Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

29.5.08

post processing

meet henry allen. mukang hindi siya magiging masaya pag nakita niya yung original picture dahil ang kutis niya ay kasing kulay ng hipon. sobrang dilim pa. well, my fault. wrong iso speed and color settings. patawad naman, 1st time ko pa lang nun mag shoot ng gig ng hindi naka p&s.

dodoktorin ko na lang yung photos.

before (straight from the camera)



after (touched in adobe photoshop)



sa tulong ng adobe naging mas makatotohanan ang kulay ni henry. konting adjust dito, adjust doon at ayan ok na ang picture para sa panlasa ko.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:59 AM



28.5.08

disclaimer

ba't ba may mga taong magsasabi ng "eto walang malisya ha.." sabay dudugtungan ng tanong na may malisya naman talaga?

sheeeesh.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:37 AM



27.5.08

air time

nagiging paboritong lugar ko na sa bahay ang front porch. bakit? libre ang wifi, nasasagap namin sa katapat at katabi na bahay.

ngayon hindi ko na kelangan pumunta sa sm at mag burgerking kung kinakailangan ko mag log sa opisina. bano kase smart bro kaya hindi ako nakaka-log sa opisina dati. ayaw gumana ng laptop, may mga code-code pa yatang nalalaman bago pa makakonekta sa internet.

masaya. pwede na mag internet ng sabay sabay ang tatlong tao dito.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:34 AM



23.5.08

my current top 10 opm music videos

not in proper order so wag na lang pansinin yung numbers.


5. radio active sago project - astro (ra rivera)
why?: dahil isa siyang retro action film.

6. ang bandang shirley - sms; sa madaling salita (wowie hao)
why?: dahil maganda ang dance steps at ang pelikula.

10. huwag ka nang umiyak - sugarfree (quark henares)
why?: dahil dramatic.

8. moonstar88 - migraine (pancho esguerra)
why?: dahil parang lomo lc-a ang kuha.

9. urbandub - guillotine (pancho esguerra)
why?: dahil isa siyang modern action film.

3. rivermaya - atat (avid liongoren)
why?: dahil masaya ang speedy doodles.

4. itchyworms - beer (ra rivera)
why?: dahil spoof siya ng mga beer commercial.

7. urbandub - first of summer/endless a silent whisper (marie jamora)
why?: dahil gusto ko ang story line. parang starwars, may prequel.

1. mojofly - sa uulitin (ra rivera)
why?: dahil isa akong 80's baby.

2. itchyworms - buwan (marie jamora)
why?: dahil natuwa ako sa subtitle


Kuya Ace Ng Bayan at 12:12 PM



22.5.08

mummmbles

so dumadaldal daw ako sa tulog ngayon. napansin ko lang na everytime na parang totoo ang panaghinip ko dun ako nasasabihan na nagsasalita daw. wala akong clue sa kung ano ang mga sinasabi ko. kung masama ba o kung ano.

epekto na lang siguro yan ng neozep at bisolvon na gamot sa pabalik-balik kong sipon at ubo. basta kapag nakakainom ako ng gamot bago matulog deep sleep ang nararanasan ko, dun ako nananaghinip ng realistic ang feeling. kung minsan nagiging sobrang totoo, ultimo amoy ng mga bagay napapanaghinipan ko. weird.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:12 AM



21.5.08

mmmMMMmmm food...

gugutumin ko muna kayo.



2 sundays ago pumunta kami ni utol sa sta rosa para mag-photo shoot ng pagkain. isang kaibigan niya ang nangangailangan ng flyers para sa comedy bar niya so ako yung nirekumenda niya.



best part pa rin yung after shoot. favorite part ko 'pag nagpi-picture ng pagkain, lahat ng nakahain pwedeng kainin. libre.

as for the lay out humingi muna ako ng tulong sa isang kakilala. nagiging impatient ako sa designing skills ko eh, ang bagal ko matuto. collaborate na muna kami ngayon.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:21 AM



17.5.08

tagged

na-tag ako ni college friend judy (ultimate ym buddy and opm rock enthusiast daw. sige na nga, hehe). tutal wala pa naman akong mapost ngayon so patulan ko na 'to.

instructions:

- Each blogger starts with 10 random facts/habits about themselves.
- Bloggers that are tagged need to write on their own blog 10 random things about themselves and post these rules.
- At the end of your blog, you need to choose 10 people to get tagged and list their names.
- Don't forget to leave them a comment telling they're tagged, and to read your blog.



10 random facts about me:

1. mas maliit ang kaliwang mata ko kesa sa kanan.

2. hindi ako nagsusuot ng kahit anong borloloy sa katawan tulad ng hikaw, bracelet, singsing, kwintas, relo, at etc. parang nabibigatan kase ako.

3. mas takot ako sa palaka kesa sa ahas.

4. napanood ko na ang pelikulang "phenomenon" ng more or less 30 times pero hindi ko ito favorite.

5. mas trip ko ang pagkaing pang childrens party kesa sa pagkaing pang fiesta. para sa kin masarap ang chicken lollipop, barbique, spaghetti at ice cream kesa sa menudo, lechon, kaldereta o embotido.

6. nawiwili akong makinig sa mga talk show ng am radio.

7. grade 6 na ko natuto mag-bike.

8. mahilig ako sa rock music pero bihirang bihira ako makinig ng metal.

9. doraemon ang favorite kong cartoons.

10. may isa akong near death experience nung 4 or 5 years old ako. hanggang ngayon nasa left wrist ko pa rin yung peklat nung insidenteng iyon.

iibahin ko ang rules, hindi ako mamimili ng sampung ita-tag ko. tagged na lang yung kung sinong may gusto ma-tag.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:04 AM



15.5.08

drunken diaries (circa 2005)

october ang birthday ko. at dahil october naisipan namin mag-octoberfest ng sarili namin. weekly drinking sessions ang nangyari.


round 1

eys, neo, & jerome vs. tequila, vodka, & beer

23rd birthday ko. spent my birthday night at neo's place in dasma for the 5th straight year. sa pakikinig ng silverchair, a three-man band, naisipan namin na maging three-man band din kami. ako at yung dalawa kong kaibigang hindi naman humahawak ng kahit anong instrumento. bagong career, bigla biglaan. ika nga ni jerome "we're planting a seed".

kinabukasan nang matauhan, disbanded.

winner: tequila, vodka & beer



round 2

eys, neo, & jerome vs. jack daniels & red horse with vodka cruiser

a week after round 1. nang tamaan ng alak bumalik ulit ang usapan sa three-man band namin. ituloy daw, this time siryoso na. ang nangyari cam-whoring trip. pang-friendster daw ng banda namin yung mga pics. siryoso pa sa mga posing palibhasa mga laseng.

kinabukasan nang matauhan, disbanded.

winner: jack daniels & red horse with vodka cruiser



round 3

eys, neo, & jerome vs. red horse with vodka cruiser

a week after round 2. wala na yung three-man band na napag-usapan nung 1st two weeks. natapos ang musical career namin. mas mabuti pa daw na maglaro na lang daw kami ng magic cards kesa sa mangarap, at least may nangyayari.

kinabukasan, hindi nakapaglaro ng magic cards dahil sa hang over.

winner: red horse with vodka cruiser



standing: enemies-3, us-0


Kuya Ace Ng Bayan at 8:17 AM



13.5.08

trojan

bwisit na sipon, parang tatrangkasuhin pa ko. eto yung ayaw ko, yung pre-flu symptos na nararamdaman ko sa katawan. nakakawalang ganang kumain dahil mapait ang panlasa. pati lalamunan masakit, kanin na nga lang ang kinakain pero parang lumulunok ka ng mga batong maliliit. unang bukas ng bibig sa pagsubo ng pagkain medyo mahirap kase nangangawit na masakit ang panga mo. malabnaw ang sipon, parang pumapasok ang tubig dagat sa ilong ko parati.

nung naramdaman ko na ang mga yan kahapon uminom na ko agad ng gamot. biogesic plus decolgen, wa-epek. kaninang umaga kumupit ako ng anim na kalamansi sa condiments area para gumawa ng kalamansi juice. wa-epek. water therapy the whole day. wa epek.

"if-then-else", ano na? "else" says mapalit ng gamot, try ko nga mag-bioflu tonight.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:02 AM



12.5.08

in the name of retro



12:25 am. dapat natutulog na ko. pahamak na photoshop at na-hook ako ng ganito. same feeling siya ng pagkaka-adik sa family computer or playstation. sasabihin mo sa sarili mo "last na... last na..." pero nakaka ilang "last na" ka na hindi ka pa rin tumitigil.

anyways, wong kar wai inspired ako ngayon kaya naisip ko na gusto ko ng lomo camera. pero mahal yon, at hindi ako marunong ng film so photoshop galore na lang. kaya naman magawa yung "nostalgic" effect.

here's my take on lomo-look PP. ginamit ko yung mga tapon pics ko. isang rule daw sa lomography ay "break the rules".

so ayan, galing suvasa pa yang mga yan.


sa labas...


poetry reading...


sa labas ulit...


12:42 am, good morning and good night!


Kuya Ace Ng Bayan at 9:24 AM



10.5.08

stick figures

ganito ako nung bata ako. payat, matangkad, at maitim.



past is past na yun ngayon. eto na ko ngayon, mabigat at malaki na ang tiyan. sign of growing old, not growing up. good thing is wala pa namang wrinkles, after 15 years pa siguro lalabas yun. eto nga lang ang problema. recently may masamang nangyayari sa kin, nakakalbo na yung puyo ko. makintab na siya. nakakalbo na ba ko? shet, buhok na nga lang pwedeng baguhin sa itsura ko tapos mawawala pa.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:36 AM



7.5.08

cameo role

pucha, may batang tuwang tuwa dun o!!!



credit: sonicboomphilippines


Kuya Ace Ng Bayan at 4:43 PM



6.5.08

can i sail through the changing ocean tides?



now playing: landslide - the smashing pumpkins (a current favorite song)

eto yung gusto ko, yung rendition ni billy corgan. idol ko si billy corgan eh, pinaka paborito kong song writer of all time, tsaka blogger rin nung nagba-blog pa siya dati. in fact, if ever na magkakaron ako ng anak na lalaki papangalanan kong "william patrick" after him. FYI, yun talaga pangalan niya. kaya lang naging "billy" kase ginamit niya ang pangalan ng tatay niya, yung tunay na "billy corgan". reason nito ay para maitatak daw sa utak ng mga tao na ang pangalang "billy corgan" ay isang magaling na musician/artist at hindi drug addict at masamang father/husband figure na katauhan ng tatay niya.

balik tayo sa "landslide". marami yatang may paborito nito, basahin mo ang lyrics and you'll know why. dalawang beses na ngang ginamit 'to as closing song para sa "cold case". una sa kurt cobain fanatic episode, smashing pumpkins version ang ginamit. tapos dun sa isang episode original naman, yung fleetwood mac version. marami pang remake nyang kanta. sa foreign, meron ang dixie chicks pati si tori amos. sa local, 6cyclemind (not a fan pero acceptable naman para sa kin yung version nila), shempre si paolo santos na wala nang ginawa kung hindi mag-cover, at alam ko meron din si sofia.

on a sadder note nagkaron ng negative meaning sa kin yang kantang yan. palibhasa current fave kaya pinapaulit-ulit ko ng paulit-ulit. oo, ganon ka redundant. ang nangyari, habang background music yang landslide, yung pinaka pinagkakatiwalaan kong tao for the past 5 or 6 years tinalikuran ako dahil sa isang napakawalang kwentang bagay. sheesh. hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin.

pwede pala mangyari yun.

haay. eto ang ayaw ko makita sa lahat, yung nagbabago ang ugali ng mga tao tapos ikaw pa yung napapasama.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:26 AM



2.5.08

deep blue



the use of a CPL (circular polarizing lens) filter is to reduce unwanted reflections on non-metallic surfaces such as glass and/or water. isa pang gamit niya ay para ma-enhance ang pagka blue ng langit at tubig dagat at iyon ang dahilan kung bakit ako kumuha nito.



thursday, may 1, walang pasok. masusubukan ko sana gamitin sa sky blue na sky. nakaka isang shot pa lang ako nung dumating na yung clouds, tapos yung ulan. wrap up.

ngayon sana ulit, saturday, pero cloudy rin.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:24 PM



1.5.08

twenty

1. patay na si "pute", last week lang. yun yung kahuli-hulihan naming pusa na nagpapahawak. siya yung naging replacement pet cat nung namatay yung isa pa naming pusa na si "doggie".

2. nag backyard picnic ulit kami sa kapitbahay after almost a year. sinigang na baboy plus pritong galunggong plus ice cold coke zero equals busog.

3. "transatlanticism" pa rin ang lullaby song ko bago matulog. monotonous pero pleasant pa rin para sa pandinig. 1st time ko 'to narinig dati dun sa mar!e jam0ra short film nung studyante pa siya.

4. honestly, hindi ko pa rin nakikita yung "pa-burger ka naman" commercial. no big deal.

5. meron na kong kopya ng warrior of the light. bago pa ko makauwi ng bahay naka 45 pages na ko agad, halos kalahati. ngayon nasa page 51 na ko.

6. shook hands with a lot of people whom i look up to. tao rin lang talaga sila.

7. kelan ko lang napanood ang "hitch", somehow reminds me of that "how 2 lose" flick.

8. nagkaron ako ng chance na i-try yung sikat na "hongkong style noodles" pero hindi ko sinubukan. for some unknown reason bigla ko lang naisip na baka ma-diarrhea lang ako sa ganong pagkain. gusto ko pa rin ma-try yun isang beses.

9. nakahawak na ko nung "endings of a new kind" album. hindi ko binili dahil sa budget constraint.

10. naiinis ako sa mga nakikigamit ng mga expressions kong hindi naman alam ang origin, ewan ko.

11. bagay na bagay para sa summer ang reggae at ska. meron akong regular dosage ng jeepney joyride, sunflower day camp, indio-i, peace pipe at nung island riddims cd.

12. for more than a week or two malamig na tubig na ang pinapaligo ko.

13. watching cold case is not as exciting as it used to be. obvious na kase yung pattern... pero mas pipiliin ko pa rin ang cold case over csi or any other csi spin-offs.

14. kelangan ko magpa-check ng mata. hindi ko na ulit mabasa yung mga sign board na tanaw sa tindahan sa min. kelangan ko na na mas mataas na grado.

15. watched secret for the 4th or 5th time. a current favorite.

16. getting bored of friendster. hindi na siya kasing exciting nung dati. before ito yung pinakapupuntahan kong virtual tambayan. hindi na ngayon. and for the record, wala akong balak magbukas ng facebook.

17. humahanap pa rin ako ng panahon para sa isang maliit na summer vacation. ok na ang batangas, yung mga hidden islands dun na malayo sa sibilisasyon.

18. bumili ako ng remote para sa camera. ideal siya para sa bulb mode at mga self portraits. ang sarap sanang gamitin sa pyrolympics.

19. kahapon, dalawang magkaibang tao sa dalawang magkaibang okasyon ang nag-recommend sa kin na panoorin ko daw yung "the pursuit of happyness". happYness?

20. hindi talaga ako nasasarapan sa bk, bumbalik-balik lang ako dito dahil sa libreng wifi.


DITO ANG LUMANG BLOG