walang ma-post kaya picture picture na lang muna.
ate ko kumuha niyang before na litrato sa ibaba gamit si olympus ko. gagalawin natin siya sa photoshop.
BEFORE

isa sa paborito kong effect ang vignetting, ito yung parang nagfe-fade ng black yung edges nung picture. kaya rin to gawin ng mano-mano sa camera, pagpatungin mo lang ang dalawa o tatlong lens filter. bukod pa sa vignetting ni-saturate ko rin ang kulay ng picture para lalong tumingkad.
ang resulta... TADAN!!!! pang postcard na siya.
AFTER

ang daya no?
oo nga pala ingat ingat sa pag-edit ng picture na iba ang kumuha, last week may nagaaway sa nikon d40/x forum sa tpc dahil ni-post process nung isang member yung picture nung isa. nakaka-offend daw yon, kapareho lang daw yun ng gumawa ka ng obra maestrang drawing tapos kumuha ang ibang tao ng lapis at ni-retoke ang iginuhit mo. ewan ko, baka sensitive lang sila kase sa kin ok lang nung dinoktor yung mga kuha kong
ito.