![]() |
||||
Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver ![]() Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra ![]()
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
8.8.08 080808 career high in sales yung maliit naming pwesto. expected naman dahil medyo different 'tong araw na to. "grand opening" daw kase, yung dati soft launching lang daw. sus, nagisip lang ng event na itatapat sa 888 para swertehin eh. sana maswerte nga. puno ang mga upuan ngayon, around 60-75 persons ang nagkalat sa venue. surprisingly nandun yung iba kong mga schoolmates na 3 or 4 years ko nang hindi nakikita. lasalyano pa rin sila ngayon. over staying in school. so merong acoustic band na nag-perform. tumugtog yung banda ng tatlong set from 8pm to 12mn, naki-jam pa yung dalawa naming kabarkada na may ibubuga pagdating sa kantahan. yung isa sinwerte, kinausap siya nung banda kung gusto niyang mag-vocals kase magaling nga daw siya. hayup sa good fortune. after nung tugtugan nangyari na yung ayaw ko mangyari. puno yung venue ng mga taong lango sa impluwensya ng alak. ang kukulet pala talaga ng mga lasing. yung isa nawili sa pakikipagkwentuhan, nakita lang ako naghuhugas ng pinggan nilapitan na ko at kinwentuhan ng buhay niya sa burger king dati nung tagahugas din siya. at ang bawat bagay na hinuhugasan ko, pag nakikita niya, may kwento tungkol dun. mapa kaldero, kawali, kaserola, kawa, o kutsilyo pa yun. aha! nililibang lang pala ako. gusto palang humirit discount. tsk tsk tsk. at hindi lang yun. nakitawag at nakigamit pa sa telepono ko. hindi pa nakuntento humingi pa ng pamasahe pauwi. hay, mga tao nga naman talaga oo. 2:45 am, parang hyper pa rin ako. kakauwi ko lang kahit marami pang customer. iniwan ko na sila sa bar dahil pinaalis nila ko ng maaga. bahala na sila maglinis dun, basta ako sisibat na. nautusan pa kong i-convoy papauwi yung sandamukal na mga drunk drivers. road trip pa ko ng de oras. plastado na ko. bukas malamang ganito ulit. sana naman hindi nila ko iniwanan sa bar ng trabaho para bukas. kayang kaya naman na nila yun.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |