a close photographer friend of mine is diagnosed with both leukemia and lymphoma. for starters parehong cancer yan.
kahapon pa niya sinabi sa kin via ym pero inisip ko na joke lang yun. sana joke lang nga talaga. pero iba yung dating nung sinabi niyang "kuya may sasabihin ako", alam ko nang merong hindi tama. at ayun na nga. kung hindi ko pa rin nakikita yung shoot for a cause event para sa kanya hanggang ngayon hindi pa rin ako maniniwala.
nakakaiyak pag parati ko naaalala yung sabi niya sa kin na "hindi ko na kase alam kung hanggang kelan na lang ako eh".
dasal na lang talaga, wala na kong ibang magagawa.
at para sa kanya, she needs to stay strong. meron pang photoworld 2010 (we were at photoworld 2009) at marami pang susunod na photoworld tayong pupuntahan. kung pupunta sa quiapo at para mamili nga accessories dapat ikaw pa rin alalay ko.
basta jan ka lang.