Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
27.10.08 not so rock and roll shoegaze. dancepunk. electronica. triphop. chill out. yan ang mga genre na nasa play list ko ngayon. para maiba naman ang naririnig. [edit]may bagong music vid ang taken by cars. post ko na rin since related naman sa entry ko.[/edit] sila dapat ang manalong best new artist sa rock awards.
26.10.08 it's back!!! after 1 year and 1 month may local channels na ulet ang tv ko. hindi na ko magiging outdated sa mga tv commercials. nagkabit ako ng baron super antenna. yung top of the line na model nila para siguradong malinaw ang channels na gusto ko tingnan. so far maganda naman ang reception. malinaw tv5. medyo curious ako sa take over since ok ang pumalit na management. gusto ko rin masilip yung rakista. if i'm correct furball ang may pakana nito. at basta galing sa furball it must be good. malinaw ang gma7. suki ako ng monday and tuesday late night shows dati. gusto ko maibalik yung habit na iyon. welcome back i-witness and reporter's notebook. malinaw ang cs9. next best thing to cable tv. at may pba pa. malinaw ang qtv11. magazine shows and more. malinaw ang studio23. more magazine shows. at gusto ko i-check out kung ok ba ang mga bagong series sa channel na ito. at yung good times gusto ko rin i-check, airing pa ba yun ngayon? tolerable ang net25. gadget and tech shows, weee. what i'll miss? the old abc5 and rpn9. abc shorts, cinemalaya at dokyu siguro ang pinakamami-miss ko sa lahat. not sure kung in-absorb ng tv5 ang mga ito. sana oo. yung shows na pakana ng ideal minds sa lumang channel 9 na may orasan pa sa lower right corner mami-miss ko rin. ang cool ng concepts, hindi lang kase pang-masa kaya mababa ang ratings. natatawa ako sa 1 night with angel at medyo interesante din yung going public (host mika!!! haha). too bad wala nang mga 'to. hmmm, haven't heard anything from ideal minds lately. kelangan ko mag-adjust. this week will be tv week.
25.10.08 photowalk number 1 pinaghalong episode ng i-witness at pagiging turista ang feeling ng photowalk. 1st stop: viewing deck sa harap ng san sebastian gym sinalubong kami ng mga kabataang gusto magpa-picture. dala nila ang mga laruang baril. minsan pinapaputukan nila ang mga kalaro sa binti. mamimilipit at mangangati ang natamaan. dun sila natutuwa. 2nd stop: ship yard dito inililibing ang mga bangkang hindi na magagamit. puno ng basura ang paligid. kinailangan ng matinding pagiingat sa paglalakad para hindi ka makatapak ng kung anong makakasakit sa iyo. nakakapagtakang naka-paa lang ang ibang mga bata. 3rd stop: misteryosong tore dito ako kinabahan ng husto. sa cavite city may matatagpuang sinaunang tore na napapaligiran ng bahay. pagkalitrato sa tore nagalit ang mga matatandang residente dito. urban legend daw na tuwing may kukuha ng litrato nung toreng iyon may namamatay sa lugar nila. konsensya pa namin tuloy kung may masamang mangyari (katok sa kahoy). nang itanong namin kung ano ang gamit ng toreng iyon, wala daw nakakaalam. 4th stop: pagawaan ng lambat mas nakuha ng dalawang batang nanghuhuli ng uod ang aming atensyon. ginagamit ang mga iyon bilang pain ng fishing rod. last stop: sunset sa break water ganon pala yun kabilis. in a span of 3 mins or less wala na agad sa paningin namin ang papalubog na araw. madalang ako makakita ng sunset, maswerteng inabot namin ito. at lalong naging extra special ang sunset sa presence ng malalaking ibong lilipad lipad sa paligid at mga silhouette ng mga bangka at tao sa break water.
24.10.08 road trip kung hindi masama ang panahon tutuloy kami sa binabalak naming photowalk bukas sa cavite city. 1st time for me para masubukan mag street shoot. balak kong gamitin yung old point and shoot cam ko. tatlong rason. number 1, para magamit naman ito ulit. number 2, dahil mas malawak ang range na nako-cover nito kaya hindi ko na kelangan magpalit-palit ng lens. at number 3, dahil ito ay magaang dalhin kumpara sa dslr. gagamitin ko rin yung lomo at 1st time kong gagamit ng slides ngayon. meron akong 1 roll ng velvia at 1 roll ng provia. ipapa-cross process ko yang mga yan sa alabang one of these days. sana enjoy bukas. post script: yung college classmate namin na nasa illinois nanghihingi sa kin ng mga black and white pinoy society pictures. she'll be using it to decorate her walls. sa shoot bukas siguro ko kukuha ng ibibigay sa kanya. ayun, at last may napala rin ang mga picture picture na pinaggagagawa ko.
22.10.08 goof balls one thing that you'll see kapag nakita mo kami sa mga shoots namin ay para kaming mga batang nakawala sa hawla. absolutely no sense of professionalism. hehe. so what? mga amateur lang naman kami eh. nakakatulong naman yata yun sa mga models, lalo na sa mga 1st timer, kase nababawasan ang pressure pag nakikita niyang ang mga magshu-shoot sa kanya ay parang mga kids. here's one time we were caught goofing around. didn't thought na magiging maganda ang kalalabasan. kunwari max payne inspired daw yan, siguro dahil sa light. speaking of movie inspired, lately panay panay ang panonood ko ng mga trailer at movies sa internet. mga wong kar wai films (nostalgic feel). gusto ko makakuha ng ideas at inspiration dun para sa next model shoot namin. at... nakakita na nga pala ako ng isang perpektong location para sa susunod na model shoot. try ko humingi ng permiso dun sa may ari kung pwede kami makigamit or i-rent na lang namin. kung papayag yun edi astig. mapagaaralan na namin kung pano gumamit ng lights at strobes.
20.10.08 solidgold fans club nakita ko na yung hinahanap ko. best film na nasubukan ko para sa lomo so far. hindi ako nage-expect pero buti na lang, as in buti na lang talaga, pinakyaw ko yung solidgold 200 na nakita ko last august. output looks almost like crossprocessed slides which are 6 times more expensive. wala pang problema sa pagpapa-develop and scan dahil kahit saang photo shop pwede unlike slides na atc pa ang pinakamalapit na shop na nagko-cross process. lumabas na rin yung mga vignettes na matagal ko nang hinahanap. actually, yung vignettes na yun ang isang malaking dahilan kung bat ko natripan tong viv. sulit talaga yung 50 pesos ko sa film na to. kung ako tatanungin ire-recommend ko siya for lomography ng walang isip isip. magdadala siguro ako ng mga tatlong roll nito kapag natuloy yung street shoot namin next saturday.
19.10.08 Lol. kagabi... kaibigan 1: pre san mo nakuha yung model mo? eys: sa school, taga dlsu-d din. tourism. kaibigan 1: potek ang ganda. nasan ba yung mga ganyan nung nasa lasalle pa tayo??? eys: mga grade two pa lang yata siya nung college tayo. kaibigan 1: %@#$!!! ang tanda na natin. -wakas
18.10.08 strobist inabot ng 6pm pasado ang shoot kanina. 5pm pa lang halos padilim na. 1st time ko mag-shoot ng sa flash lang ako umaasa ng ilaw kanina. total darkness. tried using an ABBC (a better bounce card) na gawa sa photo paper na kinabit sa flash gamit ang lastiko. after a couple hunderd of shots nakuha ko na rin ang pag-gamit. kelangan lang meron kang katabing pader to deflect the light. the results were pretty ok. happy si ace. now i know the missing pieces of my puzzle. isang reflector na lang at off cam optical trigger ng flash. after makuha ko yang mga yan magko-concentrate na lang ako sa tatlong bagay. (1) composition, (2) proper lighting, at (3) post processing techniques. new lenses will not be necessary, i just found out recently that the kit lens is soooooo powerful. favorite ko na nga siya.
17.10.08 every color, every hue is represented by me and you hangover lang yang mga pictures ng cosplay. i'm addicted to photoshop kaya nandito ako nage-edit. to make it different, instead of using photos na ako kumuha i'll be practicing with self centered photos of me goofing around with kawaii japanese looking filipino girls. credits goes to miguel and jervin para sa mga pictures. i've been self-studying and practicing photoshop for countless hours every night. pahinga ko na lang ang pagba-blog. mukhang may napapala naman ako. nakapag-construct na ako ng ilang simpleng work flows para makuha ko yung gusto kong effect at colors. but still marami pa kong gustong alamin at matutunan. ngayon kase levels, curves, saturation at sharpness lang ang ginagalaw ko. hindi lang naman dun nalilimit ang pwedeng galawin sa photoshop so ibig sabihin kulang pa talaga ang alam ko. when it comes to editing hindi ako 100% agree with it. photo enhancement is ok for me but photo manipulation is a different story. ewan ko, feeling ko nawawala ang integrity ng photo pag nagbabawas or nagdadagdag ka ng elements sa isang larawan. kulay at sharpnesslang talaga ang ginagalaw ko (katulad ng sa mga old school film cameras). anyhoo, sa november 8 a-attend pala ako sa workshop ni parc cruz. isa rin 'tong birthday gift ko sa sarili. so i'm expecting more photoshop knowledge. yey! tutulog na ko. shoot pa ng 2pm bukas, magcha-charge pa ko ng mga battery.
16.10.08 xxvi so 26 na ko last sunday. a young 26 year old guy. should i concede at magising na magiging isang 8-5 (6 ngayon) na tao lang ako hanggang sa mamatay? oras na ba para maging mas conventional ang buhay ko ngayon? sasagutin ko yang mga tanong na yan after 3 years. sa ngayon tuloy muna ang ligaya. sabi ko nga nung jan "ths s r yr", at mukha nga. akala ko nung una naging boring ang 2008 pero looking back, aba, ang dami pala ng nangyari. my only regret this year is that yung mga matatagal ko nang kaibigan hindi ko masyado karamay nitong taong ito. ano pa nga ba magagawa ko? parepareho lang kami, mga victim of circumstances. ika nga ni ra rivera at ramon bautista, "move on, let go". hahaha. kailangan magsaya lalo pa't things are getting better and better each day (outside work syempre). ang sarap pala ng feeling once you've licked your wounds and started running towards the horizon. knowing na there are better things ahead compared to the best ones you had in the past.
15.10.08 here's to being lost and found (reprise) akala ko, hindi na ko makakapagsulat ng kanta. problema ko yan for a year and a half. subok ako ng subok. wala. isang gabi, nakita ko si robin rivera (who was a teacher in college) and dong abay. they made me realize na hindi ko naman talaga pinapakinggan ang sarili ko. that night, for the fist time in a loooong while, i listened to myself again. that time, nakabukod ako sa pamilya ko. it gave me enough space to think (pero noon, kokonti ang pagkain ko, di pa masarap). i realized that so much has changed, that i wasn't the same person anymore. nagkulong ako. inaway ko ang sarili ko. tumawang magisa, nagluksa ako at lumuha, nakinig at tinanggap ang mga bagay na dati'y di ko maamin. at sa huli, natutunan kong patawarin ang aking sarili at bumangon pagkatapos tapak-tapakan ng iba. pagkatapos ng mahabang panahon, nakipagbati ako sa aking kahapon. hikbi. that's when the songs started coming (parang bottomless iced tea). they talk about friends, old classmates, people i wish i never met, and the love of my life. ang sarap pala ng pakiramdam na mahanap mo ang iyong sarili sa gitna ng lahat ng gulo. naging kaibigan ko ang mga bagong kanta, at nagpapasalamat ako sa kanila dahil nakinig sila sa akin. nakiramay sila sa bawat luhang pumatak. nakitawa. nakiasar. it's almost as if the songs wrote themeselves. i just happened to be there to witness everything unfold. we hope you listen to the songs and like them as much as we've enjoyed making them through the years. here's to being lost and found. - ebe dancel (tala-arawan foreword) pasensya na daw tayo at pangit ang handwriting niya. ok lang. it's not the penmanship that matters kung hindi yung mga kantang sinusulat niya. got myself a birthday present. a cd, sugarfree live! with the manila symphony orchestra. gusto ko nito dati pa pero parang wala nito sa mga cd stores na pinupuntahan ko. aksidente kong natagpuan kung san makakakuha nitong cd na 'to. sa isang lugar kung saan hindi mo talaga aasahang nandun siya. sa dencios. oo, yung bentahan ng masarap na sisig. 275 pesos ang isang kopya, may libre pang pansit at sisig sa susunod na kakain ka don. galeng.
14.10.08 effin' sorry na... sumosobra na kung minsan eh. being the cool headed and soft spoken person that i am it is natural that some might abuse this silence i have. hindi ko alam kung bakit, siguro para makaramdam lang sila ng sense of authority which i think is stupid. sorry na... pero nabigla ako eh. na-amaze ako na sobrang lumalakas pala ang epekto ng curse word kapag bihira at matagal mo na itong hindi ginagamit. sorry na... pero deserve mo naman eh. nagulat ka siguro nung bigla kang nakatanggap ng "p*ta *na, jan ka lang naman magaling eh!" galing sa kin. oo, halatang halata na nangilid ang mga luha sa mata mo. and i'm guilty of having that devilish smile as i walked away. minsan ko lang ipagtanggol ang sarili ko at malas mo sa yo natapat yun. buti nga ganun lang ako. ayoko maging masama pero minsan hindi maiiwasan. gusto ko lang naman palabasin na galit lang talaga ako sa unnecessary oppression lalo na kung ako yung nabibiktima.
13.10.08 concept gusto ko magkaroon ng medyo unique na model/portrait shoot noon pa. gusto ko sana lomo style. yung tipong stills from a movie ang dating. mas maigi pa nga kung may story line at chronology ang bawat picture. armado na ko ngayon after getting the 2 different rolls na hindi available dito sa cavite. nakuha ko na yung mga kelangan kong bala. ordinary films, slides for cross processing, cheap films, and even expired ones. basta, na-imagine ko na. ngayon pa lang. na given the right weather, right location and right poses, maganda ang kakalabasan nito. pramis. problema ko na lang ngayon ay yung mga models. a boy and a girl dapat. sana may kumagat sa idea. kung wala gagawin ko na lang side project sa isa sa mga shoots ng grupo. mas preferred ko pa rin sana kung solo shoot 'to.
12.10.08 cosplay 2008 one big cosplay event was held at megamall yesterday. pumunta ako at tatlo kong kaibigan para maki-usyoso sa mga nagko-costume. one big mission was to have our photos taken katabi nung cosplay celebrity sisters na kinababaliwan namin hehe. tagumpay kami. they were celebrities indeed. silang magkapatid lang yung may mga escort para hindi dumugin ng mga tao. daig pa yung playboy bunny turned cosplayer na nakapwesto dun sa may entrance ng venue. here's a pic of alodia nung palabas siya ng venue. yan lang ang kuha ko sa kanya, stolen pa. at nga pala nandun din yung 1/2 ng internet sensation na tandem ng moymoypalaboy.
11.10.08 close encounters dahiln alas tres y mediya na ng umaga at walang magawa pagtripan natin ang facebook chat. "Mika: hahahaha sonic boom girl???? ahahaha no problem.... it was good stuff really. im a frustrated photog myself.. i stil have to work around with my sets more" - showbiz eh, halatang hindi niya naman naaalala yung nabanggit ko pero kunwari alam. *** "Henry: hi man sorry for late reply im playing a computer game hehe Henry: we were finishing our 6th song today probably gonna start recording in november. we recorded a song this week for Nokia though and will finish it next week" - tapusin niyo na yan, last month pa ko nagaantay eh. haha. *** yung iba mukhang mga fake accounts. tapos yung mga iba naman sobra suplado at suplada.. mga pa-star hahaha.
9.10.08 team edward bandwagon, sasali ba ko? eto yung pinaka sikat na libro ngayon sa mga kabataan. ang akala ko pang girl pero marami na rin akong kilalang macho na nalilibang na rin sa twilight. as expected ginawan na ng movie adaptation yung sinasabi kong libro. it's obvious, nauubusan na ng istorya ang hollywood kaya puro adaptation ng asian film o libro ang inilalabas. if not, remake naman. anyways, nagustuhan ko yung trailer. mukhang papanoorin ko 'to sa sinehan. actually, may twilight t-shirt na ko last month pa. and no, hindi ako fan... kahit ngayon hindi pa. na-holdap lang ako nung ultimate repost sisters kaya napabili ako ng de oras. cool naman yung "vegetarian vampire" design kaya kinagat ko na rin. pwede na ko maging poser sa premiere, hahaha.
affiliation eto yung nostalgic group picture namin bago mag-uwian. we were a bit playful in this picture, gumamit kami ng 1 unit ng speedlight sb800 at 4 units ng speedlight sb600. ang plano next shoot ay photowalk sa cavite city. street photography, isa sa mga favorite kong genre. naka-point and shoot at lomo ako nun, yung standard zoom lens pahiram ko muna sa iba. 1 to 2 weeks para mag-prepare. sana wag kami ulit ulanin. credits: harie
5.10.08 photocavite.multiply.com we decided to call our group c.c.c. pero hanggang ngayon wala pang maliniaw na ibig sabihin yan. probably it would be "cavite camera club" or "camera club of cavite". para sa kin ang ibig sabihin ng c.c.c. ay "camera, camera, camera!!!". sa shoot kahapon gumawa kami ng mga headshots, eto yun. parang yearbook lang diba?
4.10.08 backyard shoot 1st shooting gig namin ng cavite group. masaya. sa totoo lang 1st group shoot pa lang ito na nasamahan ko. sa subdivision lang namin ginawa yung shoot kase hindi nakakuha ng permit sa island cove. blessing in disguise na rin, biglang bumuhos ang ulan nung magsisimula na ang 2nd round of shoot so kung nasa cove kami patay na. anyways, napilitan na lang kaming mag-shoot sa village clubhouse for the second round. medyo may challengeyun since madilim masyado. good sport naman yung mga models, game sila nung pinapunta namin sila sa ilalim ng lababo. hehe. excited na ko sa sunod na lakad, photowalk yta kami sa cavite city.
3.10.08 :( 9 hours bago mag model shoot. magcha-charge dapat ako ng battery. nire-review ko sa lcd screen yung mga pictures sa memory card ko nang mapansin kong may white dot on the same spot yung lahat ng recent pictures ko. tried using other lens at ganun pa rin. bad, bad. may dust ang sensor ng cam ko. using a medium sized blower sinubukan ko tanggalin yung gunk. may malaking chunk na natanggal pero may naiwan pa ring maliit na maliit spec. 100 blows using the blower, andun pa rin. may isa pang method ng pagtanggal ng dumi using a swab. meron ako nung matiryales pero wala akong guts. mukhang magshu-shoot ako bukas ng may dumi sa sensor. hindi ako makakatulog nito. arrrgh. [edit]news got worse, after consulting the experts lalo lang akong nalungkot. mukhang dead pixels ang kalaban ko hindi dust. luckily naka-warranty pa tong cam ko, yun nga lang baka matagalan sa pagawaan kung magkakataon. will still go on with the shoot later.[/edit]
1.10.08 october finals na pala sa mga college schools. birth month ko na rin. nung college i usually celebrate my birthday the week before the 12th. 1 day pagkatapos ng huling araw ng finals pinapapunta ko yung buong tropa dito sa bahay para mag celebrate. para medyo maiba ang ginagawa ko hinahanda ko lang yung mga ingredients tapos kami kami na rin magluluto. yung mga babae ang bahala sa medyo kumplikadong mga pagkain, lahat ng lalake taga prito at ihaw lang. naaalala ko, yung isang babaeng pinakamarunong magluto laging hino-hostage ng boypren pag birthday ko kaya hindi nakakapunta. hehe, bakit kaya? kainan at kwentuhan time ng hapon hanggang early evening. pagkatapos nun magta-transfer ang boys sa bahay ng isang kaklase sa town and country para uminom ng ilang rounds ng beer at booze. ganyan ang routine namin tuwing katapusan ng 1st sem nung college.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |