Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

28.4.09

now what?

1st time ko ma-flat-an ng gulong ng kotse at lalong naging hassle kase nandito sa bahay yung tools. nabiktima yata ako ng law of karma, pramis pramis pa kase ng kung anong bagay sa sarili tapos babaliin rin lang. ayan tuloy. buti na lang nandiyan si big brother at iniligtas ako sa kapahamakan, siya nagdala ng tools sa kin. siya na rin nagpalit ng gulong. taga-turnilyo lang ako.

***

dalawang tulog na lang at back to anawangin na. ride the curl!!! 3rd trip ko na to this year papuntang central luzon.

raaaaaaaaaaaaah!!!

baka last hurrah na 'to para sa summer season. umuulan ulan na, mukhang maagang matatapos ang summer. mas maigi kung ganon. gusto ko ng ulan, gusto ko malamig kapag natutulog.

habang nasa zambales ako walang makikialam. hindi ako magre-reply sa celfone ng kahit kaninong text. gagamitin ko lang ang celfone para mag ph-plurk, dun niyo na lang balitaan kung ano nang nangyayari sa kin.

***

may isa pa pala akong get away na nakaplano. matagal pa. oct 30 to nov 4. birthday gift ko na sa aking sarili. pupunta ako sa queen city of the south. bayan kung san nagmula ang pinakamagagaling na banda ngayon. cebu.

hello malapascua, bantayan island, and ogtong cave resort. pasayahin niyo ang birthday celebration ko.

at may bonus pa pala. side trip. dear travel buddy invited me na mag-1 day trip sa probinsya niyang bohol. yieeeehaaa!!! makakita na ko ng tarsier. makakakain makakakita na ko ng chocolate hills. loboc river. at gusto ko rin makita yung sinasabi nilang mga old houses dun!

bale may plane ticket na ko. mura lang sa pal. 1293 lahat lahat, manila-cebu tapos tagbilaran-manila. dapat nga mas mura pa kaya lang ang bilis naubos nung sa cebu pacific. panic buying mga tao, holiday kase nun.

problema ko na lang ay kung papayagan ba ko mag-leave mula oct 30 ng hapon hanggang nov 4. pwes, pwersahan na 'to. magma-maternity leave naman yung isa kong kasama ng november at yung isa naman ng december kaya dun na lang ako babawi.

for now kelangan ko pang magipon. madami-dami pa kong kulang.

show me money.

***

bumili pala ako ng namets last month. isang entry sa cinemalaya 2008.

pinanood ko na 'to 2 weeks ago. papanoorin ko ulit mamaya.

this film stars baleno brief model christian vasquez and angel jacob. this is not the typical flick na mapapanood sa mainstream cinema.

ilonggo ang salita nito (maliban ke peque gallaga) at tungkol ito sa pagkain.

very light at super enjoy panoorin. watch it!

***

speaking of local cinema, malapit-lapit na nga pala ang cinemalaya no? july ba? there's this one entry na medyo curious ako, "mangatyanan (the blood trial)". why curious? it's a jerrold tarog film, 'nuff said.

***

parang ang haba ng entry ko no? ganyan talaga. kakatapos lang ng isang mahaba-habang "writer's block". hahaha. gumaganon ako.

***

last na 'to pramis. dun sa isang lugar na pinupuntahan ko araw-araw hindi matanggap ng ibang tao kung meron konting pagbabago na nangyayari. katulad na lang ng buhok ko. medyo mahaba na kase. kung minsan ginagamitan ko ng pony tail para hindi tumusok sa mata ko at para hindi mairita yung maselan at makapal kong mukha.

isang beses, nung tinali ko buhok ko, sabi sa kin bigla ay "NGIII!!! new look ah! *ngisi*". feeling ko para siyang nakakita ng multo o nakakita ng taong suot yung costume ni he-man. nakakaasar na nakakainsulto. buti na lang maganda ang gising ko nun dahil napanaghinipan ko yung gosiengfiao sisters. kung hindi nasagot ko yun ng "wala namang pakialamanan, di naman kita pinapakealaman nung nagpaayos ka ng ilong eh".


DITO ANG LUMANG BLOG