Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

30.6.08

try, try, try

it's just amazing kapag nagkakatotoo yung kasabihang "when it rains, it pours". hindi pera ang tinutukoy ko diyan... malayo. actually, i'm close to being broke again. thanks to the person na ang installment ini-installment pa.

anyways, generally masaya ang buhay.

masaya ako pag busy sa labas ng opisina. somehow nase-sense ko na umiikot ang mundo. kahit nakakapagod kaya pa rin ngumiti. yung pagod na yun ang sarap ihiga sa gabi thus resulting to a "good night sleep".

***

saw this popular indie/short film. na-weird-an ako nung unang beses ko pinanood. na-weird-an din ako the second time around pero naging acceptable naman. sakit ko kase sa pelikula, kapag may pinanood ako, kelangan ko pang ulitin kung minsan para ma-absorb ko. slow ako eh.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:42 AM



29.6.08

wala lang akong maisip na title

kakatawag lang ng barkada ko ngayon. magpapakasal na daw sila ng giep niya this july.

reaction: photo ops! haha.

***

halos july na. isang bagay ang assignment ko para sa aking college bestfriend na nasa states at august na ang deadline nito. gusto niya ng tattoo para sa birthday niya at dapat isang filipino word or phrase ang ibuburda niya sa katawan.

tattoo!?!

never saw this coming. nung college kase tuwang-tuwa na yun sa panonood ng spongebob at pagkain ng twister fries, ngayon may tattoo-tattoo na siyang nalalaman.

anyways, sige, magiisip pa rin ako ng phrase/word.

***

bumped into another college friend last week. kay edward na kapwa comsci student ko sa school. kasama niya si sydney, yung kapatid niyang parang siya lang na nilagyan ng wig.

2nd time ko lang siya makita eversince na pumasok siya sa us navy. based na siya ngayon sa bahrain at from time to time pinapadala daw siya sa iraq. lanya iraq yun, hostile grounds. hindi ko inakala na isang tropa ko ang lalaban ng giyera sa iraq.

wala daw siyang ginawa dun kung hindi tumakbo. tumakbo? eh kelan pa siya natuto nun? ang alam ko kahit kelan kayang kaya ko siya talunin sa takbuhan kahit mabagal ako. ako natatakot para sa kanya. sa imagination ko kase kung ano yung itsura nung "black hawk down" ganon ang nangyayari sa tunay na giyera.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:33 AM



26.6.08

busy bee

masaya. madami na ko ginagawa sa buhay. nakakapagod pero masaya. may feeling of satisfaction yung sakit ng katawan bago matulog.

***

two personal projects ang sinusubukan ko ngayon.

yung una halos simula na. nagtulong tulong kami ng ilang mga kabarkada na magtayo ng isang maliit na bar-slash-grill. saturday na ang opening. madami pang kelangan ayusin pero on track naman kami pagdating sa schedule. malaking pasasalamat namin kay konsehal na may ari nung inuupahan namin dahil ang dami niyang naitulong. mula sa papeles hanggang sa mga maliliit na improvements pagdating dun sa buong lugar. parang pareho yata ang concept niya para dun sa lugar at yung sinusubukan namin simulan kaya siya nagiging supportive.

yung isa kong plano. hmmmm. secret na lang muna

***

biglang nabuhay yata yung namimiligro kong social life. nakakausap ko na ulit yung ilan sa mga naging kaibigan ko dati. nagkakayayaan na ulit lumabas labas paminsan-minsan. hindi ako sure kung ano nangyari dati. may time kase na parang nag-drift away nalang lahat. dumarating lang siguro yung ganong mga panahon. basta ako i don't burn bridges.

***

next week sana naman matuloy ako sa mga shoot. kahit sa school lang ulit yun solve na. kasama ko yung isa kong college friend. practice kaming mga newbie dun. tingnan ko kung may improvements akong magagawa compared dun sa dati kong shoot magisa.

tapos may kasama pa siyang dalawang pwede maging model-model-an. uy, chicks hahahaha.

***

kuntento ko sa buhay ngayon. mabait talaga si Lord.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:25 AM



21.6.08

bored

buong hapon gumagawa ako ng bagong layout sana nitong blog. dapat red, black and white with a touch of gray ang gagawin ko. ended up na yung banner na lang ang binago ko, hindi ko kase makuha yung gusto ko. so bago nga yung banner pero mali naman yung pagka-green.


***

unproductive day. dapat sasama ako sa wawa dam photoshoot pero may pasok. at may bagyo. dapat papasok ako kanina pero hindi ako pumasok. dapat bibili ako ng pintura pero hindi ko rin nabili. yan ang nagagawa ng maulan na panahon. nakakatamad. ang sarap humilata sa higaan. sound trip. i need more of these.


***


nung college lima kami.
simula nung ikinasal yung isa hindi na siya sumama sa min.
apat na lang kami magkakasama mula 2005 hanggang 2008.
last may ipinadala naman ng kumpanyang pinagtatrabahuhan yung isa sa states para magtrabaho dun hanggang hindi ko alam kung kelan.
tapos yung isa naman na pangarap maging seaman makikipagsapalaran na sa saudi kaya umalis na rin.
down to two.
padating na ang july. magte-training naman itong isa sa abroad kaya lilipad na rin papaalis.

ako ang sole survivor.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:38 AM



18.6.08

kwatro

4th blog year starts today...
inantay ko pa talaga ang 12 midnight...
walang dapat i-celebrate...
the main reason kung bakit sinimulan ko ito ay hindi na reason ngayon...
nandito na lang 'to para idokumento ang naiisip ko...
that's all for now...
cheers...
more blog years to come...


Kuya Ace Ng Bayan at 8:52 AM



15.6.08

flower boy

got a new lens last week.
nikkor 55-200mm vr.
happy kid ako.

2nd hand yung kinuha ko. originally ibang used 55-200mm vr ang kukunin ko. yung dun sa taga qc dapat. buti na lang nalaman ko na 2nd owner na siya nung lens na yun. pinagpasa-pasahan na pala so delikado, lalo pa't wala nang warranty.

maswerte at nung araw rin na umayaw ako may nakita akong nagbebenta rin ng ganung lens. mas mahal ng 200 pesos pero almost brand new. 2 months old tapos once lang nagamit. 10 months store warranty pa kaya safe. 1500 pesos cheaper kumapara sa price ng tunay na brand new. sulit na yun. saktong sakto pa sa kin yung range niya dahil ang gusto ko talaga kunan street at portraits.

eto yung ilang test shots ko. puro flowers.







next project ko is 50mm prime lens at ilang close-up filters. kapag nakuha ko na yun kumpleto na ang dslr kit ko. ayoko nang mangarap nung mga mamahaling lens. saka na lang yun kapag yumaman na ko (crossed fingers).


Kuya Ace Ng Bayan at 8:45 AM



time capsule (parang may title na kong ganito dati?)

last week plan ay mag-sort at magligpit ng mga gamit dito sa bahay. nagkalat ang mga boxes sa paligid. inuwi na namin kase dito yung mga gamit namin galing sa dating bahay sa baguio.

unang nabuksang box puro pictures. so instead na makapagayos nag-remenisce na lang kami. isang treasure trove, mula pictures nila papa at mama from late 50's to the early 90's na kasama na kami.

ibang pictures na nakita ko fresh na fresh pa rin sa utak ko. kahit yung mga pictures na 4, 5 or 6 years old pa lang ako.

ang sarap tumingin ng tumingin at magbasa ng mga nakasulat sa likod ng pictures.

too bad ang daming na-damage na dun sa collection. may mga mase-save pa naman kaya nagbabalak din ako bumili ng scanner.

ewan ko kung ako lang pero feeling ko parang mas "personal" ang mga pictures dati kumpara sa pictures ngayon na kinukuha sa digicam at camera phones.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:00 AM



9.6.08

demo reel

so napanood ko na yung mga trailer ng cinemalaya entries for 2008. trailer-wise wala akong nakita na kasing interesting compared sa mga entries last year. siguro jina-judge ko lang yung movie by its trailer which is wrong. evil me.

ok, susubukan ko pa ring makanood sa july. kahit 3 entries lang ok na. "my fake american accent", "concerto", at "baby angelo" ang napili ko. and if budget and time permits then isasama ko na rin yung "jay" or yung "huling pasada".


Kuya Ace Ng Bayan at 5:41 AM



4.6.08

play

gahhhh!!!!
isa sa mga ayaw ko yung may makikigamit ng player ko...
tapos yung cd sa loob ipinapatong lang kung saan-saan...
kung minsan sa ibabaw mismo ng case...
ipapasok na lang sa lalagyan hindi pa gawin...
sheesh...


DITO ANG LUMANG BLOG