Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
28.4.09 now what? 1st time ko ma-flat-an ng gulong ng kotse at lalong naging hassle kase nandito sa bahay yung tools. nabiktima yata ako ng law of karma, pramis pramis pa kase ng kung anong bagay sa sarili tapos babaliin rin lang. ayan tuloy. buti na lang nandiyan si big brother at iniligtas ako sa kapahamakan, siya nagdala ng tools sa kin. siya na rin nagpalit ng gulong. taga-turnilyo lang ako. *** dalawang tulog na lang at back to anawangin na. ride the curl!!! 3rd trip ko na to this year papuntang central luzon. raaaaaaaaaaaaah!!! baka last hurrah na 'to para sa summer season. umuulan ulan na, mukhang maagang matatapos ang summer. mas maigi kung ganon. gusto ko ng ulan, gusto ko malamig kapag natutulog. habang nasa zambales ako walang makikialam. hindi ako magre-reply sa celfone ng kahit kaninong text. gagamitin ko lang ang celfone para mag ph-plurk, dun niyo na lang balitaan kung ano nang nangyayari sa kin. *** may isa pa pala akong get away na nakaplano. matagal pa. oct 30 to nov 4. birthday gift ko na sa aking sarili. pupunta ako sa queen city of the south. bayan kung san nagmula ang pinakamagagaling na banda ngayon. cebu. hello malapascua, bantayan island, and ogtong cave resort. pasayahin niyo ang birthday celebration ko. at may bonus pa pala. side trip. dear travel buddy invited me na mag-1 day trip sa probinsya niyang bohol. yieeeehaaa!!! makakita na ko ng tarsier. bale may plane ticket na ko. mura lang sa pal. 1293 lahat lahat, manila-cebu tapos tagbilaran-manila. dapat nga mas mura pa kaya lang ang bilis naubos nung sa cebu pacific. panic buying mga tao, holiday kase nun. problema ko na lang ay kung papayagan ba ko mag-leave mula oct 30 ng hapon hanggang nov 4. pwes, pwersahan na 'to. magma-maternity leave naman yung isa kong kasama ng november at yung isa naman ng december kaya dun na lang ako babawi. for now kelangan ko pang magipon. madami-dami pa kong kulang. show me money. *** bumili pala ako ng namets last month. isang entry sa cinemalaya 2008. pinanood ko na 'to 2 weeks ago. papanoorin ko ulit mamaya. this film stars baleno brief model christian vasquez and angel jacob. this is not the typical flick na mapapanood sa mainstream cinema. ilonggo ang salita nito (maliban ke peque gallaga) at tungkol ito sa pagkain. very light at super enjoy panoorin. watch it! *** speaking of local cinema, malapit-lapit na nga pala ang cinemalaya no? july ba? there's this one entry na medyo curious ako, "mangatyanan (the blood trial)". why curious? it's a jerrold tarog film, 'nuff said. *** parang ang haba ng entry ko no? ganyan talaga. kakatapos lang ng isang mahaba-habang "writer's block". hahaha. gumaganon ako. *** last na 'to pramis. dun sa isang lugar na pinupuntahan ko araw-araw hindi matanggap ng ibang tao kung meron konting pagbabago na nangyayari. katulad na lang ng buhok ko. medyo mahaba na kase. kung minsan ginagamitan ko ng pony tail para hindi tumusok sa mata ko at para hindi mairita yung maselan at makapal kong mukha. isang beses, nung tinali ko buhok ko, sabi sa kin bigla ay "NGIII!!! new look ah! *ngisi*". feeling ko para siyang nakakita ng multo o nakakita ng taong suot yung costume ni he-man. nakakaasar na nakakainsulto. buti na lang maganda ang gising ko nun dahil napanaghinipan ko yung gosiengfiao sisters. kung hindi nasagot ko yun ng "wala namang pakialamanan, di naman kita pinapakealaman nung nagpaayos ka ng ilong eh".
