Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
31.1.09 into the sea this be andy mckee with the weird looking instrument. it's a harp guitar. i can listen to him all day.
26.1.09 tuloy pa rin ang ikot ng mundo si claire wong. purong chinese na isinilang sa pilipinas. hindi marunong mag-mandarin o kahit anong lengwaheng pang chino. dahil masunurin si claire pumayag siya sa plano ng magulang magkaron ng fixed marriage. simula nun nagbago na ang buhay niya. nalosyang na siya. taong bahay. sunud-sunuran sa asawang hindi niya naman mahal. mahirap pero kelangan niyang panindigan yun. housewife si claire. naging takbuhan rin ng mga kapatid tuwing may kailangan. taga-gawa ng mga hindi na kayang gawin ng mga taong busy. 'di nagtagal nagmistulang high ranking helper na lang siya sa tahanan nila. almost taken for granted. kahit na college graduate sa exclusive school hindi na rin siya nakakatanggap ng pagtingin na tulad ng sa isang taong nagta-trabaho sa aircon na lugar. housewife siya, kelangan niyang panindigan yun. tanging pride na lang niya sa buhay ay ang pagiging magaling sa pagluto. dito walang kumokontra sa kanya. naglilista pa lang ng bilihin nagiibang tao na siya. ang pagiging matahimik at matiisin napapalitan ng confidence at sense of control. alam niyang bida siya. nasa tuktok siya ng mundo tuwing siya ay namamalengke. sa palengke importanteng tao siya. kaharian niya yun. nirerespeto ng mga tindera... marami kase kung bumili. sa pagluluto lumiligaya ang buhay niya. pero matapos mabusog ang mga taong papakainin alipin na siya ulit.
22.1.09 vintage squares got the old cam working. nye-nye. it's from the 1950's... or older. feeling ko nga 40's kase yung may-ari nito patay na nung early 50's. nakita ko lang to sa baul at ginawang display lang nung una. pero nung ni-check ko yung clockwork niya maayos pa naman ang andar. kaya dinala ko to sa quiapo 2 weeks ago para palinisan ang lente. for an overview, the zeiss ikon nettar is a fully manual camera. mahirap. 'di tulad ng mga dslr o kahit digital cam na may built in light meter. mahirap pang magkamali ng shot dahil ang gamit nito ay medium format film, yung 120. ibig sabihin sa bawat roll ng film meron ka lang 12 shots. ni-load-an ko ng film nung linggo at nag test run. mahirap gamitin. hindi ako marunong nung tinatawag na zone system (ewan ko kung applicable dito yun) para alam kontrolin ang ilaw. nag-rely lang ako sa instinct. chambahan! so far so good. nakakuha ako ng magagandang shots pero may issues pa ko sa focusing. tantyahan lang talaga. hiwalay ang view finder sa lente mismo kaya ang ibang shots putol putol din.
19.1.09 concept shoot ok, may mga nabubuo na kong concept ko. problem is ang kelangan ko yatang mga model ay yung mga naging or may experience sa pagiging stage actor/actress or something like that. kapag ako kase ang tatanungin mas trip ko yung tipong pang movie stills or movie posters. ang kaso kelangan ng mga models sa folio nila ay yung tulad ng mga studio pictures nila jolina nung 90's na nilalagay sa wallet ng mga die hard fans nila. arrgh.
themesongs first of... the eraserheads final set will push through in less than two months. it will be held on march 7, 2009 at sm mall of asia. tickets will be sold at 300, 1300, and 3000. there will be no vip and svip tickets this time. it's gonna first come, first serve so it'll be advisable to buy tickets immediately once it's available. *** and i have 3 new opm cds. 1. boy elroy's "a better place". dagdag sa kokonti kong cd na male-label ko as punk. hindi ko pa napapakinggan ang buong cd so wala muna akong reaction. masasabi ko lang na gusto ko agad yung dalawang kanta nila, "out of control" at "a better place". 2. the out of body special's "... is love". napanood ko na sila ng live four or five times already. los, yung vocals, is a very good rapper. as. in. gooooooood!!! two times ko na siya nakitang mag freestyle (kasabwat si dj dubious) at dun lang ako nakakita ng nag-freestyle rap na umabot or lumampas ng dalawang minuto. hands down. like taken by cars, iba tunog nila pag live at pag sa cd. lalong lalo na yung vocals, parang ibang tao yung nasa album. hindi naman nakakasira, masarap sa tenga pareho. pag live mas rock ang tunog nila and pag sa cd definitely hip hop. a good buy. sigurado. ultimo time magazine nga napansin sila. 3. ang bandang shirley's "themesongs". my pick sa tatlo. kanina ko lang nabili pero napatugtog ko na ng tatlong beses. ang saya ng album na to. parang ang sarap ng buhay habang pinapakinggan ko. siguro dahil to dun sa friendly and easy to learn melodies. if there would be a "driving songs" category in my music library mapapasama to. ok siyang pakinggan habang nagba-byahe.
