tinatamad ako or ayaw ko pang matulog. ganito ang hirap sa sleep-all-you-can type ng buhay, nagiging sanhi ng insmonia. bukas gigising nanaman ako ng halos tanghali na, kahit pa na mag alarm ako ng medyo maaga.
ang dami kong oras nitong nakalipas na huling dalawang buwan matapos kong lisanin ang kumpanya. original na plano ay aalis na dapat ako sa kalagitnaan ng september. pero naudlot. nung umagang nagpasya akong bumili ng ticket papuntang SG pinigilan ako ni erpats. tapusin ko na daw ang taon dito kung maaari. pwede naman kaya pagbigyan.
so eto, tambay tambayan muna.
kung may gusto akong gawin ngayon na ang pinakamagandang panahon. kaya nga heto, ilang proyekto ang nais kong simulan habang naghihintay hintay.