandahin.ang.araw.with.her.sweet.smile. gano.katagal.ba.xang.nangiti? buong.duty.niya. khit.mainit.mausok.maalikabok. OKAY.SO.HERE'S.THE.THING. SHE.GOT.HIT.LAST.NYT.BY.A.JIPNEY. DURING.HER.DUTY. AROUND.6PM. CONFINED.SYA.SA.UMC.NGAYON. lets.pray.for.her.wellness. nag-pause ako sandali para i-recall kung sino si ate baby. tapos naalala ko na nga kung sino siya. siya yung maliit na aleng parati naka green na traffic enforcer's uniform. minsan medyo makapal ang make up niya. tapos pag mainit ang panahon meron siyang sinusuot na fisherman's hat or bucket hat. kung umuulan naman ay naka kapote siya. at ang pinaka obvious na katangian niya ay ang patented niyang smile na hindi nawawala kahit kelan. imagine rainier castillo in his starstruck days, yung kay ate baby nga lang ay hindi ngiting pagpapa-cute, hence ngiting sincere. hindi kami close ni ate baby. ni hindi nga kami magkakilala. ang tanging connection lang namin sa bawat isa ay pag tatawid ako pinapatigil niya ang mga sasakyan. ginagawa niya ito ng naka-ngiti at naa-appreciate ko yon, lahat naman yata ng nasa lasalle dasma. hindi mo siya nakikita na hindi nakangiti, literal yan. ok, so reading the message was heart-breaking. may soft spot kase ako para sa mga taong namumuhay ng tuwid kahit nahihirapan sa ginagawa niya. isipin mo almost 5 years na kong graduate at iyon pa rin ang ginagawa niya sa buhay. umasenso na ko at lahat pero siya ganon pa rin, and yet still smiling. marami namang mas deserving na maging biktima ng isang freak accident. nandiyan yung mga snatcher, holdaper, magnanakaw at mga reckless driver. for more of ate baby read this.
24.2.08 the coca-cola paradox ang isang 12 oz na coke (355ml) ay 14 pesos na ngayon. yung coke sakto (200ml) naman ay 6 pesos. naisip ko, sino pa kaya ang bibili ng coke 12 oz kung ang dalawang sakto ay naghahalagang 12 pesos lang at mas marami pa ng 45ml?
between the lines 'pag pumupunta ng alabang town center hindi ako umuuwi ng hindi nakakadaan ng powerbooks. kanina nasa atc kami at bumili ako ng dalawang libro. neil gaiman's "stardust" and the first filipino "blook" (book from a blog) "kwentong tambay" by nicanor david na nanggaling sa kwentongtambay.com. may dalawang bagay nanaman akong isisingit sa hectic kong leisure time. gusto ko sana bilhin yung "warrior of light" kaso out of stock. kahit san na lang yata out of stock 'to. based on reviews at sa mga napapakinggan ko sa mga kakilala ko must buy daw 'to. tipong manual para sa buhay daw kase ang dating nung libro, saktong sakto para sa mga tulad kong nababaliw na at nasasawa sa ikot ng buhay. kaya ako nagbabasa ng libro ay para antukin at makatulog. pero minsan, lalo na 'pag exciting yung binabasa, mas lalo akong hindi nakakatulog ng maaga. inaabot pa ko ng 3am kahit may pasok ng 8am kinabukasan. last book na tinapos ko ay yung "eraserheads anthology", last month pa yata yun. ang ok sa eheads anthology ay collection siya ng mga essay. ibig sabihin pwedeng putol putol ang pagbasa mo ng hindi ka nabibitin. pwede rin na 'pag medyo boring yung part na binabasa mo ay mag-skip ka sa next contributor nung librong iyon.
22.2.08 leave dapat naka-landing na yung eroplano at dapat nagbabakasyon na ko ngayon. pero hindi. papasok ako sa office para magtrabaho. at magisa lang ako don. salamat sa screwed up schedule ko at nawasak ang mga plano ko sa buhay para sa feb. gusto ko sana magreklamo pero ano pa ba magagawa ko eh isa lamang akong peasant sa kumpanya, wala akong karapatan para magreklamo. 1st time in 13 years ko dapat makakalabas ulit ng bansa. at 1st time ko rin sana sa buong buhay ko mag-a-out-of-the-country at my own expense. sayang. na-excite pa naman ako kase feeling ko mag-a-ala "lonely planet" na ko sa loob ng tatlong araw. balak ko rin sana bisitahin yung mga kaibigan kong naka-base na ngayon sa hongkong. badtrip talaga. ang matutuloy na lang na aalis ay ang ate ko tsaka si erpats at ermats. bale naurong ng 1 week ang sked nila kaya sa friday na sila luluwas. papabili na lang ako ng pasalubong sa kanila bilang pampalubag-loob. gusto ko ng authentic haw flakes at shempre sandamakmak na "wong kar wai" movies. nasa ibabaw ng listahan ang "the chungking express" at "in the mood for love". plano ko pa rin magbakasyon pero malamang hindi na hk. dito na lang. sinabi ko na rin minsan na iikutin ko muna ang pilipinas bago ako magbabalak ng mas malayong lugar. sign na nga siguro yung pagka-cancel na tuparin ko raw yung sinabi ko dati. hopefully by april may panibagong plano na ko na matutupad.