18.1.09 this is our year!!! to fight any and all sorts of oppression...
15.1.09 crunch crunchyroll used to be a good site to watch asian movies. ang ganda kase mabilis mag-load. at halos lahat ng magandang titles (asian) nandun. but 5 days ago tinanggal karamihan ng videos. siguro nagkaron ng problema pagdating sa copyright? malamang. bad trip, dito lang ang source ko ng mga movies na hindi available sa bentahan ng mga cd at dvd/vcd. yung "chungking express" na kahit sa hongkong na mismo hindi available nasa crunchyroll... dati. last week, bago matanggal yung mga vids nakapanood pa ko ng tatlong korean movies last week. "the classic", "the man who was superman", at "a moment to remember". marathon. sa tatlo "a moment to remember" is THE movie. hard drama. plot was not so interesting pero yung pagka-deliver ng istorya wala akong masasabi. hands down. nagkanda puyat-puyat pa ko dahil dito. good thing is hindi pa tinatanggal to sa crunchyroll, may chance pa kong panoorin ito ulit. watch it!
11.1.09 sunday driving on the way to tagaytay with some friends. biglang tumunog yung harapan ng kotse, parang may lumusot na bato sa makina. una sa left side, tapos maya maya konti sa right naman. at ayun ayaw na umangat ng clutch. naputol. wala na kaming nagawa kung hindi bumalik na lang. buti tagaytay, pababa ang kalsada papuntang dasma. salamat sa gravity at nakauwi kami gamit ang 2nd gear at neutral lang.
10.1.09 quiapo diaries for the first time pumunta ako ng quiapo mag-isa. pakay ko yung hidalgo street kanina para sa camera related matters. dun ang pinaka malawak at pinaka murang bentahan ng camera at lahat ng serbisyong may kinalaman dito. huling beses ko yata sumakay ng lrt panahon pa ni ramos, grade school ako. dun kami sumasakay mula blumentritt papuntang ever gotesco. naka-leave ako sa thursday. baka bumalik ako dun.
7.1.09 you've got mail two things came in the mail today. 1. my first ever digiprint processed slide film. happiest roll for now. check out the pictures here. 2. and this... clue: it' came with these... so what is it? ?? ! !?! ???! !!! ... it's a holga! belated merry christmas to me. :D weeeeeeeeeeee!!!
4.1.09 hello 2009 hello jan and feb, ang pinakamalamig na mga buwan sa buong taon. starting the year on a sick note. kulang pa yata ako sa bakasyon. kagabi ko lang naramdaman nung papunta ako ng laguna para sa isang inuman sessions kasama yung mga kaibigan kong lumaki sa panahon kung saan si alicia silverstone ang benchmark ng hot chick. highschool classmates, with their significant others. masaya yung reunion tho' hindi ako uminom masyado. 2 shots lang ng jack daniels at dalawang pirasong beer candy na lasang caramel. bukod dun wala na. hindi ko natikman yung sisig, crispy pata, beer, tequila at lahat ng nakahain sa lamesa. sayang dahil sa panahon kung kelan dapat ako active tsaka naman ako nagkasakit. sa buong gabi naging active lang ako nung naglaro ng singstar (ps3). bagsak na ko after. nakinood na lang ako nung naglaro sila ng poker. nandun ako sa loob ng jacket ko. see you hs friends next december ulit. :) *** another non-productive activity rin na nagawa ko nung bakasyon ay mag-bingo sa mall kasama yung mga kapitbahay barkada. fun way to kill time pero syempre gastos pa rin. naaalala ko sa bingo si joseph, yung college friend namin na adik ang buong pamilya sa bingo. dati 'pag may biglaang lakad kapag weekend dadaan lang kami sa bingo area sa robinson's imus. siguradong nandun siya, 100%. *** medyo excited pala ako. hinihintay ko yung box bukas. sana dumating na. *** resolutions? meron ba ko? parang wala. eh goals? wala pa rin. i'll figure this, or these, out eventually.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |