Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
29.4.08 go shortie, go indie parang ang tagal kong nawala ah? hindi pa ko makapagaisip, post na lang muna ng goodies. isang 10 minute short film. bale napanood ko 'to mga 2 years ago pa sa "abc shorts". nagkatagpo ulit kami kahapon. tengks gad por yoo-choob! enjoy! aside from "carpool" napanood ko rin yung "clarice" (hindi ko alam yung title pero clarice ang pangalan nung main character) short film na gawa rin ni j3rr0ld tar0g (magpalit ka kase ng mas madaling pangalan para hindi ko nakakalimutan). pagkakaiba nung dalawa, bukod sa istorya, ay yung "clarice" naka-concentrate si direk sa editing at technical stuffs tapos 'tong "carpool" sa script at acting naman ng mga artista ibinuhos ang effort. pareho namang maganda at worth watching.
22.4.08 personal legends may tawag akong natanggap para sa isang job interview. hmmm. tempting. kaya lang metro manila, eh ayaw ko dun. isa akong true blue promdi, baka ma-culture shock lang ako pag napunta sa ibang lugar. kahit na hindi ideal job yung ginagalawan ko ngayon hindi ko basta basta maiiwan yon. for almost 3 years yan na bumubuhay sa kin, kahit papano naging comfort zone ko na rin. may mga panahon lang talaga minsan na parang gusto ko na umayaw. reasons? (1) sa lahat, as in lahat, ng kakilala kong umalis sa pinapasukan ko ngayon 99.9% ang nagsasabi na mas magaang daw ginagawa nila ngayon. parang less pressure, better pay. (2) hindi ko naman talaga forte ang ginagawa ko ngayon. main reason na tinanggap ko 3 years ago 'tong trabaho ay para maging regular employee. (3) nangangarap pa rin akong may mas maganda pang mga bagay para sa kin na hindi ko makikita kung hindi ko hahanapin. sa ngayon, regarding yung job interview na naghihintay lang, kelangan mag-evaluate muna ng husto... tapos try ko lang... wala namang masama... tsaka hindi ko malalaman kung okay o hindi hangga't hindi ko susubukan... kung para sa kin eh di para sa kin talaga, the universe will conspire.
19.4.08 sonicboom nyctinasty pictures na lang muna galing sa sonic boom kagabi, wala akong ma-post e. 1st time ko ma-try kumuha ng litrato sa gig gamit yung nikon gear. kapaan pa sa paggamit ng flash, hindi pala ganon ka simple. nakakuha naman ako ng ilang "ok" shots pero hindi pa ko masaya. isa pang napansin ko parating nasa 55mm ang focal length ko kaya ibig sabihin kelangan ko talaga nun 55-200mm vr na lens. faspitch nag-PP na ko ngayon at tama nga sila, mas madali mag-process ng underexposed kesa sa overexposed. nadidiliman pa rin ako. urbandub 1st time ko gamitin sa set na to yung "picture project" software na included sa d40 package. super dali siyang gamitin pero bitin ang enhancements 'di tulad sa photoshop. ewan ko, siguro kelangan ko lang kumuha pa ng mas better shots. more of this set here. ***edit: pinalitan ko mga pictures ng edited, napapangitan kase ako. grrrr. lesson learned too late. napaka-boring pala ng picture pag kinuha lang ng deretso. para magkaron ng konting "drama" ni-rotate ko ng konti yung mga pictures ng ilang degrees. para sa kin mas ok. next time na mag-shoot ako alam ko na. black and white photos here.
15.4.08 marlboro country showing pala ang "kadin" sa galleria mula april 9 hanggang kanina, hindi ko alam. sayang. kung maaga-aga ko nalaman. sure na wala na kong isa pang chance para mapanood 'to unless maglabas sila ng dvd. pero malakas kutob ko na hindi sila magre-release. basta hula ko lang na hindi. last cinemalaya "kadin" at "still life" ang gusto ko panoorin (gusto lang pero hindi natuloy). wala pa kong paki nun sa "endo" at "tribu". nadala ako sa cinematography eh, lalo na sa kadin. batanes ba naman ang setting. narinig ko sa radyo pure cinematography lang daw ang "kadin". hindi daw maganda ang acting at iba pang elements ng pelikula. anyway, hindi yun naging dahilan para mawala ang interes ko sa goat movie. sabi ko papanoorin ko pa rin 'to kung may chance. kaso walang nagsabi sa kin. bwiset. babay kambing. ang ganda ng batanes. gusto ko pumunta don. dapat mapanalunan ko yang round trip tickets for two na yan sa linggo para matupad ang pangarap ko... so help me God.
14.4.08 glass mid year bonus, yehey! konting ipon na lang pwede na ko makabili ng lens na nikkor 55mm-200mm na may VR o kaya na sigma 70-300mm. ramdam ko na kelangan ko ng telephoto lens, bitin kase sa zoom yung kit lens eh. at kapag meron na kong zoom lens pwede ko na i-snipe yung apat na kapitbahay naming magkakapatid na nag-pose para sa fhm. hehehe. more likely 55-200mm ang kunin ko. 'tong lens na 'to compensates well with the kit lens (18-55mm). kapag meron ka nung dalawa mako-cover mo na ang 18mm to 200mm range. no need na bumili pa nung 18mm-200mm na may kamahalan. kapag nag 55-200mm makakamura ka, halos three times cheaper kumpara sa 18-200mm. hassle lang sa ganito kelangan mo magpalit ng lens from time to time depende sa sitwasyon kaya mas prone na pasukin ng alikabok ang sensor ng kamera mo. pero kung tulad mo 'ko na hindi naman masyado mahilig sa mga wide angled shots at puro portraits and close ups ang trip kunan ng pictures ok na ok na ang 55-200mm para magsilbing primary lens. pwedeng wag mo na tanggalin yun hangga't hindi kinakailangan palitan. next project ko after ng telephoto ay prime lens naman. madali na lang 'to, mura lang naman kase kumpara sa ibang lens. feeling ko makakuha lang ako ng isang prime at isang telephoto kumpleto na ang kit ko. hindi ako kasing baliw nung bestfriend ko sa baguio nung grade 5 na umabot na ng 600,000php ang gastos sa kanyang canon gear. exage naman masyado yung ganon. naniniwala ako partly sa kasabihang "upgrade the skill not the gear" pero kung minsan talaga kelangan mo talaga ng mas maayos na camera na kayang tugunan ang mga pangangailangan mo. mas maganda siguro upgrade both skills and gear na lang.
13.4.08 updharma down i'm not into mall tours, band mall tours to be exact. rason? usually, ugly ang sound system. tapos bad crowd. nakakahakot ng mga blackman na naka full battle gear ang ganitong mga events kaya delikado. masasaktan ka lang tapos mas malala baka madukutan ka pa. kanina lang ulit ako nag-try manood. updharma down ang tutugtog. hindi naman type nung mga black man ang world/jazzy music kaya malamang wala sila dun. dinala ko na lang yung album na "fragmented" para magsilbing passes sa loob ng mga barricade. used my old ultra-zoom on this one since wala akong telephoto lens para sa nikon cam ko. isang bagay na natutunan ko, kapag ayaw mo ng background mag-black and white ka. helps a lot. started to shoot on the right side of the venue kaya lang sagabal yung mic kay armi, buti na lang hindi crowded kaya nakalipat ako sa kabilang side. masaya naman ako sa ilang mga shots, may konti din akong nakuha na blog-worthy i-post dito. more of this set here.
12.4.08 random last weeks inuman sessions saved me some money. ang masama lang ay hindi ako nakapunta sa ozinefest. dalawang araw yun, saturday at sunday, parehong absent. friday night kase nanlibre ang mga amerikanong boss, kinabukasan wasted ako. saturday night naman birthday ng dalawang kapitbahay, sunday morning wasted ulit. ok lang yan, minsan lang naman. naranasan ko nanaman tuloy yung hang over na malala, yung mapapa "arrghhh-sakit-ng-ulo-ko-pramis-hindi-na-ko-iinom-kahit-kelan!!!" ka. dyeta pa rin ako sa local tv shows. 8 months na. silbi lang ng tv ko pang nood ng dvd at vcd. hindi ko na nga alam mga palabas eh. baka wala na yung mga sinusubaybayan ko dati. nakakasulyap lang ako ng tv sa kwarto nila erpats. ok pala channel 9 ngayon, upgraded. parang cable channel na. nate-tempt tuloy ako bumili ng baron super antenna. nahu-hook ako sa multiply ngayon. ang sarap kase magkali-kalikot ng profile. kahit wala naman nagvi-view sa kin ayos ako ng ayos ng mga pictures at ng kung anu-ano don. naaaliw din ako sa pag-surf ng profile ng iba, gawaing loser daw yon according kay producer nung "good times". geek na yata ako, puro computer na lang ginagalaw ko ngayon. minsan sinasabi ko sa sarili ko "hoy eys tumayo tayo ka naman jan, may buhay pa sa labas ng internet!". gagawa daw ng adaptation ng "in the mood for love" (kung tama ang pagkakatanda ko) ang hollywood. si kevin costner yata ang lead. pupusta ako, hindi nila mapapantayan ang orig version. ang hirap kase, 60's hongkong ang setting tapos ipipilit nilang gawing merikanized yung dating eh ang layo naman ng oriental culture sa mundo nila. nasisira lang tuloy (e.g. "infernal affairs"). ganon na lang ba ang hollywood ngayon? kung hindi remake ng sariling pelikula, adaptation ng libro, kung hindi pa rin remake na lang ng asian movies ang papatulan. bumabagsak na ba ang mga kano? pelikula na lang nga ang pinakamalaking export nila ngayon tapos hindi na rin sila makapag-produce ng istoryang bago. sana naman, as in sana talaga matuloy ang planado ko ng lakad this saturday, sonic boom april. best sonic boom line-up na nakita ko so far excluding yung anniv nila last august. this months edition features "the jumping jacks", us based pinoy band na tutugtog sa summerslam 8. sana magbayad na yung mga dapat magbayad para may extra "dough" ako pang lakad. nagyayaya mag galera yung mga college buddies ko. suggestion ko sa june na para off season, o kaya sa mga hidden islands sa batangas na lang para hindi crowded. mas gusto daw nila galera ngayong may para maraming tao. watda? aanhin niyo ba ang mga tao? pasok na lang kayo sa mrt, maraming tao dun kung gusto niyo. magme-member ako sa video city. 15 pesos na lang ang rent. murang mura, yun nga lang hindi lahat ng gusto ko mapanood nandon sa koleksyon nila.
8.4.08 lucky strikes... sa wakas, kahit maliit na ilaw nakakita na ko ngayong 2008. akala ko apocalypse na eh. dalawang blessings ang dumating ng medyo late. late pero blessing pa rin. yung pharma project tsaka yung sta rosa comedy bar project. magiging masaya to. sana maaga-aga 'to dumating, baka sinubukan ko pa yung non-linear editing workshop na yun kung sakali. pero asa pa ko, wala akong oras. kung every week lang sana may dalawang pumapasok na ganitong project siguro matagal ko nang iniwan yung fifteen-thirty cycle na yan. isa pang some sort of blessing. kanina nag-YM yung isang kakilala ko from school. magkikita daw sila ng kanyang 1st cousin na si ate marie. offer niya sa kin, tatanungin daw niya itong pinsan niyang ito kung kelan merong shoot na malapit at kung pwede ba kaming dalawa maging spectator. papayag naman daw yun. hopefully. now let's keep our fingers crossed.
6.4.08 negosyete click image for larger view bagong discovery. kahit sino pwede na pala makagawa nung photo mosaic na katulad nung dun sa movie poster ng the truman show. ang kelangan mo lang ay madaming mga pictures, oras, at malaking memory ng computer para hindi ito mag-hang. kapag sa mga mall around 1500php ang benta ng mga ganito. kapag ikaw mismo ang gumawa it would cost you way, way less. ayos.
3.4.08 quick fix didn't take "PP"-ing pictures that seriously. feeling ko kase cheating yon. pero sabi ng mga master hindi daw talaga maiiwasan. kaya nga daw nagimbento ang lightroom. ayus, may natutunan ako sa araw na to.
2.4.08 a banner high and bright and a shield of green and white hala, patay na. running low on budget. virtually broke. nabobobo nanaman ako sa pagpapaikot ng pera. isang linggo nang hindi umuuwi kuya ko. nasa kanya pa naman yung inaasahan kong datung. sana umuwi yun. at sana naman hindi na ini-installment pa ang installment na. badtrip kase kung ine-expect mong ganito ang matatanggap mo tapos sasabihin biglang "sa sunod na bayad na lang yung kulang, ganito muna sa ngayon". nakakabitin. dami pa naman akong lakad ngayong linggong to. naka leave ako bukas. bibisita ako sa school kasama ang isang schoolmate. una sa hsc campus kung san ako nag-ojt after nun sa main campus naman kung saan ako talaga nag-aral. last time ko pumunta sa school feb 2007 pa. gabi nun tapos hanggang sa oval lang ako umabot kaya parang wala lang. bukas may luxury of time so makakapag ikot ikot kami sa loob ng hanggang gusto namin. emo nanaman ako bukas. madami nanaman akong maaalala eh. masasayang mga bagay, mga hindi masasayang mga bagay, at yung nasa pagitan ng masasaya at hindi masasayang mga bagay. madadalaw ko ulit yung dating mga tambayan namin na teritoryo na ng iba ngayon. maaalala ko nanaman mga college friends ko nito, mga taong kasama ko while i was having the time of my life. most of them drifted away slowly. iba iba na buhay namin eh, hindi na kami araw araw nagkikita tulad ng dati. karamihan sa kanila nasa abroad na, magisa na lang tuloy akong naiwan na magsasalba ng pilipinas, hehehe. nandiyan nga ang texting at instant messaging pero siyempre manipis na sinulid lang yun na kumokonekta senyo. iba pa rin yung dating samahan na hindi na muli mauulit. na kahit magkasama sama pa ulit kayo ngayon hindi na ganun yung feeling na tulad ng dati. nangyayari lang naman sa mga reunion na yan eh pagkukwentuhan niyo lang paulit ulit ang mga lumang kwentong pinagsasaluhan niyo na dati pa. naaalala ko one time habang nakikipagusap sa isang best friend, out of nowhere bigla kong sinabi "alam mo ba darating at darating ang panahon na hindi na tayo magiging kasing close ng tulad ngayon?". hinding hindi raw kasama pa ang isang violent reaction pero ganun na nga ngayon. nakakalungkot na lang isipin yung mga nangyayaring ganito. nami-miss ko na college life. kung may highlight sa buhay ko yun na yun. dun kase mas maraming kaibigan. dun kase ok lang magpakabida at maging bida paminsan minsan. dun kase mas maraming mapagkakatiwalaan. dun kase mas masaya. hindi ko lang siguro gusto ang kinatatayuan ko ngayon kaya naiisip ko yang ganyang mga bagay. 2:28am na, makikipag-eb pa ko kay saint john baptiste de la salle bukas. makatulog na.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |