Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

30.8.08

lomography



1st roll developed and scanned. ordinary fujifilm proplus ii gamit ko. not bad at all.
might be sticking to ordinary film kase gusto ko naman ang output.

gusto ko pa rin i-try ang cross processed slide film one time.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:13 PM



28.8.08

our song plays on...

halata ba?
na ang lakas pa rin ng hang over ko ng sonic boom?
ano na 'to?
pang 4th consecutive sonicboom related post na?

dito ako kinilabutan ng husto. para sa kin 'to na yung ultimate "1st of summer" performance. gave me the same chills that i felt nung first time ko silang mapanood ng live sa school.

i've seen this song live for more than a dozen times and heard it on the radio for more than a thousand times. so what's new about it? may maliit na twist. binigay ni gab yung mic sa audience so we could sing our hearts out. isang malaking sing-a-long. naubos ng husto ang boses ko kakasigaw.

i'm a happy kid to be there and witness it.

ano nga ba sabi? "sonicboom is about making moments". eto yun!

warning: this video is an understatement, kung nandun ka you'll agree kapag sinabi ko na being there is ten folds compared to this clip.



urbandub is urbandub. people go crazy kapag sila na ang tumutugtog. only had one decent shot in their set. sobra kase sikip at ang gulo ng mga tao.



Kuya Ace Ng Bayan at 9:54 AM



27.8.08

cameo role: year 2

meron na kong ganito last year. at ngayon naulit nanaman.

ayunnnn ako o!!! hahaha.



ganyan pala karaming tao sa pwesto ko, hindi ko alam. kaya pala ang init. from time to time tuloy kinakailangan ko magtanggal ng salamin at punasan ito dahil nagiging foggy.

kung na-ozone disco pala kami yari ako.

at muntik ko nang pagkamalang si ria bautista yung nakahawak ng san mig light nung nakapwesto pa sila sa harapan ko.

credits:
sonicboomphilippines.multiply.com


Kuya Ace Ng Bayan at 9:12 AM



24.8.08

all under heaven

still blown away by the best sonicboom gig ever.



too bad na-miss ko lahat ng sets sa kabilang stage except for faspitch's. ayaw kong ipamigay yung balcony seats namin sa atchie's kaya hindi na ko naglagare sa dalawang venue.

tired eyes.
aching feet.
bleeding ears.

uulitin ko ulit ito kahit kelan, ang sarap eh!


Kuya Ace Ng Bayan at 9:30 AM



22.8.08

sonicboom anniversary



tomorrow is the day. after 1 year of waiting.

umayaw pa ko dun sa shoot nung dalawang model friends ko para makapag-reserve ng energy para sa magdamag. you see, last year 12 bands performed at natapos ng 4am. how much more ngayon with 16 bands sa line up.

calling yung naging ultimate repost kid jan, paramdam naman. baka makalibre kayo ng entrance, idamay niyo naman ako. hahaha.


Kuya Ace Ng Bayan at 4:55 AM



19.8.08

2nd model shoot

say hello to rhaine.



so, bawal na pala mag-shoot sa harbour square ngayon nang walang permit. sinita kami. pero yung grupo na nag-shoot a day before ok lang kahit na marami sila. diskriminasyon! diskriminasyon! closed ang office ng ccp last monday. holiday. nag-shoot na lang kami ng patago sa staircase... at kung san san pa na kunwari wala lang nangyayari.

hindi pa rin ako naniniwalang bawal na mag-shoot sa harbour square. gawin nila yun parang binawasan na rin nila ng 40 percent customers ang lahat ng mga tindahan dun.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:27 AM



15.8.08

colonialized

nakita ko while browsing my favorite music vid director's channel. naaliw ako haha.

this is a video of an american singing a filipino song about a pinoy with an ofw brother living in america.



Kuya Ace Ng Bayan at 10:59 PM



13.8.08

viv uw&s

dumating na yung lomo cam last monday. hindi ko pa rin nate-testing. gabi na ko dumating and testing it at night would just be a waste of time and film.

ang specs ng viv uw&s is fixed 22mm focal length, fixed 1/125 shutter speed at fixed f/11 aperture. it means pag walang enough light magiging underexposed lahat ng kuha mo.

this camera is for daylight shots.

isang pro nitong cam is maliit siya, magaang, super dali dalhin at hindi takaw mata sa mga snatcher dahil gawa siya sa pipitsuging plastic. ideal for street photog. hindi na ko matatakot maglabas ng dSLR nito kung gusto ko kumuha ng shots sa mga lugar na may mga potential na halang ang mga bituka.

on the other hand meron ding cons yung camera. isa na yung pagkayari niya ng cheapo plastic. parang ilang buwan lang masisira siya agad. i-imagine mo na lang yung plastic bottle ng yakult, parang ganun siya. so tatagal kaya 'to ng isang taon? sana naman.

image quality? we'll see once na ma-develop yung kukunin kong mga shots sa sat. pero based sa mga nakikita ko sa internet yung iba parang kuha ng SLR cams. so it's a wow. pero hindi yun ang habol ko, yung lomo effect pa rin shempre at depende yun sa film na gagamitin. cross processed slides and expired films would be the best according ulit sa mga nababasa ko.

speaking of films. wala akong slide film. meron ako isang pack ng fuji pro-plus ii (for professionals daw). ordinary film would show ordinary colors. tingnan na lang natin.

naging blessing in disguise pala ang ulan kanina napilitan kase akong pumunta ng robinsons. pumunta ako sa photoplus store, tumingin ng films kung may slide sila. wala. tiningnan ko yung mga cheap films nila, merong solid gold ang tatak. and guess what? expiry date is october 2008. edi namakyaw ako.

i'm not sure pero baka by january ok na siya pang lomo... or would it take a few years pa para maging ideal siya para sa lomography? hahahaha.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:29 AM



10.8.08

confessional



1 day rest lang ako this week dahil ot ako sa saturday. meron sana akong scheduled model shoot with that alchemy bar receptionist sa sunday. ngayon, lumabas 'to.

nalilito ako tuloy ako.

mag leave kaya ako sa thursday para mag-sine?

if ever, pangalawang pelikula ko 'to na sasadyain panoorin sa metro manila...

for the official site of the movie click here.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:05 AM



9.8.08

my gear is 99.99% complete

recap lang of what i have...

nikon d40
nikkor 18-55mm kit lens
nikkor 55-200mm standard zoom lens
nikkor 50mm f/1.8 prime lens
nikon sb600 flash gun
jjc remote trigger
generic tripod
1 extra en-el9 battery
1 gig sd card
2 gig sd card
sunpak 52mm uv filter
massa 52mm cpl filter
2 sets (8 pcs) rechargable aa batteries
lens wipe cloth

that is all i need.

no diffusers. no camera bags. i improvise.

you see, it's minimal. and budget conscious. anything non-nikon is less than 1000php.

minus the camera body, the sum of everything else is cheaper than that single lens that everybody else is splurging into.

hindi ko kelangan ng mga accessories na hindi naman talaga neccessity para sa mga baguhan na tulad ko. be practical.

so much for the gear, oras na para i-upgrade naman ang skill.

care to shoot anyone?


Kuya Ace Ng Bayan at 3:41 AM



8.8.08

lets go lomo

1st time ko mag shopping online kahapon. nakakakaba. risky kase yung ginawa ko, nagbigay ako ng pera sa seller ng hindi sigurado kung itatakbo niya ang pera ko o hindi. pero marami naman nang bumili sa kanya so medyo kampante ako.

bumili ako ng poor man's lomo. yung pinaka murang lomo cam. isang vivi or viv (vivitar ultra wide and slim). before litong lito ako kung yung more expensive na holga ba or yung diana ang kukunin ko buti na lang nakita ko tong set na ito at ito. pwede nang substitute dun sa ultimate lomo dream ko na 27,000 peso horizon perfekt. good buy na to, mas tipid pa nga ang viv kesa sa holga or diana na gumagamit nung mas mahal na format ng film.

baka bukas, sunday or monday ang dating nung unit ko. yey! problema ko na lang film. tumingin tingin ako sa sm kanina at puro ordinary rolls lang ang meron dun. sa ngayon wala pa kong alam bilihan niyang "Kodak Elitechrome" at "Fuji Velvia" bukod sa mga online stores. badtrip lang sa online stores kelangan bulk orders ang kukunin, bawal yung tingi tingi. may minimum count na kelangan. kung online lang talaga ang pinaka madaling pag bilihan (super dali lalo na pag may g-cash, parang nagpapasa load ka lang) wala akong magagawa, dun na lang talaga. kung kukuha ako, benta ko na lang siguro sa iba yung sobrang film na hindi ko na magagamit.

may kutob pala ako. pag mahawakan ko na yung cam baka gumana nanaman yung mababang EQ ko. maaatat ako at baka kumuha muna ko ng ordinary film para mag test shots... o ayan isa kong weakness, bunyag na. mababa ang EQ ko, kakainin ko agad yung marshmallow napinapain ng mga psychologist.


Kuya Ace Ng Bayan at 12:21 PM



080808

career high in sales yung maliit naming pwesto. expected naman dahil medyo different 'tong araw na to. "grand opening" daw kase, yung dati soft launching lang daw. sus, nagisip lang ng event na itatapat sa 888 para swertehin eh. sana maswerte nga.

puno ang mga upuan ngayon, around 60-75 persons ang nagkalat sa venue. surprisingly nandun yung iba kong mga schoolmates na 3 or 4 years ko nang hindi nakikita. lasalyano pa rin sila ngayon. over staying in school.

so merong acoustic band na nag-perform. tumugtog yung banda ng tatlong set from 8pm to 12mn, naki-jam pa yung dalawa naming kabarkada na may ibubuga pagdating sa kantahan. yung isa sinwerte, kinausap siya nung banda kung gusto niyang mag-vocals kase magaling nga daw siya. hayup sa good fortune.

after nung tugtugan nangyari na yung ayaw ko mangyari. puno yung venue ng mga taong lango sa impluwensya ng alak. ang kukulet pala talaga ng mga lasing. yung isa nawili sa pakikipagkwentuhan, nakita lang ako naghuhugas ng pinggan nilapitan na ko at kinwentuhan ng buhay niya sa burger king dati nung tagahugas din siya. at ang bawat bagay na hinuhugasan ko, pag nakikita niya, may kwento tungkol dun. mapa kaldero, kawali, kaserola, kawa, o kutsilyo pa yun.

aha! nililibang lang pala ako. gusto palang humirit discount. tsk tsk tsk. at hindi lang yun. nakitawag at nakigamit pa sa telepono ko. hindi pa nakuntento humingi pa ng pamasahe pauwi. hay, mga tao nga naman talaga oo.

2:45 am, parang hyper pa rin ako. kakauwi ko lang kahit marami pang customer. iniwan ko na sila sa bar dahil pinaalis nila ko ng maaga. bahala na sila maglinis dun, basta ako sisibat na. nautusan pa kong i-convoy papauwi yung sandamukal na mga drunk drivers. road trip pa ko ng de oras.

plastado na ko. bukas malamang ganito ulit. sana naman hindi nila ko iniwanan sa bar ng trabaho para bukas. kayang kaya naman na nila yun.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:36 AM



5.8.08

prime

andito na siya!!! newest toy, nikkor 50mm f/1.8D lens.
eto testing. parang naging product shot.



bokeh (blurred background) is creammmmmy... yum yum.


18 days before the sonicboom 2nd anniversary...
18 days para mag-practice ng manual focus...


Kuya Ace Ng Bayan at 6:10 AM



3.8.08

ang sarap ng ulan...

ilabas na ang mga champorado.









ang sarap matulog nang nakatalukbong.


DITO ANG LUMANG BLOG