Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
27.10.10 the baler trip this was one good reason to miss dub's 1st major concert. nagkasabay, at kelangan kong mamili. and my choice was not a disappointment. for starters, hindi po sa quezon ang baler. sa aurora. isang probinsya sa kanan ng luzon makalampas ang nueva ecija. unlike yung ibang mga napuntahan ko, hindi ito blessed ng white sand beaches tulad ng calaguas, siquijor, at bantayan island. ang maipagmamalaki ng lugar na ito ay ang mga alon na nanggagaling sa pacific ocean. obviously, ang pinaka reason kung ba't ito dinadayo ay dahil sa surfing. at iyon ang ginawa namin dun, 2 1/2 days worth of surfing and beach bumming. affordable naman, 200php/hr ang renta ng surf board at 150/hr ang bayad sa instructor kung isa kang beginner. mag 2 hours ka lang sa isang araw sasakit na ang katawan mo. may magandang koleksyon din ng scenic seascapes ang baler. paraiso para sa mga landscape photographers. i'm not into it pero i did try photographing seascapes at nag-enjoy din ako. kaya ngayon nate-tempt na ko bumili ng mga filters para sa camera ko.
21.10.10 what's up? last week until yesterday was a productive week. nagkaron ako ng kasal na ni-cover na ni-raid ng pulis sa kalagitnaan ng reception. tapos eto na ang barrage ng name dropping. nag-cover kami ng binyag which featured (fellow celebrities haha) china c0juangc0 and grace l33 (naks!). kahapon naman merong biglaang shoot, it was an honor to work with the same person who does kc c0ncepci0n's make up. and if i heard it right, yung client is raj0 laur3l's cousin (naks nanaman!). one hot mama, can't believe that she's already 39 years old. btw, happy ako na i did a pretty good job with this photo shoot. thank God for projects like these. thank you to all the people who did the referrals. ang laking tulong niyo. these projects were enough for me to raise funds para ma-cover ang baler trip para sa long weekend na ito. saturday i'm gonna be riding the waves with the best people in the world. monday evening babalik ako and hopefully maging active na ulit sa pagsusulat dito sa blog na to. na-miss ko na rin kase ang eystothemax eh. at who knows, baka masimulan ko na rin yung isa pang personal project na kino-conceptualize ko nitong past few months.
16.10.10 bonnie and clyde saan ba nakakapanood nung mga pulis na biglang papasok sa isang kasalan at aarestuhin ang groom sa harap ng mga bisita. hindi ba sa pelikula lang? hindi kapani-paniwala pero kanina lang nangyari iyon sa kino-cover naming kasalan. pagkatapos ng toast ay mayroong mga pumasok na CIDG may dalang warrant at huhulihin daw ang groom. nang makita ko ang mga nangyayari nag-safety na ko sa malayong lugar para kung may mangyari man eh madali kong maililigtas ang sarili ko. nakakakaba. may halong takot. madalas na kasama ng presence ng pulis ang salitang "unsafe". oo, parang mali pero takot ako sa kanila. isipin mo na lang kung gaano kalaking takot na lang yun dahil sa labas ng venue ay pinapalibutan ng isang batalyon ng CIDG (high profile police para sa mga bigating kaso) at armado lahat ng armalite. suskomiyo! kung magkaputukan magiging every man for himself na. salamat sa Diyos at wala namang kaguluhan na naganap. pagkakaalam ko lang ay nahimatay ang bride, isinakay sa ambulansya kasama ang ilang escort na pulis. ang groom naman ay sumama na rin ng maayos sa mga umaresto sa kanya. naguwian ang mga guests at naiwan ang sandamakmak na pagkain para pagpiyestahan sa min. ang weird ng reality.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |