Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

31.7.08

photo-pictures

excited para sa 50mm f1.8 prime, ang final piece na kelangan ko.
1 week para maghintay.
itching, itching.

***

and for my final project...

clue: Leningrad Optical Mechanical Amalgamation also known as plastic fantastic.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:24 AM



26.7.08

concerto

para sa mga pupunta ng araneta galing edsa siryusohin niyo ng mabuti yung mga signboard. baka kase pag kanan niyo may kotong cops na nagaabang, mahingan pa kayo ng "pang merienda".



nanood kami nung banda na pang teen oriented tv shows slash movie flicks ang tunog.

kahit na parati ako sa gig 1st major concert ko pa lang 'to. 1st non-filipino na based sa us din.

medyo malas, 2 days ago nawala ko yung iGlasses (kunwari gawa apple) ko so nanood ako na malabo ang mata. weird, ang imagination ko na nakikita kong tumutugtog sa harapan si paul walker na alam ko namang malayong malayo ang itsura kay jason wade. out of focus ang paningin eh.

difference ng big concert sa small gig? marami. more expensive. less smoke. less pawis. at para sa kin less intimate, malayo ka kase sa action eh. hindi mo magawang lumapit sa stage, makipagsiksikan at tumayo ng naka tip-toe. kung nasa vip seats siguro pwede pero kelangan mo magbayad ng more or less 5k para lang magawa yun.

well enjoy pa rin naman, iba lang yung feel niya sa nakagawian ko.

isa pa pala. mas na-enjoy ko siguro 'to kung matagal ko nang alam yung mga kinanta. around 14 songs yung tinugtog tapos 3 lang ang familiar sa kin eh. yung iba mga 1st time ko lang narinig. nangangapa tuloy tenga ko.

ayways, good experience pa rin siya para sa kin.

nagdala pala ako ng camera. tip sa kin ang bawal lang daw ipasok sa venue ay professional cameras. nakasulat din sa malaking signboard sa entrance yun. kung pilosopo ako dapat lahat ng camera ko pasado kase kahit semi-pro nga wala ako eh. pero para sa mga guards hindi na nila iniintindi yun. basta sa kanila kung ang dala mo mas malaki kesa sa normal na easy cam bawal na yun sa loob, regardless of the specs. mas maipapasok mo pa nga ang sony cybershot na super ganda ipang-record ng video eh.

well, sumugal pa rin ako. dinala ko yung prosumer, baka palusutin. pero no luck. sabi nung gwardya i-deposit ko daw yun dun sa baggage counter boy na bading.

nalungkot tuloy ako.

meron lang akong 7 exposures tuloy. lahat sa labas ng venue.



Kuya Ace Ng Bayan at 10:10 AM



22.7.08

our legacy, 9 years and counting...

ang saya ng picture na to! sayang kulang ng isa.



this one's for the classic scrap book. para na kaming mga magkukumpare.
after ilang years titingnan namin ulit to at magtatawanan. baka nga maging out dated na yang frame ng salamin ko, ang baduy tingnan nun. haha.

it's been quite a while since we had memories together.
well, it's about time...

yung picture sa taas, yan ang samahang hinubog at pinatatag ng starcraft at counterstrike. o, sino ba nagsabi na masama ang computer games? yun yung something in common namin na naging pundasyon ng pagkakaibigan eh.

then it led to better things...

emo nanaman ako, kelangan ko yata ng fluvoxamine... haha, joke.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:41 AM



20.7.08

uyyyYYYyyy



a college buddy got married this morning.

pangalawa na 'to sa tinatawag naming "1st five". abay ako. "veil bearer" for the 2nd time.

yung occasion naging isang magandang photo op. 2 previous weddings na nag-picture picture ako si ever beloved olympus pa gamit ko. this time chance ko na para masubukan mag-laro ng flash at lights. coolness.

tried using a bounce card. macgyver style, DIY project to. bumili ako ng 4R size na photo paper, kumuha ng lastiko at kinabit sa speedlight ko using yung dull side nung papel as the reflector. yeps, mukha siyang basura pero the results were stunning.

i'll stick to this set up. pag may budget kukuha ako ng demb flash diffuser.



anyways, kasal-kasalan nanaman. this time around nagde-decide sila ibuhol yung knot dahil gusto at kaya na nila. hindi na rason yung nagpapakasal dahil buntis si babae ng hindi pinaplano.

hmmmmmmm. two down, three to go. sa aming tatlo sino mauuna? yung isang may 7 year relationship sa isa pa naming kaibigan? yung isang nasa states at malamang madali nang makakaipon ng pangkasal sa gf niya ng dalawang taon? o ako na busy sa pag-gawa ng improvised bounce card? BWAHAHAHAHA.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:46 AM



16.7.08

kawaii shoot

as promised, here are some sample pictures of kim... and a few details on last saturdays shoot.



ok, so the shoot was re-set the night before the day of shoot. in a previous entry nabanggit ko na nag-cancel ako. biglaan lang, tinanong ko si model kung kelan kami pwede mag-shoot. she said "how 'bout tomorrow?". sabi ko sige. ok lang since wala naman akong scheduled lakad for the day except maybe for cinemalaya day 2 na katabi lang nung venue.



meeting time was 10am. umalis ako ng cavite around 8:30am. meeting place ay sa isang coffee shop. actually maganda sana siyang hintayan talaga since tanaw dun yung manila bay pati yung mga nagda-dragon boat. kung hindi lang umaambon siguro nag-shoot ako ng konti dun.



11am natapos mag-make-up si model.
luckily natapos na rin ang ulan.
buti nakisama ang panahon at lumabas pa yung araw.

last saturdays shoot taught me a lot. buti na lang hindi masyado naging harsh yung comments ng mga tao sa photos na kuha ko.

well hesitant pa talaga ko i-post yung set kase wala kong available photoshop ngayon at lahat ng retouch ginawa ko lang sa fsresizer. ok din pala ang fsresizer.

more of this set here and here.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:45 AM



15.7.08

welcome to the circus...

everybody knows the one pinoy band that mattered.

being a child of the 90's, their songs definitely became the soundtrack of my youth. kaya nga ko natuto humawak ng gitara eh.

ok, so may one night only reunion show sila sa august 30. free concert, kelangan mo lang mapanalunan yung tickets or makapagpa-reserve ng maaga.

it is said that each member is receiving 10 million pesos para lang mag-perform ng isang 45 minute set. wow, ang sarap naman nun kung totoo nga.

syempre gusto ko pumunta.

una-unahan na lang sa tickets.

edit: exage daw yung 10M, realistic daw is 2M each


Kuya Ace Ng Bayan at 8:33 PM



12.7.08

she speaks through her eyes

ang lakas din naman ng loob ko. 1st model shoot ko binanatan ko agad model na nagpo-pose na para sa mga magazines. not my fault, idea niya naman talaga kaya kinagat ko na rin. plano ko talaga ay maki-saling ketket lang pag may photoshoot itong si model pero sabi niya gawa na lang kami ng sariling shoot namin. sige sabi ko. aba, chance na rin yun para makalapit sa magandang chix hahaha.

hindi na rin ako nagyaya ng ibang photographer, madamot ako eh.



meet kim. siya yung naging subject ko kanina sa 1st ever model shoot ko. took this stolen shot habang nagme-make-up siya.

concept namin ng shoot ay semi-japanese dapat. so from kolehiyala look kelangan siyang magtransform sa isang kawaii girl. wala akong alam na kahit ano sa make-up so pinaubaya ko na sa kanya. nanood na lang ako habang nagaayos siya.

kimono? check. japanese umbrella? check. classic peace sign pose? check. kulang lang talaga yung mala-imelda marcos hairstyle.

eto teaser kung ano naging itsura niya. magpo-post na lang ako ng marami pag ok na yung desktop at nakakapag photoshop na ko.



pinakita ko ang ilang raw pictures sa kaklase kong non-photographer. yun yung mga pictures akala kong maganda ang pagkakakuha. got mostly negative comments. worst was "parang walang dating".

nakakadismaya pero hindi ako nawawalan ng loob. nakakuha naman rin ako ng magagandang feedback galing sa mga katulad kong hobbyist.

i'll post the pictures soon.


Kuya Ace Ng Bayan at 12:56 AM



10.7.08

chances are...




good news!!! invited ako para mag-shoot ng this years cinemalaya opening night. wow.

problema ko na lang kung pano ako magha-halfday bukas... so help me God. kung hindi talaga pwede kahit yung free passes na lang. please.


Kuya Ace Ng Bayan at 2:53 AM



8.7.08

post number 182

gusto ko lang mag-blog. meron bang blog-worthy happenings sa kin ngayon?

well, actually may isa. there's this idea which came from the uncharted regions of the cosmos na ibinato sa kin ng isang kakilala kahapon.

surprise, surprise!!!

guards down, tumama yun sa pagitan ng dalawa kong mata.

reaction ko nung una "ha?!?".
tapos the idea started to consume me.
now i'm actually considering it.

hmmmmm.

1:09 am, time for z's.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:58 AM



5.7.08

got time!?!

since nasira yung desktop nagkaron na ko ng time para manood ng movies at mga series.

this afternoon i found myself sneaking into my fathers vcd collection. fortunately may mga interesting titles. so i've watch a couple at never kong na-feel dati na ganun pala ka-relaxing ang panonood ng pelikula at the comfort of my own room. kahit pa mainit.

hiniram ko rin sa ate ko yung buong series ng initial d. very seldom ako manood ng anime and surprisingly nae-enjoy ko 'to. una kong napanood yung motion picture ng initial d starring the super talented jay chou (lanya ka kinuha mo na lahat ng talent). nakakalibang naman since hindi conventional at predictable ang story line. so every night, pagkagaling sa bar na pinapatakbo namin, nanonood ako ng isa hanggang dalawang episode nito. as of now nasa act 10 pa lang ako. long, long way to go.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:01 AM



i ponder

the best feeling in the world...

is when you're doing what you love most...
giving all your heart out...
and people around you are appreciating it...
urging you to continue and go on..
no matter how hard or painful...
win or lose...
you'll still end up smiling...


Kuya Ace Ng Bayan at 9:37 AM



shoot!



schedule ng 1st ever model shoot ko sana ngayong araw na 'to pero ni-cancel ko. idi-discuss ko na lang 'to sa susunod pag matuloy na.

so imbis na harbour square pumunta na lang kami ng dalawang college schoolmate sa la salle para dun na lang mag-shoot. masayang shoot, mas gusto ko mga kuha ko ngayon kahit na mas konti yung shutter actuations na nagawa ko.

too bad sira si desktop kaya hindi ako makapag-edit ng pictures. haaaaaay. nakakainis.


Kuya Ace Ng Bayan at 3:47 AM



4.7.08

deads

haaaay, bumigay yung pc ko.

supetsa ko hardware ang may problema. pag virus sisisihin ko ulit mga tao dito sa bahay. sana wag naman processor o motherboard ang nasira, wala pa kong budget para sa pagpapalit ng ganyan.

sa ngayon nakikisagap lang ako ng wifi ng kapitbahay. sana ok lang sa kanila at wag magdadamot, iyak ako pag naging secured ang mga signal na nakukuha ko dito sa harap ng bahay.

ok na sana kung wala lang internet eh. at least magagawa ko pa rin yung mga dapat at gusto ko gawin. problema ko ngayon pano yung mga non-online activities na ginagawa ko. san ako maglalagay ng photos? mageedit? wala akong photoshop dito sa office laptop ko. haaay, may shoot pa naman kami bukas.


DITO ANG LUMANG BLOG