isang taon na pala 'tong pic na 'to sa phone ko.

feb last year, sa isang art fest nakita ko si sir lirio ng
elemento na gagala gala sa venue. kumuha ako ng isang malinis na plastic cup at ibinuhos dun ang remainder ng beer ko para i-alay sa musical genius na nakita ko.
after ng small talk at ng kampay nabanggit ni sir lirio na abangan ko daw ang "the good leaf" na tutugtog later that night. astig daw kase at in-import niya pa ito galing malabon.
relaxing music.
feb this year, ngayong gabi to be exact, nakikinig ako sa 99.5 rt. guest ang "the good leaf" sa brew rats show. after one year muli kong narinig yung mga pampa-relax na music nila.
ngayon, namomroblema ko kung san ba ko makakakuha ng cd nila.