20.2.08 the days are much too bright... we only come out at night. night shot ulit! wala pa ring oras para mag shoot sa ilalim ng araw. feeling ko para na kong isang batang atat maglaro sa labas kaso hindi tumitigil ang ulan. isa ito sa mga street sa aming mumunting barrio. medyo nage-eksperimento ako. bale kabilang kase yan sa mga sinasabing "haunted streets" sa lugar namin. curious ako, baka lang sakaling may magpakita. sa
18.2.08 aluminum feet bumili ako ng tripod kanina para sa mga camera ko. walang kaseng VR (vibration reduction) capability yung kit lens ng nikon kaya ang tendency kapag hand held ang camera at mabagal ang shutter speed ay magiging blurred ang litratong lalabas. kung may tripod kayang kaya kumuha ng mga shots na tulad ng nasa baba kahit na umabot pa ng 30" ang shutter speed mo.
17.2.08 sms (sa madaling salita) sa wakas, napanood ko na rin ang endo. ang daming delay na nangyari. una, pinalipas ko ang cinemalaya. nung nakahanap na ko ng panahon inurong naman ang opening date mula end ng jan papuntang feb 13. tapos nung 14 pinalipas ko ulit. hindi ko na ulit pinalipas kanina. inilaan ko ang buong araw kanina para panoorin ang endo. dalawang sinehan ang alam kong nagpapalabas pa rin nito, (1) sm southmall at (2) glorietta 4. glorietta 4 ako pumunta. technically mas malayo siya sa southmall pero mas madaling puntahan dahil 1 bus ride lang ang sasakyan ko at halos kasing presyo lang ng pamasahe papuntang southmall. so today... naglakbay nga ako mula cavite papuntang makati para lang manood ng pelikula magisa. initial reaction sa pelikula: wow, parang totoo! ang galeng kase pag pinanood mo to parang nanonood ka na rin ng buhay ng isa sa mga kakilala mo. thumbs up sa mga artista lalong lalo na kay ina feleo dahil sa matinding pagkakadeliver ng kanilang mga roles. reward ko kay ina ay crush ko na siya ngayon, hahaha. pero siryoso, sa ganitong mga pelikula mo maa-appreciate ang acting skills ng isang tao. alam mong laking aircon yung mga artista pero kayang kaya nilang mag portray ng character ng isang favorite scene ko yung "gate scene" sa bandang dulo. trenta yata kami sa loob ng sinehan, lahat kami hindi humihinga dahil sa mga dialogue na pinapakawalan. patagalin mo pa ng 30 mins yung eksenang yon baka mapaluha na ko. hahaha, keso. current favorite for 2008 so far. pag nag-release ng dvd bibili ako definitely. so sana maglabas sila. nga pala pagkalabas ko ng sinehan isang familiar face ang sumalubong sa kin, ang pangalan niya "jason abalos". for more of endo eto ang trailer niya. kulang pa rin? eto yung music video ng pelikula. ganitong klase ng pelikula ang dapat pinipilahan ng mga tao. kelan kaya mangyayari na ganon nga? ano bang meron ang mga filipino movies na nagpe-premiere pag december 25 na wala ito? obvious naman na mas may quality ang endo (or most, if not all, cinemalaya entries) kumpara sa karamihan ng mga pelikulang pinoy pag pasko.
14.2.08 happy hearts!
dub dubby dub dub isang taon na pala 'tong pic na 'to sa phone ko. feb last year, sa isang art fest nakita ko si sir lirio ng elemento na gagala gala sa venue. kumuha ako ng isang malinis na plastic cup at ibinuhos dun ang remainder ng beer ko para i-alay sa musical genius na nakita ko. after ng small talk at ng kampay nabanggit ni sir lirio na abangan ko daw ang "the good leaf" na tutugtog later that night. astig daw kase at in-import niya pa ito galing malabon. relaxing music. feb this year, ngayong gabi to be exact, nakikinig ako sa 99.5 rt. guest ang "the good leaf" sa brew rats show. after one year muli kong narinig yung mga pampa-relax na music nila. ngayon, namomroblema ko kung san ba ko makakakuha ng cd nila.
colossus of sardia dati sa tarlac at pampanga lang ako nakakakita ng mga dambuhalang poste ng kuryente. nakikita ko ang mga ito tuwing bumabiyahe kami papuntang maynila. sa baguio walang mga ganito, ang mga poste ng kuryente don ay yung old school na gawa pa sa troso ng puno. curious ako sa malalaking poste dahil kakaiba ang mga itsura nito. kwento nga ng mga magulang ko dati ay mga skeleton daw ito ng mga malalaking robot.
10.2.08 swapped nagtitipid ang office kaya bawal na ang over time pag weekends. para hindi mawalan ng tao sa opisina kapag sabado at linggo ni-require ang ilan sa min na mag off-set at i-swap ang isang weekday pasok sa isang araw sa weekend. isa ang tatao sa sabado at isa rin sa linggo. ako ang naatasan na pumasok pag sabado. "get some, lose some" situation. pabor para sa kin kase parang humaba ang weekend ko. pag normal schedule, ang bakasyon ko lang ay saturday and sunday. sa sked ko ngayon lumalabas na pwede kong i-enjoy ang sabado nights tapos meron pa kong sunday at monday rest. so ano pagkakaiba? parang wala pero malaki actually. iba kase ang friday night sa saturday night. pag friday umuuwi ng bahay ang mga tao, pag saturday lumalabas sila. ibig sabihin mas maraming pwedeng gawin pag sabado. isa pang dahilan kung bakit masarap pumasok pag weekend ay wala masyadong tao sa opisina. wala rin ang mga counterpart namin sa india at amerika. nasa bahay ang mga boss so mas konti ang pressure. mas madali mag-concentrate sa trabahong ginagawa. ang bad trip sa pagpapalit ng schedule ay nasira ang mga plano ko para sa buong buwan. balak ko kaseng sumama sa mga magulang ko at ate para magbakasyon. kasama sa bakasyon bibisitahin ko rin sana ang mga kaibigan kong matagal ko nang hindi nakikita. masama ang loob ko nung nagtext ako sa ate ko na wag na ko ikuha ng ticket, gusto ko kase talaga sumama. simula bukas or mamaya technically mararanasan ko na ulit kung ano ang feel ng buhay sa labas ng opisina kapag regular weekday.
it's the indian not the pana after a week ng pagkakabili ngayon ko lang nagamit yung camera ko under sunlight. lagi na lang kase ako gabi dumarating ng bahay. took several random shots... katulad na lang netong chimes na nakasabit sa isang steel beam sa front porch. ang home sweet home namin... extra pa ang kuya ko. bulaklak ng kapitbahay. bawal pitasin. ang kalangitan... sinubukan ko rin ang panning... need-more-practice. medyo hirap pa ko gamitin ang dSLR. sa ngayon A, S, at P modes pa lang kaya ko at hindi pa ko ganon kagaling. yung M hindi pa, "mahirap" yata ang ibig sabihin non. hindi ko pa rin gamay ang pag gamit ng kit lens. hopefully ma-master ko itong basic kit agad. pag ok na tsaka na ko mangangarap at bibili ng ibang lens.
8.2.08 2:26 AM bad trip na umaga. gusto ko na makatulog. kaya lang maingay. alam kong maganda yung kotse ng tatay mo. alam ko ring mahigit 50 thousand pesos na ang nailabas ng nanay mo para sa entertainment system ng nasabing sasakyan. pero hindi cool na ipagyabang ang "bad ass sound system" ng sasakyang ginastusan ng magulang mo sa ganitong oras ng umaga. tatlong kanto ang layo niyo sa bahay namin. pitong bahay yon. rinig na rinig ko pa rin ang mga pinapatugtog niyo ng mga tulad mong nangaangkin ng sasakyan ng magulang. trip ko ang "red hot chili peppers" pero sinisira niyo ang isang kanta nila ngayon.
3.2.08 still life picture ito ng bridal car nung isa kong close friend sa highschool at college. kinasal siya kahapon. isa nanamang event na nagpapaalala na tumatanda na nga ako. gamit ko hanggang kahapon ang ever reliable kong "olympus sp-510 uz". everytime na may kahit anong event kasama ko ang camera na ito. partner in crime kumbaga. kaso may magbabago. from now on iba na gagamitin kong camera. isang dSLR. nikon. d40. nakabili na ko kanina. yehey!
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |