Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

31.3.08

we are reasons so unreal...

cancer cells. ang ginagawa nito unti unting pinapatay ang taong kinapitan nito. at pag namatay na yung host na kinapitan mamamatay na rin sila. hindi sila nakakalipat.

ngayon isipin mo ang gaia theory, na ang mundo ay isang malaking malaking living organism. lumalabas na ang tao, na pinakamalaking dahilan ng polusyon, ay naga-act as cancer cells nito. due to global warming unti unti nang nasisira ang sistema ng mundo na mahigit 500,000 na taon na hinubog ng panahon para maging ideal na tirahan ng mga nakatira dito ngayon.

so pag mamatay ang mundo masasama na rito ang pagkamatay ng cancer cells nito.

yan ang pagkakaintindi ko sa dokyu ni former us vice president al gore na ipinapanood sa kin ni erpats (an inconvenient truth). i suggest na lahat dapat mapanood ito para matakot. 100php lang ang vcd copy nito sa odessey.

parang mabagal na armageddon. climate change, super calamities, at bagong mga sakit. lahat lumalabas na ngayon.

pano magagamot ang global warming? 4 na paraan ang naisip ko.

1. turuan ang "bawat" tao na alagaan ang earth. parang imposible.

2. palamigin ang earth, hinaan ng konti ang init ng araw. imposible.

3. palamigin ang earth, ilayo ito ng konti sa araw. imposible.

4. magpasabog ng isang super volcano para masilungan ng usok at abo ang earth ng ilang taon. posible pero mapanganib, pangalawa ito sa pinakadelikadong sakuna sunod sa isang asteroid crash. kapag mangyari ito 50% ng hayop at halaman ang mae-extinct.

so... papano na yan?


Kuya Ace Ng Bayan at 11:48 PM



30.3.08

all we know is falling

ba't ganon? kung kelan ko naisipan bumili ng "paramore" wala nang binebenta sa tatlong bilihan ng cd sa sm dasma. meron palang available pero yung album na "riot" lang. eh ang mas trip ko yung luma kase mas marami akong gustong kanta don.

kuha na lang ako next time sa music one, mas kumpleto don. makakuha na rin ng "taken by cars" na matagal nang released pero hanggang ngayon hindi pa rin umaabot dito sa probinsya.

at para dun sa lalakeng ngingiti ngiti ng nakakaloko kanina, kung maligaw ka dito sa blog ko, gagu ka hahaha. "p" ang simula ng hinahanap ko kaya natural sa "p" ako maghahanap. hindi purke nahawakan ko yung "pussycatdolls" tinitingnan ko 'yon. shempre kelangan ko hawakan yon para makita ko kung ano yung nasa likod.


Kuya Ace Ng Bayan at 1:31 AM



28.3.08

underground

nananawa na ko ng konti sa opisina. nagkapatong patong ang mga problema. paikot ikot lang ang lahat at walang namang patutunguhan. para ka lang tuloy nagso-solve ng rubik's cube na walang ginagamit na method. mabubuo mo ang isang side pero pag sinimulan mo na yung kabila unti-unting masisira yung una mong ginawa. tapos quarter end pa ngayon kaya kung anong trabaho ang ginagawa namin sa normal na araw nata-times ten ang hirap.

kelangan ng icebreaker muna para sa isang linggong pagod hatid ng opisina. magpa-plug nga ko.

lately iniisa-isa ko ang videos ni moymoypalaboy at roadfill. parang tanga lang pero natatawa ako eh. reminds me of johan lipowitz (na nag-mime ng torn) in some way. kung minsan napapagaya pa ko sa facial expressions netong dalawa. ang kukulit ng choreography tapos matitiyaga pa silang mag-memorize ng lyrics. ultimo yung volare nakabisado.

naisip ko lang, kapag sumisikat na ang isang tao meron at merong lalabas na mga talangka (na nagsa-sourgrapping) at gagawa ng paraan para palabasin na hindi deserving ang taong ito sa kasikatang nae-enjoy niya sa kasalukuyan.

"tambay lang naman yan dati eh!"

"binabatuk-batukan lang namin yan dati eh."

"wala naman yang alam eh, ewan ko kung bakit sumikat."

"hindi naman magaling eh, mas magaling pa si _____"
(laging may alam na mas maganda o mas magaling)


Kuya Ace Ng Bayan at 6:33 AM



24.3.08

trans



ang jasper jean ang pinakamadaling paraan para sa kin kung pupunta ng edsa. pinaka murang pamasahe at ang garahe ay nasa tapat lang ng subdivision namin kaya siguradong may upuan pa.

malaking improvement ngayon dahil ni-phase out na nila yung old school buses nila na tirahan ng maliliit na ipis.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:44 AM



twister

pucha, exciting to! 2 unexpected things happened just now.

multitasking. habang nagba-blog ngayon nakikinig ako ng dalawang himpilan ng radyo. may halong suspense. nakakalito.

the only time na nagbubukas ako ng radyo is tuwing 9pm lang. hit 99.5. the br3w rats show. two reasons, ram0n baut!sta and director ra r!v3ra (kahit hindi talaga siya part ng show in one way or another lagi siyang napapasok sa usapan) na dalawa sa obvious influences ko sa kung ano mang mga bagay. sila rin paborito kong mga film makers as well. matatalino sila with a large dose of twisted humor.

today is the 1st day ng brew rats under campus radio. para sa mga hindi nakakaalam nabili na ng dating campus radio (ls fm, forever!) ang hit fm. this means na maraming pagbabago. una na-cut yung show, from 3 hours ginawang 2. less fun. pero hindi lang yun, ang masama ay ginawang 30 mins talk time, 1 hr and 30 mins of (really cheesy) music. B-O-R-I-N-G. isa pang pagbabago, no arv!n j!menez (tad0). tanungin na lang daw siya sa sando party bukas kung ano nangyari at wala siya. smells fishy. ang nasa show ay si direk ra pero iba pa rin.

unexpected thing number 1, sa ym conference ng mga brewsters may kinausap ako kase nikon d50 user daw siya. small world, cavite daw siya. small world pa ulit dahil la med daw siya nakatira, same subdivision kung san kami nakatira. ayan may kakilala na kong nikon user dito sa min.

unexpected thing number 2, habang nakikichat ako kay mr nikon d50 user biglang may nag ym sa kin na nasa 89.1 daw si dj ram0n. wtf? papano nangyari yon, may show siya sa campus tapos biglang guest siya sa confession sessions na pinangtatapat sa kanila. sa campus sinasabi ni ang3l r!vero na nasa cr lang daw si ramon. akala ko tuloy on the spot resignation dahil sa sobrang panget ng bagong format ng show. pero hindi pala. eto balik campus na ulit si monrock baon yung potpot horn na pang puto. dinekwat yata kay sl!ck r!ck.

ok 'tong episode na 'to ng brew rats, reminds me of the wwf-wcw/nwo era of scripted wrestling. kelan mo lang ba makikita ang ramon versus angel and ra? alam naman ng lahat na simula't simula pa lang, before pa yung dating daan invasion, sila sila na yung magkakasama.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:46 AM



21.3.08

day off



tuwing good friday lang itinatago o tinatakpan ng sapin ang mga imahe sa simbahan. kanina nakita ko kung san sila nakatambay. dun sa 2nd floor kung san pumepwesto yung choir.


Kuya Ace Ng Bayan at 5:40 AM



20.3.08

holy weekend



"last supper" starring father nico and the 12 apostles. ang pagiging present sa kainang yan ang naging sign para sa kin na holy week na nga. sobrang naging busy sa opisina eh, quarter end kase. hindi ako kasali dun sa mga apostles, pinakain lang ako dyan. taong simbahan kase mga magulang ko kaya kapag may mga event lagi kaming tine-text para dumaan saglit.

long weekend, plano ko sanang mag visita iglesia mula san pedro papuntang dasma. problema nga lang kapos yata ako sa gas money. sana mag visita iglesia rin sila erpats para aangkas ako. o kaya sana may gas yung vehicle ni ermats.

subukan ko rin gumising ng maaga para matingnan yung prusisyon na magsisimula ng alas kwatro ng umaga, eksaktong tatlong oras at anim na minuto mula ngayon.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:28 AM



19.3.08

bounce!!!

ako yung taong ayaw sa built-in flash, nabasa ko kase somewhere na hindi ganon kaganda ang effect ng direct flash. sobrang nasusunog daw yung tinatamaan ng ilaw at hindi natural ang dating ng ilaw. kaya ayun, instead of using flash tinotodo ko na lang sa ISO 1600. ang dami kong pictures na noisy (grainy ang old school term) tuloy.

sa mga picture picture ko simula last year ito lang yata ang set na gumamit ako ng flash all through out. sinunod ko naman ang sabi dun sa nabasa ko, use direct flash outdoors at kapag malapit ang subject. para sa kin ok naman ang output.

so pano pag indoors? sagot dyan ay speedlite, makikita sa entry ko before this. oo, gaya gaya puto maya ako dun sa magaling na hobbyist na pinagtanungan ko kaya nag sb600 ako. hehe.

last saturday 1st time ko sana ita-try ang bounce flash sa gig ng imago. nakabihis na ko at lahat pero nung magwi-withdraw ako ng pera lahat ng atm offline. hindi ako sure kung bdo (formerly epci) ang may problema dahil nagaayos sila ng system o inubos na ng mga tao ang mga laman ng mga atm dahil sale sa sm nung weekend. sayang. kesa sa magngangangawa ako dahil sa naudlot na lakad sa bahay na lang ako nag-experiment sa pag gamit ng flash. eto simpleng illustration.

ganito ang effect ng direct flash...



kapag bounced sa ceiling mas natural tingnan.



kapag ilaw mula sa bintana ang isa-simulate pwedeng sa pader i-bounce. ok rin.



Kuya Ace Ng Bayan at 5:55 AM



15.3.08

weapon of choice...

Lets...






Volt...






IN!!!
















sinunod ko yung advice nung serious hobbyist, in short nagpauto ako.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:03 AM



13.3.08

and just like the movies we play out our last scene...

latest addiction ko ay crunchy roll. turo lang 'to sa kin. hyper mag load kahit naka smart bro lang ako. 10x na mas ok kumpara sa youtube. sa youtube kase ang bagal, kung minsan yung 3 minute clip umaabot ng 7 or more minutes bago mo mapanood ng diretso. sa crunchy roll hayaan mo lang muna mag buffer (around 20-30 seconds) plus another 20 seconds tapos pwede mo nang mapanood ang 45 minute video nang walang interruption.

puro asian movies at tv shows nga lang ang nakikita ko sa crunchyroll. well, mahal ko naman ang mga asian film. naging flavor of the year na nga eh.

for 2008 iisa pa lang pinapanood kong pelikulang galing tate, "cloverfield". sa experience ko sa sinehan madami ang badtrip sa pelikulang yan. siguro ine-expect nila na generic jet-fighters-versus-aliens-kind-of-movie yon. sorry pero hindi, nakatuon ang pelikula sa survivors point of view. nabadtrip din yung mga nasa harapan ko sa ala "blairwitch" style ng camera. ewan ko pero para sa kin henyo yon, itsurang home video tapos may mga cgi at super effects. parang mahirap yon diba? imagine-in mo ang isang 80's mitsubishi gallant tapos kinabitan ng makina ng mustang gt-500, sa tingin ko parang ganon yon. teka bat naging hollywood ang topic? balik nga tayo sa crunchyroll.com.

una kong pinanood sa crunchyroll "homerun" (pao ba hai zi), nasa tuktok 'to ng listahan ng mga all time favorites ko eh. 2005 ko pa siya napanood sa channel 5. singaporean film ni jack neo yan. super rare. wala akong makitang dvd kahit san at ultimo yung poster ng pelikulang iyan hanapin mo sa internet wala kang makikitang matinong size. drama na tungkol sa unconditional love pero hindi siya romance. basta astig. superb din ang cinematography. 3rd best cinematography para sa kin, una ang "secret" (starring jay chou, written by jay chou, directed by jay chou and music by jay chou. 'lang hiyang jay chou yan lahat na lang siya) tapos 2nd ang "il mare" (original korean version ng "lake house"). yang tatlong nabanggit ko sa paragraph na ito ang napapanood ko pa lang, next time sana makagawa ako ng mga walang kwentang review sa mga mapapanood ko.

dto na lang muna, 'la nang patutunguhan 'tong post na 'to.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:08 AM



8.3.08

sunrise series



for an unknown reason nagising ako ng 5:30am kanina. mantika kaya ako pag weekend, usually 9 pataas na ko nagigising.

pumunta ako sa park ng subdivision namin dala yung basic kit ko. took around 15 shots of the same view na may 1 minute interval sa bawat isa. experiment lang. pansin na ang bawat picture ay iba sa isa't isa. pinakamaganda sa taste ko ang naka-post, bandang 6:34:06 AM ko iyan na-capture.

gusto ko ulitin itong experiment pero sunset naman. maganda sana kung sa manila bay.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:48 PM



7.3.08

tweaking

walang ma-post kaya picture picture na lang muna.

ate ko kumuha niyang before na litrato sa ibaba gamit si olympus ko. gagalawin natin siya sa photoshop.

BEFORE



isa sa paborito kong effect ang vignetting, ito yung parang nagfe-fade ng black yung edges nung picture. kaya rin to gawin ng mano-mano sa camera, pagpatungin mo lang ang dalawa o tatlong lens filter. bukod pa sa vignetting ni-saturate ko rin ang kulay ng picture para lalong tumingkad.

ang resulta... TADAN!!!! pang postcard na siya.

AFTER



ang daya no?

oo nga pala ingat ingat sa pag-edit ng picture na iba ang kumuha, last week may nagaaway sa nikon d40/x forum sa tpc dahil ni-post process nung isang member yung picture nung isa. nakaka-offend daw yon, kapareho lang daw yun ng gumawa ka ng obra maestrang drawing tapos kumuha ang ibang tao ng lapis at ni-retoke ang iginuhit mo. ewan ko, baka sensitive lang sila kase sa kin ok lang nung dinoktor yung mga kuha kong ito.


Kuya Ace Ng Bayan at 5:40 PM



6.3.08

breathe in for... luck again

tanong!

ano nga naman ba balak ko kapag sakaling napanalunan ko yung 108M na jackpot prize ng lotto?

wala.

hindi ko pa talaga naiisip.

siguro magtatayo na lang ako ng maraming dorm para hindi na ko maging corporate slave. parang ok yun eh, negosyo ng tamad. wala kang gagawin masyado, maniningil ka lang. kusang darating ang pera monthly tapos at the same time tumataas ang value nung property. ang importante lang naman sa dorm ay walang mga nabubuntis at walang mga nagpapakamatay. iwasan mo lang yung dalawang bagay na yon at aandar na nang mahusay ang dorm business mo.

isa pang pwede ko gawin pag naging mapera ako ay pumasok ulit sa school. sa mowelfund? pwede, pwede! o kaya sa upfi tapos titira ako sa kalayaan dorm (*sings* minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan). tapos nun spo-sponsoran ko na yung saving sally (official site is here) ni master animator avid para matapos na yung kauna-unahang animated indie film ng pinoy na hindi baduy tingnan ang graphics. matagal na rin naman nang nakatengga yung proyektong iyon, taon na yata.