24.4.09 one of those late night posts 1:25am. exactly 5 days before my return to anawangin. medyo nafi-feel ko na yung excitement. wala na ko paki kung makapag-surf o hindi as long as mag-enjoy ako. gusto ko lang yung feeling ng nasa beach. splashing waves. long boat rides. mainit na araw. yung pagtulog na feel umaalon-alon. beach walks. warm sand. ice cold coke on a hot windy weather. and of course the beach songs. Quiet Poetic We're caught up in our little world "hush now" she says "darling, no need for words" slow as we flow cuz tonight it's gonna be easy slow as we go cuz tonight we're gonna be free. Real loving, real loving Real loving she gives to me Real loving Quiet poetic, her body breaks into rhyme Quiet poetic, her moves says it all. Lit candles glow in your eyes We elevate, reached higher plains in our minds Sensual the tides of love could bring Breaking waves in our hearts We sing. She don't need to say a thing to me Her actions show As I try to give her all the same Quiet poetic, her body breaks into rhyme Quiet poetic, her tongue is her mind Quiet poetic, she speaks through her eyes Quiet poetic, her moves says it all. gustong gusto ko lang pinapakinggan yan habang binabaybay yung sea shore.
22.4.09 ... is overwhelmed wow. mahal ko na ang photography, haha. i think nasa tamang daan ako. maraming, maraming salamat sa mga models na tumulong sa kin para mabuo ang portfolio ko sa multiply. pramis, pagsisikapan at pagbubutihin ko pa lalo ang aking pag-karir. i'll post the details soon... or maybe not.
19.4.09 i want my rainbows ok. i'm still on the process of knowing my colors. there's this one theory na naisip ko dati pa pero ngayon ko lang sinubukan. here are sample shots i re-edited and revised this weekend. i think i'm getting close to what i want. i am getting impatient.
14.4.09 dear tatay chronicles: episode 1 once upon a time kanina... 8:00pm brother: ulam mo na yang liempo dyan. me: kakain ako pagkatapos ng basketball. 10:00pm me: pa, yung ulam kong liempo? father: kinain ko, magluto na lang kayo ng ulam niyo. 10:15pm me: kinain na ng malaking pusa yung ulam ko, nandun siya sa taas nanonood ng tv. brother: labas ka ng hotdog magluluto ako, tig dalawa tayo. 10:30pm brother: kain na tayo. me: *sa wakas* 10:31pm father: *dekwat kalahating piraso* 10:33pm brother: last piece ko na to, sa 'yo na yan. father: *dekwat final half piece hotdog* me: *waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag po!* - fin
13.4.09 banco de oro ate my lunch for one week kinain nung atm yung pera ko 2 weeks ago. baon ko sana yun para pang isang linggong lunch. tama naman ginawa ko after, nagreklamo ako sa customer service nila. binigyan ako ng reference number at pinaghintay ng mahigit isang linggo. tiis tiis lang, confident pa ko na makukuha ko. pero kanina, pag-follow up ko, sinabi na nai-dispense daw ng atm machine yung pera ko. potek, wala na kong laban dun. sa nakakuha ng pera ko kung sino ka man, ibalik mo sa akin yan. bibili pa ko ng load.
landscape this is a photo of pinatubo i took using my old trusty digicam. usually, kapag bumabiyahe ako dala ko lang ay si old cam para hindi siya magtampo. two reasons. (1) very compact, unlike dslr isang bag na agad camera pa lang. (2) gusto kong i-push sa limits yung mga camera ko. naniniwala akong basta malakas ang araw makakakuha ng magandang shots ang digicam. oh and btw, yes, this is an edited pic. an HDR actually.
12.4.09 perfect place this is nikki from last weeks shoot. may anggulong hawig ni anne curtis itong batang 'to. isa pinaka-perfect na lugar para magshoot ay mga closed areas with doors, windows or "holes" facing west. and the perfect time to shoot in these locations is the final 2 hours of sunset. maganda kase bagsak ng ilaw, ng araw. not too harsh and the skin glows perfectly. usually hindi na kelangan ng reflectors at ng strobes sa ganitong setting.
6.4.09 summer 2 times na ko naligo... going 3. ang init!!! ramdam na ang summer. kung pwede lang sana ipunin yung preskong hangin sa labas, ilagay sa plastic, tapos pakawalan sa kwarto ko. looking forward na pumasok sa office bukas... i mean 6 hours from now, 1:57am na. 1 good thing na gusto ko sa office kapag ganito ay dahil aircon dun.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |