Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

30.11.08

(o.p.f.) original pinoy film

may mga pinoy movies pala sa crunchyroll. yun nga lang hindi lahat nandun. gusto ko sana donsol or still life pero wala akong mahanap. pinanood ko na lang chopsuey. art film. maganda.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:30 AM



taste the taste that send all mothers giggling in sheer delight

anong meron sa lalamunan ko?
hindi nawawala yung sore throat.
too much sweets?
ba't ba lagi na lang ako may sakit?


Kuya Ace Ng Bayan at 7:28 AM



still

shoot postponed. hindi nanaman nakisama ang panahon, maulan sa manila. sayang at playboy bunny pa naman yung model. anyhoo, resched next time and hopefully may oras ako.

one good thing sa pagkaka-cancel ng shoot ay nakatipid ako. yung panggagastos ko sa manila sa iba ko na lang winaldas. pinakulayan ko na lang ulit ng pula ang buhok ko.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:13 AM



27.11.08

health matters

sakitin at mahina ako nitong huling mga araw. sinubukan kong labanan by NOT resting. sumasakit lang ulo ko kung nakahiga ako sa kama.

after enduring 4 long days nag give up ako kahapon. sick leave. i was perfectly normal except for a killer headache na kaya ko namang tiisin talaga. gusto ko lang magpahinga. at natulog ako buong umaga.

kabilang sa programa ng pagpapagaling itinuloy ko yung water therapy (hindi ako makapaniwala na kaya kong umubos ng isang litrong tubig sa isang meal). bukod pa dun binili ko yung mga nakasulat dun sa riseta na binigay sa kin ng doktor sa opisina. sinutab, mefenamic para sa sakit ng ulo... and stresstabs. para daw sa resistensya.

last time i took multivitamins was two decades ago. flinstones chewable fruit flavored vitamins. i'm not sure kung ano ba epekto nun sa katawan ko. o kung meron nga ba?

all these time umasa lang ako ng nutrition sa mga maibibigay ng mga sinful and unhealthy food na kinakain ko araw araw.

for a change ita-try ko ulit mag-take ng vitamins everyday.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:42 AM



cullens

saw the first vampire movie which made the girls scream out so loud from beginning 'til the end. tilian ng tilian sa sobrang kilig ang mga loko. earthlings, haha.

so i joined the bandwagon since september. twilight fever. nauna pa nga akong nakabili ng t-shirt bago ko pa malaman kung ano yun talaga. na-holdap lang ako nung ultimate repost sisters. gumagawa sila ng tee's nung hindi pa sila busy. and as a friend, kahit hindi naman talaga required, kinailangan kong bumili ng produkto nila dahil ganun ang silbi ng mga kaibigan sa buhay. after that i did a little research here and there para makakita ng overview. and the rest is history.

napanood ko yung adaptation kanina. somehow medyo may similarities sa roswell (tv version of roswell high), my all-time favorite tv show, kaya nagustuhan ko rin agad. sci-fi drama yata talaga ang hilig ko.

as for the book, sana may magpahiram na lang muna. i'm not planning to buy my own set, hindi ako masyadong palabasa ngayon. the best reading i can do right now is to pick up warrior of the light, read 5 to 10 pages tapos tulog na.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:41 AM



24.11.08

the g.i.g.o. principle

garbage in... garbage out...

what's new?


Kuya Ace Ng Bayan at 4:16 AM



23.11.08

bipolar

busy at nakakapagod na araw. puyat sa 60th birthday ni erpats, also known as the 20th anniversary of his 40th birthday. the day after, ot maghapon then lagari pabalik to catch an event. lahat yan ginawa ko nitong araw, with flu. feeling michael jordan.

hindi ko na nakuha yung camera ko para i-cover ang udd. muntik pa kong hindi umabot sa event mismo. last three songs na lang inabot ko. medyo bitin pero ok lang kase ang balak ko talaga nun makakuha ng kopya ng bipolar na nagawa ko naman.

at may isang treat from udd. on their last song, pag-agos, ang naging exit was armi singing the line:

"hiram, ang bawat saglit. daanin mo sa iyak ang lahat ng pait"


paramita's tala, which is a current fave of mine. best udd exit ever, para sa kin.

after the set umuwi na ko agad. di ko na sinubukan lumapit sa kanila para makipagusap. di ko na kaya, at baka mahawa lang sila. akala ko magko-collapse pa ko, manhid na kamay at paa. last time kong naramdaman yun tinakbo ako sa ospital.

ngayon ok na ko, salamat sa lola ko na nagluto ng hungarian sausage. ang sarap ng dinner kahit pa sobrang sakit ng mga panga ko pag kumakain (nararamdaman ko yun pag may trangkaso).

mukhang makakapasok ako bukas. nagpapawis na ko ng husto, sign na papagaling na ko. apocalypse/armageddon/catastrophe/wrath of god ata mangyayari sa office bukas. oras na daw para magtanggalan. tingnan natin kung ano mangyayari


Kuya Ace Ng Bayan at 5:24 AM



21.11.08

fragmented

sleeptalk ang current favorite song ko. ngayon ko lang muling binibisita ang 1st album ng updharma down.

nararamdaman ko na gusto ko ng massive dosage ng udd music. siguro excited lang ako bumili ng 2nd release nila. bipolar. too bad hindi pa available sa mga record bars dito sa cavite. yun ang problema pag nanggagaling sa terno records. usually kelangan ko pa lumuwas ng manila para lang makabili ng albums galing sa stable na ito.

one chance na makakuha ako ng bipolar ay ngayong sunday. i'm expecting a lot sa album na yun.

and here's a plug. armi millare, updharma downs' vocalist slash keyboardist, is a good writer. i mean aside from writing songs magaling din talaga siyang mag-blog. laging good read, at araw araw niyang ina-update ang blog niya. basahin ang kanyang blog dito.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:25 AM



20.11.08

split personality

medyo nalito ako pagkatapos ng parc workshop. madaming mga bagong bagay ang na-introduce sa kin sa photoshop. lalo lang tuloy akong nalito.

parang bumili ng bagong gear. andiyan ang sandamukal na tools pero sobrang "rocket science" kaya hirap na hirap kang paganahin ng tama. hindi ko mai-utilize ng maayos ang bagong kaalaman kaya panget ang mga nagagawa ko.

sobrang malaki ang pagkakaiba ng workflow namin ni parc (siyempre dahil expert na siya). mine is just sharpening and playing with the colors. samantala sa kanya detalyado ang pagaayos ng bawat maliit na bagay sa loob ng isang larawan. he has too much post processing skill, nakakainggit. i think photography for him is 30% taking pictures and 70% enhancing/editing.

medyo may issues nga lang ako pagdating sa editing. gusto ko nandun pa rin yung integrity ng photo. i mean, kung ano ang nakikita ng lente yun pa rin dapat ang output na ipapakita sa audience. walang dinadagdag na bagay, walang binabawas. pinapaganda lang.

i will stick to that wysiwyg (what you see is what you get) motto. pangako, hindi ako magma-manipulate ng objects sa photos.

balik sa parc workshop. bale nagkaron ako ng konting dilemma. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa photos ko. 1st few days sinubukan kong gamitin ang lahat ng bagong natutunan ko, scrapping the work flow na inimbento ko. na-miss ko agad ang original workflow ko.

here's one of my attempts.



it has the parc influence pero mas pangit lang. meaning hindi ako kuntento. at na-realize ko na hindi ko gusto ng over-edited and fake looking people.

reflect. meditate. concentrate.

ok, i wanna be like parc but i don't wanna be parc. meaning, sige tutularan ko siya pero hindi ko kokopyahin ng 100% ang style niya. kung gagaya lang kase ako sa kanya wala akong mapapala, magiging tulad lang ako ng isang banda na magaling mag-cover pero walang original songs. walang asenso. kelangan ng originality. maaaring may influence pero dapat original pa rin talaga.

sinabi ko sa sarili ko na mag-stick ako sa dati kong flow which is i think more tricia-ish than parc-ish. kung ano man ang sa palagay kong mapapakinabangan ko dun sa workshop idadagdag ko na lang sa flow. dun ako makaka-gawa ng sarili kong identity ng post processing. influenced by others but still mine.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:34 AM



19.11.08

it's not fun...

to be at the bad end of a power-tripping incident.
"luckily" may ganitong nangyari sa kin nito lang.
biktima nanaman ako.

ika nga ni doraemon:

"hindi porket kaya mong gawin ang isang bagay ay dapat ginagawa mo ito"


bawal muna ako magreklamo. tiis-tiis muna.

[edit] some items in this entry were deleted [/edit]


Kuya Ace Ng Bayan at 7:53 AM



17.11.08

friendster sucks...

ang banggit ng karamihan ngayon.

sa kin ok lang kase hindi na ko ganun ka-active sa social networking site na yun unlike dati. friendster sucks nga daw.

nature na talaga ng tao yung ganong ugali. kahit ako siguro kung minsan nagiging ganun din. yung ugali na saglit lang na hindi makisundo sa kanila ang isang bagay idi-diss na agad na parang ito na ang pinaka walang kwentang bagay sa buhay nila.

yang friendster ngayon. parang ilang araw lang na sira nabansagan nang walang kwenta. bale wala na yung ilang taong pinagsilbihan sila nito at mas binibilang pa yung iilang araw nang naka-down yung site.

hindi ko pinagtatanggol ang friendster. ang point ko is hindi lang sa friendster nangyayari ang ganyang mga kaugalian. parang dito sa subdivision namin, inabot ng sampung taon bago nagkaron ng matinding nakawan dito. ang batid agad "hindi ginagawa ng mga gwardya ang trabaho nila". 2 araw lang merong nakawan, mahigit sampung taon silang nanilbihan. hindi ba't mas mabigat pa rin yung latter kong nabanggit?

yung globe. kapag nawalan ng signal. bulok na. hindi man lang bigyan ng konting credits.

human nature na yata talaga... na ang tao... madalas reklamo lang ang bukang bibig.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:29 AM



16.11.08

weekend

semi-reunion. ako, philip, arvin at pilo. si pilo ni-kidnap lang namin ng biglaan sa bahay nila ng walang kamalay malay. isinakay sa kotse ng biglaan ng wala man lang dalang pera. deretsong imus.

may nanlibre ng pagkain. yung galing sa states. dun sa isang branch nung tambayan na hindi namin afford nung college. after nun nagisip kami kung pag-tripan yung nintendo wii nung isa sa min or kung iba na lang. matapos ang maikling brainstorming we decided to live old times. counterstrike magdamag.

***

may hinihintay akong tawag na hindi dumating. but something else came up. instead of a phone call may text message akong natanggap. balik daw ako dun sa in-apply-an kong kumpanya sa tuesday. hindi na ko nagtanong kung bakit kelangan bumalik. basta sabi ko pupunta ako.

nagkita kami nung kasabay ko mag-apply kanina. may na-receive din daw siyang text. katulad rin nung sa akin. siya, nagtanong siya kung para san ang pagbalik dun. at ang sagot ay parang may offer na yata kami. sana nga totoong ganon.

looks like the universe did conspire para sa isang bagay na gusto ko. salamat Lord.

***

1st shoot ko na wala akong gana. ewan ko kung bakit. dahil ba wala kaseng araw at hindi kami makapaglaro ng ilaw masyado? dahil ba hindi ko gusto yung venue? dahil ba medyo hindi ako handa dahil biglaan? dahil ba sa medyo nangangapa pa ang model sa pag-pose? o dahil ba sa lahat niyang dahilan na nabanggit ko?

ewan ko. medyo wala lang talaga ako sa mood nun. nakakahiya tuloy sa model na baka wala akong matinong kuha. or kung meron man baka iilan lang. ibabawi ko na lang lahat sa editing, hopefully may mga decent shots ako na pwedeng i-salvage at pagandahin ng maigi.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:16 AM



12.11.08

crisis

quarter life it is.

symptoms:

boredom. lonliness. too much nostalgia on teenage years. stress. asking yourself again and again, "ganito na lang ba ang buhay?". desire to escape reality. frustrations. dying self-esteem. the urge to settle down. anxiety. insecurity.

and wait there's more:

confusion. feeling that everyone is better than you. panic. depression. fear of getting old. madaming "what ifs". regrets.

26 ako. entitled naman siguro ako maisip ang mga yan. kahit gano pa ko ka-weirdo.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:52 AM



8.11.08

workshop

natapos na rin yung bday gift ko sa sarili ko. photography session na kahit isa actuation wala akong nagamit.

madami naman ako natutunan lalo na sa larangan ng post processing techniques. salamat dun sa nagpahiram sa kin ng extra laptop dahil wala akong dala. at kung may dala man ako ay walang kwenta din dahil hindi ko ni-install-an ng photoshop yung office computer ko.

ang kelangan ko ngayon mag-practice, practice... at practice.

eto yung 1st attempt ko i-apply yung mga natutunan ko.
napaka-noob pa kung titingnan.



stick na ako dun sa paniniwalang inimbento ko, na dapat mag-concentrate ako ng husto sa lighting, post processing, at composition.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:51 AM



6.11.08

to zanarkand

december 2008 will be the 10th year na hindi ako umuuwi ng baguio. bakit? this forwarded email says it all.


Let's do this for Baguio.

Everyone who has gone to SAGADA, PULAG, IFUGAO,and other places in the Cordillera -- will notice that BAGUIO has LOST its CHARM--it is crowded, it is polluted, water is scarce, it is full of squatters even in the watershed areas and it is HOT. The pine trees are so choked with smog. Session Road is no longer leisurely cool walk -- it's like being in Cubao (okey - exaggeration but i really hate the billboards up there -- it's so cluttered, an eyesore).

Hopefully Sagada won't follow suit---but it's getting to be commercial up there too. Maybe by signing up, you will help RECLAIM BAGUIO's lost beauty and stop the degradation of all the other places we all love in the Northern region--so, how about signing this petition?

PETITION for BAGUIO CITY:

We believe that the City of Baguio is culturally, environmentally and aesthetically unique and different from other cities in the Philippines.

We believe that Baguio is the nerve center of our rich and diverse cultures: the Filipino culture in general, the highland Cordilleran culture, the lowland Ilocano culture, and the heritage culture brought about by the Americans during the early 20th Century.

We believe that in the past two decades, the City of Baguio has experienced a substantial degradation of its unique culture, environment and art.

We believe that the approval of certain politicians with no respect for the aesthetics and the environment of Baguio to put up concrete structures such as malls, overpasses and flyovers only worsens Baguio City's lamentable decay as a 'City of Pines.'

We believe that this over development resulting in pollution has to stop.

We believe that due to its unique history and blend of cultures, Baguio can be to the Philippines as Barcelona is to Spain, Chiang Mai is to Thailand, and San Francisco is to the United States: a main center of arts, culture, philosophy, education, tourism, sustainable development and environmental awareness.

We believe, therefore, that the City of Baguio deserves to be declared a 'Special Heritage Zone', so that the degradation brought about by over development can be minimized and gradually controlled.

We believe that Baguio City's heritage as a center of culture and environmental awareness is a valuable asset not just to the Philippines, but also to the world.

We now respectfully call on the residents of Baguio and the Filipino people to sign this humble petition, and for the local and national government concerned to implement and declare Special Heritage status on this unique mountain City as soon as possible, preferably before the Baguio Centennial in 2009, so no further destruction on its limited cultural, environmental and aesthetic resources may continue.


para sa kin what you see now is just a ghost. kung ano yung mga nae-enjoy ko dati wala na. kaya wala na rin akong rason para bumalik pa don. baka malungkot lang ako.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:02 PM



disconnected

nanonood ako ng bagets sa youtube (malinaw ang kopya, pramis) nang biglang nag-down ang smartbro. malungkot tuloy ang buhay. nasa part 3 pa naman na ko nun. pinagti-trip-an nila si herbert ng ketchup.

sabi ng smart employee sa sm kahapon tatawag daw ang customer service nila within 24 hours para ayusin ang connection namin. and they're consistent of being inconsistent, hanggang ngayon wala pa rin kaming tawag na nare-receive. inaantay ko lang ma-charge yung celfone ko at ako na ang tatawag mismo sa kanila.

pangatlong gabi ko nang nakiki-internet sa kapitbahay (ng hindi niya alam). umaabot ang signal dito sa front porch namin kaya hiniram ko muna tong netbook ni erpats para mapunuan ang daily dosage ko ng internet.

mahirap rin tong nakikisagap lang ng signal. minsan paputol putol kaya hindi mo rin matapos yung ginagawa mo. at may ilang mga website na hindi mo ma-enjoy. tulad na lang ng youtube. hindi ko tuloy maituloy yung pinapanood ko nung isang araw.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:08 AM



5.11.08

hits and misses...

i am a warrior of the light...

at ang kelangan ko lang gawin ay maghintay ng two weeks for the whole universe to conspire. abangan.

hindi ako ganon ka-confident sa pagharap ko sa "pagsubok" kanina.
at iniwanan ako ng dalawang contradicting thoughts. "think positive" at "don't expect too much".

patay tayo jan.

***

kagabi sinubukan kong bumalik sa virtual drawing board para mag design ng t-shirt. eto yung suggested design ko para sa mumunting grupo namin. pumasok lang sa utak ko yung words. yung design, gusto ko lang talagang maging simple.

consulted this prototype with the group today. positive naman ang feedbacks. kung may improvements na kelangan gawin paguusapan na lang namin sa sabado.




at... onga pala, saturday is THE day. 1st ever photography related workshop na pupuntahan ko nun. i am investing... investing... investing...


Kuya Ace Ng Bayan at 8:05 AM



3.11.08

tv week #1

mga napanood ko sa local channels last week

1. i-witness
2. reporters notebook
3. landmarks
4. balikbayan
5. the beat
6. born to be wild
7. nba
8. pba
9. late night news
10. the correspondents

puros public/current affairs yata


Kuya Ace Ng Bayan at 7:56 AM



2.11.08

sunsets and seascapes

sobrang natuwa ako so i decided to post more sunset/seascape photos.



before last week, last time kong pinanood talaga yung sunset parang grade 4 pa ko. isinama ako ni erpats sa ferry na umiikot ng manila bay kasama yung big boss niyang hapon.

grade 4, last week. grade 4 tapos last week!!! do the math, parang 15 years ang pagitan. akala ko nature lover na ko pero bat ganun? kahit yung mga panahon na nagbi-beach kami hindi ko matandaan na nanood kami ng mga sunset.

kaya pala... isang happy experience. ngayon alam ko na kung bakit pabalik balik yung mga tao sa harbour square para mag shoot ng sunset.


DITO ANG LUMANG BLOG