Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

29.9.08

me hearts ashley now

tama na yung alodia madness na kinalolokohan namin ng ilan kong mga kaibigan. lipat naman tayo dun sa kapatid niya who, just like her celebrity cosplay sister, is also a very pretty model.

ash has her own rendition of the song "tala" which is originally by paramita. stumbled upon it sa multiply tapos ni-search ko sa imeem. simple acoustic cover lang to but she nailed it. this is a tamer version kumpara dun sa original, mas matapang kase ang boses ni ria bautista at may drums pang kasama.

basta, itong version na 'to, ang galing. parang pro ang pagkaka-cover.




tiningnan ko yung devart profile ni ash, she likes opm. reprezent.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:45 PM



28.9.08

birthday



1st time ko na mag-cover ng children's party. na-invite ako ng isang kasama dun sa photocavite group to cover his son's 1st birthday celebration. ayos. gusto ko ng mga pagkain sa childrens party, mas masarap pa kesa sa pagkaing piyesta.



shooting events is a bit difficult kumpara sa landscape at model. lahat kase biglaan. kelangan prepared lagi sa kung ano ang pwede mangyari. wala kang time para ipa-pose ang mga tao.

focus.

kelangan talaga sa ganito ang matinding anticipation or you might just lose the perfect moment.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:10 AM



26.9.08

here's to being lost and found

i've attended countless gigs pero hanggang ngayon hindi ko pa rin napapanood ng live ang sugarfree. still itching for that first and i hope it would be something extra special like rockestra.

hindi ko trip yung kantang "hari ng sablay". siguro dahil na rin lang sa pag overplay nito sa mga istasyon ng radyo na hindi mga kagaya ko ang tina-target na audience.

kung pa-cool ako gaya ng iba siguro inayawan ko na ang sugarfree dahil dun. pero hindi ako ganun ka babaw. i wouldn't let just one song ruin my view on a band that has been consecutively releasing tons of good products.

well nung una, para sa kin, yang sugarfree ay isa lang sa mga average bands na naiwan after nung eheads break up. nagustuhan ko yung "burnout" at "mariposa" which both came from "sa wakas" but i never took the time to look deeper into the band and its other songs.

a few years later lumabas yung "dramachine". that was the same period when i realized that this band was way, way beyond being an average combo. eventually i became a heavy listener. nakakamangha ang pagka-genius ni ebe sa pagsusulat, gusto ko na maging katulad niya. i never thought that simple and honest words could pierce me THAT way. sabi nga nila simplicity kills. gustong gusto ko yung mga kanta, it felt like they were songs engineered and custom made for me. i mean, almost all of them songs parang mga experiences ko sa buhay. kahit nga yung kinaaayawan kong "hari ng sablay" akong ako.

2 years ago lumabas yung "tala-arawan", yan yung latest... and their greatest, well at least for me. it was even made simplier than the previous release. walang gadget-gadget na ginamit sa gitara gaya ng "dramachine". kung ano ang tunog na lalabas sa amp nila yun na. good thing about this album is walang decline pagdating sa song quality hence it was even intensified a couple of notches up. ebe was consistent in writing superb honest songs. and again they were like songs about me, or songs about "us" true blue average pinoys. plain simple magic, yung thoughts na mahirap i-explain naipaliwanag niya ng husto using the simpliest words and friendliest melodies. the whole album itself is a recollection of thoughts making it very intimate for the listeners. parang diary na nakakarelate kang basahin. saktong sakto pa nga yung title, "tala-arawan".

of all their albums "tala-arawan" is my favorite. i have my own copy for more than a year already and up until now i can still put it in the player and set it on infinite repeat.

sugarfree has this effective formula, all they do is they keep their songs simple and clean so everyone can feel what they're trying to say. they didn't even bother writing it in english. parang weird pa nga pag naririnig ko yung iilang mga kanta nilang ingles.

i think that's it for this entry.


Kuya Ace Ng Bayan at 12:24 AM



24.9.08

i flunked at highschool

spot the difference.

eto yung final grades ko nung junior year ko sa grade school:



religion 86
reading and phonics 87
language and spelling 86
mathematics 87
science and health 87
pilipino 88
hekasi 88
pehm 88
epp (home economics) 89

average 86.8

***

eto yung grades ko nung 1st quarter ng 1st year highschool



christian living 80
english 79
filipino 77
mathematics 82
science & technology 77
araling panlipunan 76
t.h.e. 82
pehm 82

average 79.4


yan ang nangyayari kapag merong "major culture shock". more on this later... or not.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:09 AM



23.9.08

circa 1995: reason to beleive

may naging basketball career din ako dati kahit papaano, tingnan niyo.



long, long ago, in a galaxy far, far away nakasama ako sa basketball team ng school namin para lumaban sa mga pambato ng ibang eskwelahan sa bansa natin. small basketeers philippines yung ligang iyon. and in a nationwide scale malayo rin ang naabot namin, we won each of our games in the northern luzon division.

during the luzon leg natalo namin yung liseo de cabuyao. pagkatapos nun nilampaso kami ng don bosco pampanga which eventually became luzon champions that year.

sa totoo lang parang saling ketket ako sa team na yan, for the whole season nakapag-contribute ako ng a total of 6 points. kung ten games yun wala pa sa 1 point per game ang average ko. oha!

pero eto, kahit pang bano ang stats ko isa pa rin yang experience na yan sa highest highs ng buhay ko. this was one of the few times kung saan nagawa ko yung gusto gawin at abutin kahit na subok lang. bihira yung ganon, pramis. sa totoo lang, feeling ko, madalas isa akong free soul confined by society in a box. yung tipong may gagawin ka pa lang or may susubukan ka pa lang isang damukal na discouragement na ang matatanggap mo. wala pang nangyayari sasabihin agad sa iyo na "hindi yan para sa yo, hanggang dito ka lang". bulkrap.

anyways, thankful pa rin ako kay coach namin for making things possible and teaching us a thing or two about giving chances, yun yun eh! san na kaya yun?


Kuya Ace Ng Bayan at 9:32 AM



22.9.08

nothing beats...

a happy videoke night with a few rounds of liquor and lots of food.

started the night with cool and up to date songs. then not so recent songs. next yung outdated songs but were cool at least with in the last 5 years. at natapos sa ballads.

iisa lang yung mic kaya medyo nagkakaswapangan pa nung una. then the group decided to do it "k! the 1 million peso videoke challenge" style. input ng kantang pamilyar sa lahat tapos pasahan ng mikropono, sa ganong paraan walang lugi. nakakatuwa pa. lalo na nung sa "alapaap", tagiisa kaming "gusto mo pa ba?" sa coda at nung natapos na sa "sumama?" nag-standing ovation kaming anim sa sobrang galak.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:24 AM



21.9.08

gone japanese

flavor of the week: japanese

gusto ko yung culture nila, napaka diverse and extreme. yung mga probinsya nila mukhang pang 1900's pa rin tapos yung mga cities nila sobrang futuristic at out of this world ang porma ng mga tao (tokyo drift).

^_____^


ang daming pwedeng paglibangan sa kanila.

techy tv magazine shows. anime. manga. j-rock. documentaries (channel 13!). cars. CRAZY TV GAME SHOWS. extreme pranks. cosplay (hehe). robots. food. video games. history.

errr, life style.

interesting. hehe.

and check out how they package their sweets, ang daming balot na papel.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:34 AM



20.9.08

photoshop



yung hiatus ko sa paglabas at pagshoot nakatulong ng husto when it comes to post processing. the past month naging isang malaking adobe photoshop self study at bootleg training.

and one thing i want to share. don't throw away your backlog/tapon pictures. madaming gamit yan, kumbaga scratch paper na pwedeng pag-practice-an. at kung minsan masu-surprise ka na lang na ang iba mong kuha dati ay actually good pictures. yun lang.

happy shooting kids.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:02 AM



18.9.08

hobby

perfect ang viv uw&s para sa sky.



usually pag nakatutok ako sa langit magandang vignette ang lumalabas.

***

1st shoot namin nung cavite group sa 1st weekend ng october, model shoot. either sa island cove or dito lang sa subdivision namin.

mukang masaya. sana naman.

gagamitin ko yung viv para sa "behind the scenes" na pictures.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:16 AM



17.9.08

inside the mind of a killer

death note creators thank the two gosiengfiao sisters and their friends. because of them i'm now a fan of your art.

if you're familiar with doraemons "diary ng hinaharap", ganun din yung death note difference lang is in the ending somebody has to die. anyhoo, enough of the spoilers... and who cares about spoilers, malamang huli nanaman na ko na nakagusto nito eh.

ok, off to death note movies number 2 and number 3 tapos tutulog na ko.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:41 AM



14.9.08

group hug

starting this october more weekends will be spent with these people.


wala ako sa picture, ako yung kumuha eh


actually first time naming lahat na-meet ang bawat isa kanina.

last monday kase napagisip-isip ko na nabo-bored ako pagdating sa buhay photography. na parang nagspe-spend ako ng mas maraming time sa pagba-browse ng pictures ng ibang tao kesa sa pagshoot ng sarili ko.

ayun, nag-send ako ng distress signal sa world wide web na kung mero bang mga kabitenyong lonely rin ang kanilang buhay photography at pwedeng makasama mag-shoot paminsan-minsan. and after a few minutes messages came flooding in my multiply inbox. you'll be surprised minsan kung gano ka-powerful ang internet. napansin ko na rin yun dati eh, na lahat ng bagay kayang hanapin sa net basta alam mo lang kung san ka maghahalungkat.

we decided to meet kaninang umaga.

so i got more than what i expected at ang naging resulta ay ang grupong ito with more than 20 members and counting. yey!

***

and i have two discoveries this weekend.

(1) jeff buckley songs are so relaxing. maghahanap ako ng cd niya, sana meron sa music1.
(2) "infernal affairs" is my current favorite movie. wala na akong balak panoorin yung american adaptation nito na "the departed" at baka ma-disappoint lang ako. para sa kin kase asian scripts are definitely better than western ones. can't wait to watch "infernal affairs 2 & 3". hmmmm, maybe one of these week nights.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:08 AM



13.9.08

me hearts alodia

'di ako fanatic ng anime though may ilan rin mga series akong sinundan religiously nung highschool at college ako. this means na kapag pumunta ako sa isang cosplay event most of the time hindi ako makaka-relate. unless na lang siguro kapag galing sa final fantasy or anime na sikat nung late 90's/early 2000's ang pino-portray ng isang cosplayer.

pero on october 12 (happy birthday me!) pupunta kami sa megamall para magusyoso sa cosplay at mag-photoshoot. because of alodia hahaha. sana nandun siya.

was browsing her site yesterday at nabilib ako sa isang picture.



gusto ko rin ng ganito. according to an interview kinuha daw 'tong picture na to sa san agustin church. wow, sana 1 time makapag-shoot din ako ng ganito

credits: www.alodiagosiengfiao.com


Kuya Ace Ng Bayan at 5:58 PM



9.9.08

liberation

naisip ko lang.
papano kung isang weekend.
magtrip ako.
na iwanan muna ang teknolohiya.
walang celfone.
walang internet.
diskonektado sa mundo.
ang meron lang.
kamera.
musika.
at nature.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:59 AM



8.9.08

tonight, tonight

rainy monday evening. perfect weather para makinig ng laid back music. coldplay or deathcab anyone?

nakapag-milo na ko.

ang sarap isipin na ang dami kong oras. nakapagbasa na ko lahat ng mga blogs na regular kong binibisita. nakapakinig ng ilang podcasts. may oras pa ko para sumaglit ng dvd.

kumikidlat na ng malakas sa labas. time to unplug all these appliances. baka ma-chambahan, masira. dvd watching will have to wait... bukas.

for now matutulog na muna ko ng maaga.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:09 AM



7.9.08

oo

ni-give up ko na yung share ko sa mini business namin to pursue other interests (sleeping on time, reading, chatting, watching tv, etc). kinausap ko na yung mga kasama ko at ok naman sa kanila.

so am i a quitter?
no.
detour lang.

in this journey called life hindi lahat ng oras kelangan harapin mo yung dragon. may mga instances na kelangan mong dumiskarte. parang chess, hahanap ka ng ibang daan para manalo. hindi sugod lang ng sugod.

napagod na rin lang ako sa ginagawa. gamit ang utak kong sing laki ng walnut pinagisipan ko kung is it worth it ba yung ginagawa ko. hmmmm. nung timbangin ko ang mga bagay bagay mukhang mas magiging productive pa ko dito sa harap ng internet kesa sa dun.

nung una akala ko yung idle time dun will give me more chances to soul search. mali ako. well at least nasubukan ko.

ganun naman ako eh, kung ano ano sinusubukan. isa akong drifter. parang bangkang papel sa dagat. kung saan saan lumalayag at napapadpad. maraming adventure. minsan mahirap, kadalasan masaya. at na realize ko... na the more i sail through different seas the more na kelangan ko ng anchor. who knows kung ano pwede mangyari. hindi ko na hihintayin na ang isang bangkang papel na tulad ko will go up against the battle ship yamato.

detour.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:45 AM



5.9.08

try...



it's funny really, how life works.
the things you try to hold on to, you try to remember.
those are what you end up losing.
and everything you try to forget or throw away.
those are the things that stay.
like i said, it's funny.

watch the short film here.
it's quite disturbing.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:24 AM



4.9.08

bolt

bulb mode test shot.
nakahuli ako ng kidlat.



DITO ANG LUMANG BLOG