ayan nangangarap na naman ako. makatulog nga muna, sa panaghinip ko na lang ito itutuloy.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:10 AM



5.3.08

breathe in for... luck



tumama ako sa lotto nung sunday! hahahaha! tatlong number ko ang lumabas. may prize pa rin kahit papaano, 20 pesos yata. pwedeng ipangtaya ulit next time.

kuya ko nagturo sa kin mag bet sa lotto. dati nakikipila lang ako sa kanya tapos one time sabi ko "ako rin nga, baka sakali" at ayun natuto na ko.

isang beses, college pa yata 'ko nun, nagpataya yung lola ko sa kin. hindi pa ko marunong nun. ang ginawa ko ay sa bawat isang set isang number lang ang nilinyahan ko. mali pala yon. pahiya tuloy ako sa kahera. aba malay ko ba, anim yung set tapos anim rin yung number na pipiliin eh.

tutal tayaan na rin lang ang pinaguusapan babanggitin ko na rin 'to.

first time ko lang kaninang lunch makakita ng tunay na kubrador ng jueteng. mabilis kase ako natapos kumain kaya tumambay muna ko sa gate nung karinderya habang hinihintay ko yung mga kaopisina ko. doon may isang mama na tumataya. sinilip ko pa ng konti yung papel nung ale. nakakapagtaka kung pano niya natatandaan yung mga tumataya eh puro number lang naman ang nakasulat tapos ang dami pa.

naalala ko agad kanina si gina pareno na main character ng kubrador. parehong pareho kase sila nung ale umasta. may dalang bag, may dalang payong, may ballpen tsaka papel na naka-fold ng length-wise.


Kuya Ace Ng Bayan at 5:23 AM



2.3.08

bruised and battered



lazy sunday. wala akong ginagawa maghapon, naka apat na ulit na yung cd na tumutugtog.

decided to bring my 14 year old nylon guitar to the guitar doctor. regalo sa kin 'to ni mama nung grade six ako. madami nang pinagdaanan yang gitarang yan. katunayan nga yung mga nanghihiram niyan dati sa kin tumutugtog na ngayon regularly sa mga sikat na venues like purple haze, saguijo at al's bar.

before mas preferred ko ang nylon guitar, ako kase yung taong hindi marunong gumamit ng pick (this flaw keeps me from playing electric guitar). masakit sa kamay ang steel since most of the time plucking ang ginagawa ko. 13 years after tsaka lang ako nagdecide bumili ng steel guitar, sa background ng picture makikita mo yung steel guitar ko.

classical music ang formal education ko sa gitara. instead of chords at tabs sa classical notes ang binabasa. parang piano rin wala lang F clef. sa ganitong education magiging familiar ka sa mga terms na allegro, allegretto, etc.

nung lumipat na kami ng laguna tsaka na ko nagaral ng conventional way of playing the guitar. self study. song hits at tabs ang inaaral nun kase wala pang internet. yun yung time na nasulit ko yung paggamit ng gitara. alam mo na highschool, lahat ng mga rakista nangangarap maging rockstar.

sa 14 years ilang beses na rin nabagsak, nasipa, at naumpog kung saan saan yung gitara ko. ito ang balak ko ipa-restore ngayon. o diba, parang foksvagen (volkswagon) beetle.

eto mga sakit ng gitara ko. meron siyang bali sa kanyang pelvic bone.



yung spinal cord niya may tama rin. kawawa naman.



hopefully next week, after i-confine yang gitara, maayos siya muli na parang bago. gusto ko mapapa-"holy sheep, you shine like a new penny!!!" ako. at pag nangyari nga to maga-upload ako ng vid na tinutugtog ko ang gitara para kunwari vlogger na rin ako hehe.


DITO ANG LUMANG BLOG