Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

31.12.08

leaving 2008... survey style

1) BUDDY OF THE YEAR?
- cc boys (not ccc!!!).


2) LIFETIME SERVICE AWARD (longest friend)
- baguio friends na na-contact ko ulet


3) NEWCOMER AWARD - COOLEST NEWEST FRIEND?
- ccc boys and girls


3) HIGHEST POINT OF THE YEAR?
- sept-nov


4) LOWEST POINT OF THE YEAR?
- december; bad news bombardment. kelan kaya matatapos?


5) BEST HOLIDAY?
- hmmmm... nitong christmas/new year siguro. longest break in years.


6) YOUR SONG FOR 2008?
- most played would be december 2 chapter vii by taken by cars.

7) Best movie FOR 2008?
- endo.


8) WHO DID YOU SPEND VALENTINES WITH AND WHERE?
- myself, home. someone was begging to watch the movie mentioned above with me but i refused. suplado ako, tsaka ex siya ng close friend kaya issue yon malamang.

9) WHAT WERE YOU FOR HALLOWEEN?
- cosplaying as myself (kuya ace ng bayan)

10) RESTAURANT OF THE YEAR?
- no particular

11) KISS OF THE YEAR?
- none

12) BEST DECISION MADE THIS YEAR?
- i can only remember bad decisions.

13) WHAT ARE YOUR PLANS FOR NEXT YEAR?
- sugod sa horizon.

14) MOST STUPID IDEA WHEN DRUNK?
- ranting on what could never be undone


15) TV SHOW OF THE YEAR?
- hmmmmmm... case unclosed.


16) MOST LOYAL FRIEND(s)?
- mang pilo. matira matibay, the only one loyal friend left.


17) HEARTBREAKER OF THE YEAR?
- heartbreak of the non-romantic kind.

18) BIGGEST CHANGE OF THE YEAR?
- changes in goals and priorities

19) NEW YEAR’S RESOLUTION?
- sleeeeeep early.


Kuya Ace Ng Bayan at 12:34 PM



27.12.08

help!

wasn't planning to post anything until the start of 2009 but this is bull...

follow up article below...
inquirer news

spread the word. everywhere.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:24 AM



24.12.08

one

merry christmas everybody!!!


Kuya Ace Ng Bayan at 7:38 AM



23.12.08

2wo

2 reasons why i'm not happy this holiday season. one, lilipat dapat ako ng work pero naudlot at mukhang hindi na matutuloy. two, dapat promoted ako pero tinanggal sa listahan dahil akala lilipat na ko ng trabaho.

before december i was on my highest highs pero nung nalaman ko yang mga bagay na yan bigla na lang ako nadismaya at na-discourage. at lalo pang napasama nung nalaman kong may "tweaking" na ginawa dun sa item number 1.

arrgh.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:40 AM



22.12.08

3hree

3 hams ang nakuha ko galing sa opisina. ewan ko kung bakit pero tatlo yung laman nung plastic bag na nadampot ko. akala ko pamalit nila yun sa rotten queso de bola na binahayan ng maggots. yep, yung mga delata nung unang batch na kumuha ng christmas goodies pineste ng maggots. yakadiri, haha. onga pala, ngayon ko lang na-realize na tanging fifteen-by-thirty-corporate-slave people lang ang mga mapapalad sa mga biyayang pampasko hatid ng hanap buhay. kagaya lang nung ham, nung christmas package at ng 13th month pay. isipin mo kung self-employed ka hindi lang basta basta babagsak yung ganon sa kamay mo.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:12 AM



21.12.08

4our

a couple of pre-nup shoots next week. another first time for me. dalawang pairs ang ishu-shoot ko. mga kaibigan lang naman na humihingi ng tuloy. hmmm, ayos to. something new para sa kin. baka sakaling mag-enjoy din ako.

tapos kasama na rin pala ang pag-cover ng wedding nila. sana hindi ako mangamote, medyo di ko pa alam ang flow ng mga kasal (i usually don't pay attention) kaya baka mahirapan ako.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:42 AM



20.12.08

5ive

five different videos to share... wala lang ako magawa.

1. divergence (short film by marie jamora)



2. chris cocker's leave britney alone



3. andy mckee's africa (toto) cover



4. japanese game show. dizzy boxing



5. manila, queen of the pacific (1938)



Kuya Ace Ng Bayan at 8:28 AM



19.12.08

6ix

christmas present para sa kin ng office:

kasama daw dapat ako sa ipo-promote (malaking DAW), pero nung nalaman ng HR na may pending application na almost hired ako hindi na ako isinama. lanya, strike two. it's one good way to make me feel bad... really.

at nagmaktol ang celfone ko. all except one message got erased. yung mga pinakaaalagaan (hehe) kong mga text wala na. sheesh. happy holidays.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:56 AM



18.12.08

se7en

masarap kumain para matanggal ang lahat ng disappointments na nararanasan. iniisa-isa ko ang malalaking hamburger na kaya ko bilhin lately. medyo marami na rin ang nasa listahan ko.

quarter pounder - all time fave, except sa dalawang pirasong pickles na kasama. i'm not sure kung 1/4 pound nga siya pero kung abot kayang hamburger ang gusto ko quarter pounder na yun.

amazing aloha - two patties na siya ngayon. plus merong lettuce, bacon, cheese at pineapple. ang hindi ko lang trip dito yung dressing na nilalagay. hindi talaga ako mahilig sa mga creamy na bagay.

whopper - pinaka-ayaw ko. marami nang gulay wala pang lasa ang karne.

big mac - parang whopper rin lang. lasang gulay.

champ - hindi ko ino-order ito dahil tuwing magtatanong ako laging sasabihin "sir willing to wait po ba ng 15 mins?". hindi ako mapasensya. sorry.

baconator (tama ba?) - natikman ko lang kanina at nakalimutan ko ang tamang pangalan sa sarap. sa wendy's to. medyo may kamahalan, 230 bucks. worth it naman dahil ang nakalagay ay dalawang quarter pound na patties, dalawang cheese, at anim na bacon strips. ang tanong lang, hindi ba ito tinitingnan ng bfad? with all those calories, parang sobra sobra, hindi hazzard na 'to sa katawan? pero masarap siya, pramis. uulit pa nga ako eh.

dirty burger - sa harap 'to ng rob dasma. walang pangalan yung store kaya hindi ko alam ang itatawag. sa halagang 50 pesos ang laman ng hamburger ay 2 patties (paper thin), 1 egg, 1 cheese, at 1 ham.

ang nami-miss ko lang ngayon ay burger machine. ano na ba nangyari sa franchise na 'to? parang humina na lang ng humina.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:22 AM



17.12.08

8ight

sumasarap ang tulog ko sa gabi. kung ganito na lang sana buong taon ang panahon laking tuwa ko.

parang picture sa layout ng album na freeman (francis m.) lang. magsusuot kami ng dalawa ko pang kaopisina nang damit babae sa biyernes ng gabi. yes, for one night cross-dresser daw kami (sagwa!). kasama iyon sa presentation namin para sa christmas party. kakantahin namin ang super trouper with dance steps. panahon na naman para ilaan ang dangal para sa cash prize.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:24 AM



16.12.08

nin9

14th month pay kahapon, oras na para i-treat ko ang sarili ko.

was planning to buy something na nasa wishlist. gusto ko ng 2nd lomo camera, yung horizon kompakt. sadly out of stock na dahil sa holiday demand. january pa darating ang supplies ni online tindahan. hay, sayang.

sana makapaghintay ako. ako pa naman si apurado. mahina ang EQ.
pero nagi-improve na ko ha!


Kuya Ace Ng Bayan at 7:28 AM



15.12.08

ten



ripped picture...

eto yung garden ng kapitbahay namin sa baguio. dyan kami naglalaro ng lahat ng larong pambata (di na yata uso sa mga bata yun ngayon?!?) nung kami ay less than 15 years old pa lang. paikot-ikot kaming naghahabulan dyan sa halaman sa gitna. surprisingly little has changed, kung ano siya nung umalis ako ng baguio 13 years ago iyon pa rin ang itsura niya.

naaalala ko, kapag christmas break, isa sa mga ginagawa namin sa garden na yan ay ang mag-bonfire bawat gabi. ganda ng trip namin, sa baguio lang merong ganon. tuwing hapon, pagkatapos maglaro, maghahanap na kami ng mga kahoy na magsisilbing gasulina ng apoy para hindi kami lamigin sa magdamag.

sa gabi, pagkatapos mangaroling diretso na kami sa bonfire namin. kwentuhan hanggang antukin at kapag madaling araw na ay nagsisiksikan na kami dahil sa lamig. sa bonfire sessions rin na yun ko natutunan i-locate ang big dipper, little dipper, orions belt at taurus. may mga geek kase sa min... hindi ako yun.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:13 AM



11.12.08

shutterlife




they say that the average shutter life of a nikon d40 is 50,000 releases. mine is 7,118 actuations old. binili ko yung cam nun feb, that's ten months. 7,118 divided by 10 equals 711.8 shots per month.

kung itutuloy ko ang ganitong pace aabutin pa ko ng 5 years bago ko maabot yung 50,000 mark.

hmmm, not bad


Kuya Ace Ng Bayan at 7:29 AM



delayed breathing

"pasalamat ka na lang at meron ka pa ring trabaho", yan ang sabi sa kin ng tatlo sa mga kaibigan kong pinagkunsultahan ng sitwasyon ngayon. may punto nga naman sila.

bad trip. yung quest ko for greener pasteurs biglang natigil. akala ko halos ok na pero baka mabulilyaso pa. yung paglipat ko ng trabaho nailagay sa indefinite hold at baka hindi pa matuloy kung mamalasin. hay.

ano ba? malas lang talaga tong week na 'to. dagdag pa dyan yung sore throat kong hindi gumagaling at yung isa pang masamang pangyayari na hindi ko na ikukwento. hindi talaga ako nakatulog dun. napa-absent pa ko ng wednesday kaya ipinunta ko na lang sa doktor at itinulog yung buong araw.

on the other hand meron din namang good news. eto yun. may isa pa kong application na hindi ko sinisiryoso. i've been editing pictures for the philippine embassy in washington from time to time. libre lang. tapos last week hiningi nila resume ko. ire-refer daw ako para sa isang job opening dun. wala namang masama kung susubukan kaya nagbigay na rin ako. parang pinagbigyan ko na nga lang yung kaibigan ko dun na nanghihingi ng resume ko. ni hindi ko na ni-review yung ibinigay kong file sa kanya.

tapos kahapon nakatanggap ako ng message, kasama daw ako sa final three na pinagpipilian. wow! yun nga lang ayaw ko pa rin umasa. wala naman kase yan sa mga plano ko eh.

pero syempre kahit papano naiisip ko rin paminsan minsan, na fact is posible pala na within the next six months mapadpad ako sa lugar na pinapangarap ng iba. ang kaso hindi ko naman talaga binabalak na mag-abroad. malungkot kaya dun.

well, maghintay na lang muna at tingnan natin. wala pa namang nangyayari eh, at kung meron man pagiisipan ko pa rin yun ng husto. ah basta, darating tayo dun kung darating. hintay hintay lang.

sa ngayon mas iniisip ko pa rin yung pagkatigil nung quest ko for greener pasteurs, yung pang dito lang. para sa kin kase yun ang mas realistic na scenario. manghihinayang ako dun ng husto kung hindi matuloy, malaking pagbabago kase ang mangyayari kung matuloy yun eh. ang maganda pa dun pabor sa kin lahat.

hay.
just wait and pray.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:28 AM



9.12.08

migrate

1 month and counting. hindi ko pa rin natatapos i-transfer sa pc ang mga cds ko. tamad! hindi naman ganon ka-laki ang collection ko.

half way na pala ako!

may napansin ako. minsan pag nagba-browse ako sa internet nagha-hang ang iTunes. minsan naman hindi. ganon ba talaga yun?


Kuya Ace Ng Bayan at 7:36 AM



kumpas

2 new cds.
parehong live.

cd number 1: paramore - the final riot
my 10th non-opm cd (i guess?).

cd number 2: eraserheads - the reunion concert
one big concert na na-miss ko.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:22 AM



7.12.08

sonicboom station

rock the riles. talagang nakaka-tempt yung ayala station pero ang rock and roll nasa buendia kaya dun ako.

hindi ko naumpisahan. dumating ako papatapos na ang set ng out of body special. nakapag-start ako mag-shoot nung severo na. tried to go manual, 50mm prime gamit ko. kaya pala!

nagpalit rin ako ng kit lens afterwards dahil mahirap din ang naka-lock sa iisang focal length.



one big mistake. hindi ko nakalimutan yung external flash pero naging inutil ito dahil yung battery ang naiwanan ko. napilitan akong mag pop-up flash o kaya low key.

decent flash pala ang pop-up basta tama lang ang layo mo sa subject.



at may nagbukas ng back pocket ng bag ko. malamang mandurukot. buti na lang walang laman maliban sa 2 rolls of expired film. pa-easy-easy pa ko, akala ko mababa ang crime-rate kase may laban si pacquiao.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:31 AM



4.12.08

rock the riles

cheater ako. supposedly sunday ako naka-schedule ng ot. pero may pacquiao. at may something better sa afternoon kaya pinagpilitan kong mag sabado ot na lang.

sunday morning makikinood ako ng boxing sa kapitbahay naming irish. naka pay-per-view yun kaya live. after the laban dederetso ako ng mrt para sa rock the riles. pero saang station?

buendia station: urbandub, nyctinasty, salamin, severo, faspitch, subscapular, intolerant, taken by cars, typecast, switch, out of body special, hilera.

ayala station: sugarfree, radioactive sago project, up dharma down, giniling festival, paramita, ang bandang shirley, swissy, sleepwalk circus, juan pablo dream, musical o, outerhope, reklamo.

now i'm torn between these two stations.

lomomanila will officially cover the event. makiki-lomo rin ako sa kanila.






*drum roll* BUENDIA!!!


Kuya Ace Ng Bayan at 6:09 PM



2.12.08

this year's wishlist

hindi naman masama mangarap diba?
eto yung 15 na materyal na bagay na gusto kong magkaroon ako nitong pasko.

01. additional 1 gig ram for my desktop computer - hassle ang photo editing kapag mababa ang memory.

02. lomo horizon kompakt - horizon perfekt is THE lomo dream cam, eto yung mas realistic alternative. pero hindi pa rin ako bibili, wish lang.

03. pillows - luma na mga unan ko.

04. flash diffuser for sb600 - 400 peso piece of plastic. ewan ko ba kung bakit hindi pa ko kumukuha nito.

05. dvd/cd rack - puno na yung mega tower ko para sa audio cds kaya nakatambak na lang sa kung saan yung mga dvds at vcds. the cd wallet works well kaso yung mga case hindi ko na alam kung san isisilid.

06. flatbed scanner - nagde-deteriorate na yung mga family pictures namin mula pa nung kabataan nila erpats. kelangan i-save yung mga yun.

07. dvd ng "homerun" - ultra-rare, walang mahanap. if all else fails nandiyan ang quiapo, doon daw walang imposible.

08. rolls and rolls of 35mm slide films - as much as possible fuji provia sana. para sa viv.

09. semi formal shoes - hindi na ko makapagsuot ng mga polo ko kase hindi terno sa mga sapatos na meron ako.

10. pansariling laptop - hindi ako maarte sa specs, as long as gumagana ng maayos ang photoshop (pinaka mabigat sa specs na program na ginagamit ko) at nakaka-access sa internet masaya na ko.

11. hard disk for my ps2 - ayaw ko ng psp, wii, or xbox. gusto ko lang yung games na meron na ko, problema lang ay defective talaga ang design ng slim na ps2. laging nasisira ang lens, ang fix na lang yata ay ilagay ko sa hardisk yung games tapos dun ko na lang i-access.

12. iGlasses (eye glasses) - parang gawa ng apple kunwari. kelangan ko ng bagong salamin, nahihirapan na ko tumingin.

13. holga fisheye adaptor - pwede siya sa mga lente na may sukat na 52mm ang thread kaya bagay siya sa kit lens. napakamahal ng mga fisheye lenses kaya sa alternative nanaman ako tumitingin. same effect pero cheaper ng sampung beses.

14. nail cutter - nawawala na yung kinupit ko sa bahay nila mulong dati.

15. nikkor 12-24mm/sigma 10-20mm ultra wide angled lens - kung pagbibigyan pa ko magkaroon ng isa pang lente malamang isa diyan ang kukunin ko. hindi ko kelangan talaga ng UWA pero gusto ko magkaron.


self c&c: magwi-wish na nga lang ako pero hindi ko pa tinodo eh.

*** 26 dapat lahat yan (isa sa bawat taon simula nung pinanganak ako) pero wala na kong maisip kaya pinaikli na lang ang listahan.


Kuya Ace Ng Bayan at 4:33 AM



1.12.08

boredom

did this out of boredom. nakakita ako ng antique na suit case. dinagdagan ko ng mga bagay bagay, ni-arrange at kinunan ng litrato. then, finally, nag-experiment ng konti sa post processing (the pictures are originally colored).



sinusubukan ko ng still life photography ngayon. reinventing myself. wala munang tao tao sa pictures. in this way mafo-force ko sarili ko gumawa ng mga concepts na kulang ko pag dating sa mga portraits.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:01 AM



12.02 chapter vii

this is a holga inspired music video. the camera was even shown in the 1st seconds of the music vid.

parang pinapakita lang na si pancho esguerra, the director, ay isang lomo lover. this is the 2nd lomo inspired vid na napanood ko galing sa kanya. una yung migraine ng moonstar88 na parang lomo lc-a naman.



december 2 chapter vii (taken by cars)


A sinking call
An out of sight hello
From a thousand wailing walls
It's like you
It's like you never left at all

I throw your word around like child's play
Listen to what I say
I throw your words around like child's play
New blues for a new day

And when I'm gone
I want you to wonder
And when I stop
I want you to play

And let the best of you just see right through me
Cause I can't see

But I wasn't where you were
No I'm never where you are
I'm in my looking glass view
Always almost too close to you
I'm always almost too close to you


27 mins before december 2. susubukan ko nang gumawa ng wish list ko.


DITO ANG LUMANG BLOG