![]() |
||||
Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver ![]() Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra ![]()
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
12.4.08 random last weeks inuman sessions saved me some money. ang masama lang ay hindi ako nakapunta sa ozinefest. dalawang araw yun, saturday at sunday, parehong absent. friday night kase nanlibre ang mga amerikanong boss, kinabukasan wasted ako. saturday night naman birthday ng dalawang kapitbahay, sunday morning wasted ulit. ok lang yan, minsan lang naman. naranasan ko nanaman tuloy yung hang over na malala, yung mapapa "arrghhh-sakit-ng-ulo-ko-pramis-hindi-na-ko-iinom-kahit-kelan!!!" ka. dyeta pa rin ako sa local tv shows. 8 months na. silbi lang ng tv ko pang nood ng dvd at vcd. hindi ko na nga alam mga palabas eh. baka wala na yung mga sinusubaybayan ko dati. nakakasulyap lang ako ng tv sa kwarto nila erpats. ok pala channel 9 ngayon, upgraded. parang cable channel na. nate-tempt tuloy ako bumili ng baron super antenna. nahu-hook ako sa multiply ngayon. ang sarap kase magkali-kalikot ng profile. kahit wala naman nagvi-view sa kin ayos ako ng ayos ng mga pictures at ng kung anu-ano don. naaaliw din ako sa pag-surf ng profile ng iba, gawaing loser daw yon according kay producer nung "good times". geek na yata ako, puro computer na lang ginagalaw ko ngayon. minsan sinasabi ko sa sarili ko "hoy eys tumayo tayo ka naman jan, may buhay pa sa labas ng internet!". gagawa daw ng adaptation ng "in the mood for love" (kung tama ang pagkakatanda ko) ang hollywood. si kevin costner yata ang lead. pupusta ako, hindi nila mapapantayan ang orig version. ang hirap kase, 60's hongkong ang setting tapos ipipilit nilang gawing merikanized yung dating eh ang layo naman ng oriental culture sa mundo nila. nasisira lang tuloy (e.g. "infernal affairs"). ganon na lang ba ang hollywood ngayon? kung hindi remake ng sariling pelikula, adaptation ng libro, kung hindi pa rin remake na lang ng asian movies ang papatulan. bumabagsak na ba ang mga kano? pelikula na lang nga ang pinakamalaking export nila ngayon tapos hindi na rin sila makapag-produce ng istoryang bago. sana naman, as in sana talaga matuloy ang planado ko ng lakad this saturday, sonic boom april. best sonic boom line-up na nakita ko so far excluding yung anniv nila last august. this months edition features "the jumping jacks", us based pinoy band na tutugtog sa summerslam 8. sana magbayad na yung mga dapat magbayad para may extra "dough" ako pang lakad. nagyayaya mag galera yung mga college buddies ko. suggestion ko sa june na para off season, o kaya sa mga hidden islands sa batangas na lang para hindi crowded. mas gusto daw nila galera ngayong may para maraming tao. watda? aanhin niyo ba ang mga tao? pasok na lang kayo sa mrt, maraming tao dun kung gusto niyo. magme-member ako sa video city. 15 pesos na lang ang rent. murang mura, yun nga lang hindi lahat ng gusto ko mapanood nandon sa koleksyon nila.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |